Chapter 23- Milktea

2.4K 183 18
                                    

Salazar

"At bakit tayo nakangiti ngayon? May nakaka-smile ba sa MRI result?"

Napatingin ako kay Doc. Chan na nakapasok nap ala ng opisina ko.

"Ready ka na for surgery?" pag-iiba ko ng usapan.

"Change topic agad?"

"Bakit ka naligaw sa opisina ko?"

Naupo si Doc. Chan sa upuan sa harapan ko at nangalumbaba sa table. "Nasaan si Elisha?"

"Nagpapahinga. Bakit?"

"Hindi ba clear naman ang results ng mga lab niya?"

"Oo. Bakit?"

"Pinapatanong ng team kung payag siyang sumama sa amin."

"Bakit?"

"Panay ka bakit. Nasaan si Elisha? Ako na lang ang kakausap."

"Hindi pwede," mabilis na sagot ko.

Ngumisi si Doc. Chan at saka tumayo. "Sige, mamaya na lang, Doc. Sal. Mukhang busy ka pa."

"Hoy," tawag ko kay Doc. Chan ngunit hindi ako pinakinggan.

Maya-maya pa ay narinig ko ang paging system na nakapagpahinto sa akin sa pagbabasa.

"Paging Elisha... Please proceed to Nurse Station at level 5. Elisha, please proceed at Level 5, immediately."

What in the world is going on?

I decided to go to Level 5. Naroon si Doc. Chan na kasama ang buong team namin at mukhang naghihintay. Nagtawanan sila nang makita akong lumabas mula sa elevator.

"Sabi na sa inyo... Paano?" tumatawang tanong ni Doc. Chan sa buong team.

"Doc. Sal, bakit nandito ka?" tanong ng nurse na kasama namin sa team.

"Bakit kayo nagpa-page?"

"Si Elisha ka ba, Doc?" biro ni Doc. Maricar.

Hindi ako nakasagot at nailigtas sa pagkapahiya nang dumating si Elisha na hinihingal.

"Bakit?" tanong nito sa nurse na nakaduty sa nurse station. Tinuro kami ng nurse kay Elisha.

"Bakit?" tanong nito ulit na mukhang tinakbo ang hagdanan.

"Sama ka sa amin?" tanong ni Doc. Chan sa kanya.

"Saan?" sabay na tanong namin ni Elisha. Napatingin siya sa akin at mukhang doon pa lang ako napansin. "Hi, Doc. Sal. Akala ko busy ka? Bakit nandito ka?"

"'Di ba, kaya nga hindi na namin iisotbohin si Doc. Sal. Ikaw na lang ang sumama sa amin na maglunch out," wika ni Maricar na mukhang game na game na inisin din ako.

"Ay sige..." sagot naman ni Elisha.

Ang kapal talaga nila. Hindi talaga nila ako sinama.

"Office hours," paalala ko kay Elisha na ikinawala ng ngiti niya.

"Dalan na lang kita ng food?"

"Hindi n'yo talaga ako balak isama?" naiinis na tanong ko na ikinatawa nila.

"Si Doc. Sal, matampuhin. Tara na nga."

Nauna nang maglakad papuntang elevator si Doc. Maricar at Doc. Chan.

"Sumunod na kayo," dagdag nito.

"I can't believe you guys. Pagkatapos ninyo akong pagmakaawan na bumalik, ganito ang gagawin ninyo?"

Nagtatawanan ang buong team habang papunta kami sa elevator na hinihintay kaming makasakay lahat.

"Doc. Sal," pabulong na tawag ni Elisha. Kanya-kanyang tingin sa dingding ang mga kunwari ay hindi nakikinig na mga kasama namin. "Akala ko busy ka?"

"Akala rin namin," sabat ni Doc. Chan na ikinatawa ng buong team. "Ay hindi pala ako ang tinatanong mo."

"Tapos ko na ang trabaho ko." Hindi ko alam kung bakit bumulong din ako samantalang naririnig naman ng lahat ang usapan namin.

"Kinain mo ba ang iniwan kong sandwich?" ganting bulong ni Elisha.

"Oo, kanina."

"Nandito na tayo sa basement. Pwede nang lumabas," bulong ni Doc. Maricar sa amin. Hindi matapos ang tuksuhan. Si Elisha ay mukhang hindi affected sa nangyayari. May idea kaya siya or nakalimutan nya na rin ang salitang flirting?

"Sa kotse ko si Elisha?" tanong ng isa pa sa team namin. Lalaki siya at hindi ko gusto ang tanong.

"Gusto mong mawalan ng work?" balik na tanong ni Doc. Chan dito.

"Bakit naman?" Elisha asked.

Nagtawanan ulit sila na ikitaka ni Elisha. "Ang saya n'yo. Minsan feeling ko ako ang tinatawanan ninyo."

"Hindi. Masaya lang talaga kami. Angel ka kaya namin," wika ng nurse sa kanya.

"Totoo?" tanong niya samantalang sa akin nakaharap. I cleared my throat before I replied.

"Yup."

"Kinabahan pa sa sagot," narinig kong comment ni Doc. Maricar. Nagpuntahan na sa kanya-kanyang sasakyan ang mga kasama namin at naiwan kami ni Elisha na nakatayo.

"So I guess, sa iyo na naman ako Doc."

"Ano pa nga ba?" kunwari ay walang ganang biro ko.

Naging tuksuhan kami ni Elisha sa team. More on, kapag wala si Elisha ay doon nanunukso ang mga ka-team ko.

"Ano kayo, mga bata?" minsan ay tanong ko sa kaninla during our meeting.

"Hindi ba alam ni Elisha na pinopormahan mo siya?" usisa ni Doc. Chan.

"Hindi ko siya nililigawan."

"Ows?" sabay-sabay na tanong ng buong team.

"Kulang na lang Doc. Sal, ipasarado mo ang hospital at tumutok kaming lahat noong hinimatay si Elisha."

Tahimik lang ako habang ang dami na nilang theory. Ganoon ba ako? Naitanong ko tuloy sa sarili ko.

Natahimik sila—maging ako—nang bumukas ang pintuan at pumasok si Elisha na may dalang plastic bags.

"Milktea, guys."

"Iyon!" kanya-kanya silang kuha ng milktea na inilapag ni Elisha sa table. She gave me one and put the straw in it.

"May kailangan pa kayo?" she asked sweetly.

Umiling ako at kahit hindi ko gusto ang milktea ay pinilit kong inumin dahil binigay niya. Nagpipigil ng tawa ang team ko habang nakatikom ang bibig ko at pilit na nilulunon ang milktea.

"Nasa labas lang ako kapag may kailangan pa kayo."

Nakangiti siyang lumabas at nang maisarado na niya ang pintuan. Nagtawanan ang buong team. Natatawa akong tiningnan ang hawak kong milktea.

"The things you can endure for love," tukso ni Doc. Maricar.

"Ubusin mo iyan," natatawang paalala ni Doc. Chan sa akin.

Shit! Malaki pa ang napunta sa akin. 

SENT FROM ABOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon