Salazar
Elisha has been running on my mind since that day. She has no memories at all. Even the death of her parents, hindi niya matandaan. Ano na ang mangyayari sa kanya?
"Hon..."
Napalingon ako sa boses na naggaling sa pintuan. Nakatayo doon si Mira— ang girlfriend ko— na may hawak na cake. How I missed her sweet smiles at me. How long has it been since we last met?
"Happy birthday to you," she sang.
Anong petsa na ba?
"Happy birthday, hon," bati ni Mira. She went inside my office and kissed me. I kissed her back, because... I felt obliged.
"Thank you, hon."
"Mukhang nakalimutan mo na rin pati ang birthday mo," may halong pagtatampo na wika ni Mira sa akin, even though she tried to hide it through her sweet smile. But I know her. So like what I always do, I snaked my arm around her waist and placed her on my lap.
"Tatanda lang kasi ako," biro ko sa kanya.
"Blow your candle and make a wish."
I pray for Elisha's complete recovery.
I blew the candle. The smoke went up into the air, like a prayer that travels to heaven.
"Seriously, nakalimutan mo ang birthday mo ngayon, ano?" tanong muli ni Mira sa akin. Tumayo siya at pumamewang nang maibaba ang cake sa table ko na puno ng libro. I laughed.
"Sinasabi ko na nga ba. You are too focused on your work, kaya naisip ko na... if you can't make time, tama lang na ako naman ang pumunta sayo. After all, sa ilang taon nating dalawa na magkasama it was always you who sacrifices. Pero six weeks na kitang hindi nakikita, hon. Baka makalimutan mo na ang mukha ko sa sobrang busy mo."
"Babawi ako, hon. Sorry talaga." I hugged Mira and inhaled her scent. Ang tagal ko na palang hindi nagpapakita sa kanya.
"Ganyan na ba kalala ang schedule ng pinakamagaling na Neuro-Surgeon sa bansa?"
"Sorry na."
Bumuntong-hininga si Mira at gumanti ng yakap sa akin. "I missed you, Zar. Please clear your schedule for me kahit tuwing Sunday para sabay tayong magsimba."
"I will try, Mira. Kailangan ako ng mga pasyente ko."
Bumitaw si Mira sa pagkakayakap sa akin at inabot ang aking kwelyo. She fixed it while I stared at her.
"I also need you," sabi niya nang hindi tumitingin sa mga mata ko.
"Babawi talaga ako," I promised that made her smile.
Mira told me stories about her day on their church while we eat the cake. Nakikinig lang ako sa kanya. Her faith is unbelievable. She surrendered everything to the Lord. I don't believe in God before. I am a man of science. Lahat ng pinapaniwalaan ko, naayon sa siyensya.
But when Mira came to my life, she blessed me with her faith. And as I discussed Elisha's case to her, the only thing she concluded is, "That's a miracle, hon."
"I think so too," I replied to her.
"Only God can do impossible things. Only God can save her, and He used you."
"Dr. Andrada, emergency po."
Napatayo ako sa upuan at sumunod sa nurse na nagmamadaling tumakbo sa hallway. I didn't have a chance to say goodbye to Mira. Tumunog na ang alarm sa hospital. Code Blue. Nagtakbuhan ang mga doktor palabas ng mga office. Nagmamadali kaming pumunta sa ER.
Sa Emergency Room dinala ang mga sugatang pasyente ng banggaan ng bus at truck. Ang may mga minor injury, hinayaan ko na ang mga junior doctor na mag-asikaso. Hinarap ko ang mga may sugat sa ulo.
"We need to operate them."
Tinuro ko sa nurse na nakasunod sa akin ang mga kailangang operahan. Mabilis na nagsikilos ang mga naka-duty at inilabas sa ER ang mga kailangang operahan.
"Doc, kailangan daw munang pumirma ng waiver ang pamilya sabi ng admin," bulong ng assistant doctor ko nang nasa operating room na kami.
"Ayaw tayong payagang mag-operate," dagdag niya pa.
"Hayaan niyo sila. Kailangan silang maoperahan," sagot ko.
Naka-ready na kami sa operating room nang mag-ring ang phone. Sinagot ng isang nurse ang telepono habang hinihintay namin ang anesthesiologist na matapos sa pag-i-inject ng anesthesia.
"Dr. Andrada, admin po."
My hands are in front of me and the nurse helped me to put the telephone at my ear. Hindi ako pwedeng humawak ng kahit ano bago ang operation.
"Dr. Andrada, hindi pa sila nakakapag-down payment. Hindi pa sila pwedeng operahan."
"What do you want me to do? Let them die?" tanong ko sa kanila.
"That is our hospital's policy. No down payment, no surgery," sagot ng manager sa admin. Sinenyasan ko ang nurse na ibaba na ang telepono.
"Doc, ready na ang pasenyente," wika ng anesthesiologist.
"Scalpel," I asked and started the procedure without the admin's go signal. After four hours of non-stop operation, pinatawag ako sa admin office upang pagsabihan.
"Sino sa palagay mo ang magbabayad ng procedure na ginawa mo?" sermon ng Manager sa akin.
"Hindi tayo charity institution. You are one of the top paying doctors here in our hospital. Sa tingin mo kayang magbayad ng mga pasahero ng bus ng isang Doctor Salazar Andrada IV as their Surgeon?"
Tumayo ako at nag-unat. May mga dugo pa ang scrub na suot ko at hindi na ako nagpalit nang harapin ko ang galit na galit na Admin Manager.
"Pa-birthday ko na sa kanila ang fee ko ngayon. Good day, Mrs. Wong."
Lumabas ako ng office ng Admin kahit sumisigaw ang Manager na hindi pa kami tapos mag-usap. Dumiretso ako sa office ko hoping that Mira is still there but she's already gone. A note was left on my table that says Happy Birthday, Hon I Love You at ang tirang cake. Kinuha ko ang note at nilagay sa bulsa ng white coat ko. Kinuha ko rin ang tirang cake at dinala sa kwarto ni Elisha.
She smiled when she saw me entered her room and smiled even more when she saw the cake on my hand.
"Sino ang may birthday, Doc?" tanong niya. Bakit nakakaupo na siya?
"Ako," maikling sagot ko.
"Wow, happy birthday, Doc! May your life be filled with overflowing blessings from the Lord. May He continue to guide your hand to help those who are in need. May He continue to use you as an instrument to save his beloved mankind."
Natawa ako nang bahagya. "Amen," I replied.
"Amen," she said smiling. "Pahingi na ako, Doc. Pakisabihan naman ang staff sa kitchen na huwag tabangan ang food ko."
Natatawa kong iniabot sa kanya ang cake at ang unused plastic fork.
"Bakit nakakaupo ka na?" hindi ko maiwasang tanungin sa kanya.
"Because God allowed me to sit," sagot niya. "Like how God allows you to save the victims of the crash earlier," dugtong niya habang nakatingin sa paa niyang sumisipa nang mahina.
"And how did you know I was operating earlier?"
Natawa si Elisha nang bahagya. When she looked up, I felt the same chills I felt the last time.
"Nurses," she said meaningfully.
"Medyo sikat ka pala sa hospital na ito," pagbubukas niya nang panibagong usapan. Napapailing ako habang pinapanood ko siyang kumain. Hindi siya hirap kumain ng solid foods at may panlasa siya, nalasahan niya ang matabang na pagkain ng hospital.
Now... the big question is, bakit ang bilis ng recovery ni Elisha?
Do miracles work this way?
BINABASA MO ANG
SENT FROM ABOVE (Completed)
General FictionThe body of Abijah Elisha Ocampo became her vessel when she became an incarnated angel. She is an angel sent to Earth in the form of a human to fulfill specific missions entailed by Him that can't be fulfilled unless the angel appears in human form...