Salazar
Kinuha ko ang mga files ni Maggie sa hospital upang pag-aralan but when I left alone sa bahay ko, hindi ko naman magawang buksan ang envelope. Nakatingin lang ako dito at hindi magawang kumilog.
"Magpapagaling ako tapos magiging surgeon ako kagaya mo. Tapos ikaw ang mentor ko."
"Hindi ko kaya," bulong ko. Tinabunan ko ang envelope ng mga lumang files upang hindi ko makita. Masyadong mabigat ang kapalit ng gagawin ko. Baka hindi ko na kayanin kung may mamamatay pa sa kamay ko.
"Good morning, Sir." Nakangiting nilapang ni Elisha sa table ko ang kung ano mang dala niya. Nakaputi na naman siya at ang aliwalas ng aura.
"Sir, may meeting ka after lunch with the CEO. Then, tumawag si Doctor Chan, hinahanap ka. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya. Important dawn a magreturn call ka."
"Iyan mo na ako." Ayaw ko ng makulit ngayon.
"Iyana ng number ni Doctor Chan," nilapag nito ang isang sticky note sa ibabaw ng laptop. "In case nakalimutan mo na."
"Okay na. Lumabas ka na," taboy ko sa kanya. Hindi tuminag si Elisha. She chewed her lower lip na kinakunot ng mga noo ko.
"Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo," singhal ko sa kanya ngunit hindi siya natinag.
"Nabasa mon a ba ang medical records ni Maggie?" tanong niya. Napapikit ako ng mariin sa inis.
"Lumabas ka na," I repeated.
"Hindi naman sa minamadali kita pero bilang kasi ang oras niya," katwiran ni Elisha.
"Leave." I shouted na ikinatayo ng deretso ni Elisha.
"Sorry," she murmured before she left.
Buong maghapon akong hindi mapakali. Iniisip ko ang envelop sa study room ko. Iniisip ko kung bakit panay tawag ni Doctor Chan na hindi ko naman sinasagot. Iniisip ko silang lahat pero ayaw ko namang harapin. Alas quarto ng hapon ng lumabas ako ng opisina. Instead na umuwi ng bahay ay pumunta ako sa isang bar at umorder ng brandy. Kailangan ko na yatang dumalaw sa psychologist. The guilt is still there. It's eating me.
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang last conversation namin ni Mira. My last message still hasn't sent. Ang laki ng pagkukulang ko bilang boyfriend sa kanya at bilang doctor. She lost her life and I was there to witness it. She died in my table.
Pinaiwan ko ang bote ng brandy sa waiter para hindi na ito magpabalik-balik pa. Nilunod kong muli sa alak ang mga multo ko sa isipan. Akala ko okay na. Bakit biglang bumabalik na naman?
"Masarap 'yan Doc. kung may pulutan kang mani." Napatingala ako sa nagsalita.
Si Elisha.
Umupo siya sa tapat ko at naglabas ng Happy Peanut. 'Yong nakaplastic pa na maliliit. Hinila niya ito mula sa bag na parang bandera. Natingin ang waiter sa amin. Magbabayad pa ako ng corkage fee nito.
"Ang aga mong lumabas ng opisina," sita ko sa kanya.
"Naka time in pa ako."
"Ipapakaltas ko ang sweldo mo."
"Sabi ko sa HR na baka kailangan mo ng assistant." Mainam talagang sumagot itong si Elisha.
"Nagsinungaling ka sa HR!"
"Sabi ko naman na baka lang. Ano problema Doc?"
"Sir." Ilang beses ko ba siyang kailangang itama. Elisha rolled her eyes and started to open that little sachet of peanut. She gave one to me and started to eat hers.
"Wala tayo sa office. So, bakit nga naglalasing ka nang hindi nangyayaya? By the way, Doctor Chan called again. Tinanong ko na kung ano ang kailangan niya. Mabait pala siya. Well anyway, sabi niya na ang hospital daw ay binebenta. Gusto mo raw bang maging share holders?"
Napatingin ako kay Elisha na busy sa pagnguya. "I got your attention na? Ganito raw ang issue. Si Doctor Santiago ay naglulustay ng pera ng hospital for years. Tapos, 'yong mga bagong medical equipment dapat ay hindi dumating. Ang masama pa, ito ang nakakahabag Doc, may isang pasyente na namatay dahil tumakbo si Doc. Santiago in the middle of operation palabas ng operating room dahil narinig niya sa isang nurse na parating na ang mga pulis. The patient died. Hindi umabot si Doctor Chan sa operating room para sagipin ang pasyente."
Shit.
"Kaya Doc., ano ang maitutulong ko to make you feel better? Everybody needs you."
Hindi ko pinansin si Elisha. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Doctor Chan.
"Thank God, you called. Nasabi sa iyo ni Elisha ang nangyayari dito?" tanong agad ni Doctor Chan.
"Meet me tomorrow sa office ko."
"Iyon na nga ang balak namin kung hindi ka pa tatawag. Nag-off na kami ni Doc. Maricar para bukas," sabi nito. Pati ang anesthesiologist isasama pa.
"Hihintayin ko kayo." Ibinalik ko ang phone sa bulsa ko at huminga ng malalim.
"Mani, Doc?" alok ni Elisha. "Kinuha ko na 'yong mani mo, baka kumunat. Pagbukas na lang kita ulit."
"Bakit 'di mo sinabi agad ang gustong sabihin ni Doc. Chan?"
"Kanina ko lang inusisa. Nagmamadali kang umalis ng office no'ng kausap ko siya sa phone. Hindi mo nga ako pinansin when I called you," paninisi ni Elisha. "Kaya nga sinundan na kita. Kanina ka pang umaga medyo off. What's wrong?"
Hindi ako kumibo. Nagsalin ako ng brandy at uminom.
"Alam mo Doc., minsan ko ring naitanong kung bakit ako? Bakit ako may ganitong task? You know what He replied? 'Hindi kita bibigyan ng pagsubok nang higit pa sa kakayanin mo. Ibibigay ko sa iyo ito dahil ikaw ang may kayang gumawa. Dahil kung minsan, ang akala mong parusa sa iyo ay isang aral pala. Inihahanda lamang kita.' "
"Sino ang tinutukoy mo?" naguguluhang tanong ko kay Elisha. Bigla siyang kumurap tapos kumunot ang noo.
"I... don't know," bulong niya. "I can't remember but I know someone told me that."
"Ang gulo mo talagang kausap, Elisha. Magulo ka pa sa pinagbibintangang mong magulong sulat ko."
"Hay, sobrang gulo yata kung naihalintulad sa pagsusulat mo, Doc." Nakuha pang ngumiti nito. Hindi niya ba alam ang sarcasm sa sinabi ko. "Doc, maari kang magpahinga ngunit hindi maaring sumuko."
"Akin na iyang mani. Magbabayad ako ng cockage fee sa ginawa mo. 'Yong tig-piso pa ang dinala mo."
"Hay, bawal bang magdala ng pulutan?"
"Bakit ang gulo mong kausap? Ako ba ang nakainom o ikaw?" tanong ko kay Elisha na ikinatawa lang nito.
BINABASA MO ANG
SENT FROM ABOVE (Completed)
General FictionThe body of Abijah Elisha Ocampo became her vessel when she became an incarnated angel. She is an angel sent to Earth in the form of a human to fulfill specific missions entailed by Him that can't be fulfilled unless the angel appears in human form...