Chapter 16- Alamat

2.3K 176 16
                                    

Elisha

Doc Sal looks agitated kaya naglagay ako ng diffuser sa office niya at nilagyan ng calming oil. Hindi ko alam kung effective dahil ilang beses na siyang nagsulat sa papel and it end up sa trash can.

"Doc," tawag ko sa kanya mula sa pintuan nang hindi ko na matiis ang frustrations na nakikita ko sa mukha niya. "Gusto mo ng calming tea?"

"Ayaw ko," maikling sagot niya.

"Lagyan ko pa ng calming oil ang diffuser mo?"

Umiling si Doc at muling nagsulat. Maya-maya ay ay nilamukos na naman ang papel at inihagis sa punong puno na basurahan. Pati ako ay nahahawa kay Doc. Minabuti kong pumasok sa ng tuluyan sa office niya at kausapin ito mailabas lang kung bakit siya mukhang gulong-gulo.

"Talk to me, Doc."

"Ayaw ko ng kausap."

"Shame. Gusto ko pa namang makinig today. Kung ayaw mong magsalita, ako na lang ang magkukwento." Pinigilan ko ang kamay niyang magsulat muli sa writing pad.

"Ganito kasi iyan Doc. Alam mo ba ang alamat ng chismoso?" Napanood koi to sa TV noong isang araw at gumulong ako sa tawa. For sure 'di alam ni Doc ito, nakakunot ang noo eh. Pinigilan kong tumawa at nagsimulang magkwento.

"Noong unang panahon, sa isang malayong lugar ay may nakatirang mayaman na mayaman na pamilya. Ang bahay nila ang pinakamalaki sa nayon at gawa sa ginto ang kanilang mga gamit. Mayroon silang malawak na lupain na hindi matanaw ang hangganan. Sagana sila sa pagkain, tubig at langis na ginagamit noon sa mga lampara. Gusto mong malaman kung ano ang trabaho nila?"

"Ano?"

Hindi ko napigilan ang tawa ko na lalong ikinasimangot ni Doc. "At doon nagsimula ang alamat ng chismoso."

Nanlaki ang butas ng ilong niya at saka umiling sa akin. Nag-isang linya ang labi nito na ikinatawa ko lang. Ang ganda kaya ng joke bakit hindi siya natatawa. "Alam mo ang alamat ng baliw?"

"Gagantihan mo ako, huwag na. Doc., everything will be fine. Huwag ka ng kabahan, nahahawa ako eh. Magpray ka para mawala ang kaba mo. Ayos lamang na matakot, ibig sabihin ay mayroon kang gagawin na kakaiba; na mayroon kang gagawin ng higit pa sa akala mo ay kaya mong gawin." Binitawan ko ang kamay na Doc na humito na rin sa pagsusulat.

"Repeat after me, 'My God is bigger than my problem'. "

I saw he rolled his eyes and murmured what I said.

"Hindi ko narinig. 'My God is bigger than my problem'." Tiningnan ko ng taimtim si Doc hanggat hindi niya inuulit ang sinabi ko.

"My God is bigger than my problem," pag-uulit niya.

"Be strong and courageous.  Do not be afraid or terrified because of them, for the Lord your God goes with you; he will never leave you nor forsake you."

"He already forsaken me." My heart bleeds for his wound.

"No, He did not. You mistaken your detour for abandonment. He did not abandon you. Why do you think I live?" It's his time to look seriously to me. "So someone will guide you through your darkest days. So cheer up Doc. You still have a whole hospital to save."

Bakit parang ang weird naman ang tingin ni Doc sa akin. Ano na naman ba ang sinabi ko?

Saktong patayo ako nang dumating si Doc. Chan at isa pang doktor na natatandaan ko na kasama sa team ni Doc. Sal. Inalok ko sila ng kahit anong maiinom na tinanggihan naman nila bago ako lumabas at iniwan sila sa loob ng office ni Doc. Sal. He looked calmer now. He looked like he is in control. Ako naman ngayon ang kinakabahan kaya kinuha ko ang rosary at sumambit ng panalangin.

Dalawang oras na ang nagdaan pero hindi pa sila tapos. Malapit ng maglunch break at kailangang kumain ni Doc. Kailangan niya ng sustansya sa pagdedecide. Lakas loob akong kumatok at tatlong pares ng mata ang tumingin sa akin pagbukas ko ng pintuan.

"Sorry, Doc., tanong ko lang kung dito kayo kakain or maglu-lunch out kayong tatlo? Magpapabili na sana ako ng food ninyo."

"We will lunch out," sagot ni Doc.

"Okay," maikling sagot ko. I was about to leave when Doc called me.

"Elisha, kasama ka," sabi nito.

"Huh? Ako?"

"Ilan ba ang Elisha dito? Ikaw lang naman, so malamang ay ikaw," masungit na sagot nito. Hindi effective ang calming oil. Ibabalik ko nga ito sa binilan ko.

"Sige Doc. Hintayin ko na lang kayo sa labas. Excuse me." Nagpaalam na ako bago pa ako masungitan.

Saktong twelve nang lumabas sa office sila Doc Salazar. Sinenyasan niya ako ng sumunod sa kanila at nanatili sa likod nilang tatlo na mahinang nag-uusap pa rin.

"Pag-isipan mo, Doc. Sal. Kailangan ka namin sa hospital," sabi ni Doc. Chan. So hindi pa rin pala nila naco-convince si Doc. Sal. Ano na naman kaya ang reservations nito? Hindi kumibo si Doc habang pababa kami sa basement parking.

"Sa Resto na tayo magkita,' sabi ni Doc nang bumukas ang pintuan ng elevator. Sa sobrang lalim ng inisip ko kung paano aalamin ang napag-usapan nila ay wala sa loob ko  na sinundan si Doc. Chan since siya ang nasa harapan ko.

"Elisha," sigaw ni Doc. Sal na nagpagising sa lumilipad na diwa ko. "Saan ka ba pupunta? Dito ako nakapark."

Luminga ako sa paligid. Nasa kabilang dako pala ako ng parking kung saan nagpark si Doc. Chan.

"Sorry," wika ko kay Doc. Chan na mukhang naguguluhan din kung bakit ako nakasunod sa kanila. Nahihiya akong tumalikod at naglakad papunta kay Doc. Namumula ako nang makarating sa kotse niya.

"Lumilipad na naman ang utak mo," singhal sa akin ni Doc. Sal nang makasakay ako sa kotse niya. "Ano na naman ba ang iniisip mo?"

"Wala, mabango lang si Doc. Chan. Naguluhan lang ako, Doc. Sal."

"Alamat ng baliw," bulong niya na ikinatawa ko.

"Narinig ko iyon," tumatawang sagot ko. "Mas matangkad ka naman sa kanya."

"Mabango rin ako," bulong muli nito habang paandar ang kotse.

"Nagpapabango ka rin?"

"Lagay pabaho ang gamitin ko."

"Luh, alamat ng sarcastic."

Nailing na lang si Doc at hindi nagsalita. Pero sa gilid ng labi niya, may isang ngiti akong nakita. Everything will be fine, konting push lang ang kailangan ko at maraming dasal.

SENT FROM ABOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon