Present (Anglo Saxon Community)
"OH Carlos the bride is so gorgeous!" napasinghap pagkuway napahilig ang ulo ni Tricia sa kanyang mga braso.
He let out an exasperated sigh. Hindi na siya nagkomento. Kasal ng kaibigan niyang si Khain kay Channing. Pangalawang pagkakataong ikinasal ang dalawa. Ang una ay nangyari sa Singapore. Pangalawa ay ngayon. Isang napakagarbong rustic-beach wedding na ginanap mismo sa isang Chapel sa ASC na inorganisa naman ni Adrianna na asawa ng kaibigan niyang si Rio. Binaling niya ang mga mata sa kaliwa. Nakita niya ang bestfriend niyang si Ian karga-karga ang pamangkin niyang si Lycus, nagpa-flying kiss ang mag-ama sa kapatid niyang si Inna na katabi ng bride na kasalukuyang maid of honor nito.
Pakiramdam niya'y biglang bumigat ang kanyang paghinga. Lahat sa mga malalapit niyang kaibigan ay may mga asawa na. Si Claud ay naikasal narin. Sino ang mag-aaklang mag-aasawa rin si Claud? Gusto niyang mangilo sa nakitang sweetness nito ngayon sa katabing si Brionna Soliva na isang cardiologist. Nilalaro ni Claud ang kamay ng asawa nito na pilit naman inilalayo ng huli. Buntis narin si Brionna at malapit nang manganak.
"My love pagtayo kinasal gusto ko desenyo ni Micheal Cinco yung gown ko at dito rin tayo ikakasal sa ASC," tila nanangarap pang usal ni Tricia. Napapikit siya sa sinabi nito. Alam naman ng babaeng ito na nagdi-date pa lamang sila. "Tapos ikaw ang pinakagwapong groom darling. How sweet is that?" anitong namimilipit pa sa kilig.
Napapikit siya. What was with woman and weddings?
"Hay nakaka inlove!"
Darn! Not another word woman...
Nagpasalamat siyang hindi na nito sinundan ang kung anumang mga sinabi nito.
"NABUNTIS mo na ba pare?" pambungad agad ni Claud nang makalapit sina Channing at Khain sa kanilang mesa. Kakatapos lang ng program sa reception.
"Aba hindi ko na ito tinigilan mula nung sinundo niya ako sa Singapore kaya malamang nabuntis ko na. Patingin na tayo sa OB bukas babe?"
Pinandilatan ito ni Channing. "Sinundo kita dahil akala ko magpapakamatay kana!"
Nagtawanan silang lahat.
Hinapit naman ito ni Khain at mabilis na hinalikan sa labi. " Biro lang mahal ko."
"Never did I envision hearing such endearment from you, pare!Iba talaga ang naga gawa ng pag ibig," amused na saad ni Ian kay Khain. Tinapik siya ni Ian sa balikat. "Nasaan ba ang date mo ngayon?" Binalingan nito si Inna na ngayon ay pinapadede si Lycus. "Ako na hon," ani Ian kay Inna. Inabot naman ng kapatid niya ang anak at pinapwesto ng maayos kay Ian bago nito inayos ang dede nito.
"I've left her with her friends," aniyang nilaro-laro ang paa ng kanyang pamangkin.
"Uy naiinggit na iyang si Carlos, gusto narin niyang magka-anak."
"Tantanan mo nga ako Claud!" aniyang hindi kinaila ang iritasyon. Hindi siya pikon, pero hindi niya alam kung bakit biglang uminit ang ulo niya sa sandaling iyon.
"Pumili kana kasi dude. Ang dami mong babae pero wala ka namang siniseryoso," komento naman ni Rio na katabi rin ang asawang si Adrianna na malaki na ang tiyan at mukhang kabuwanan na.
"Alam mo sa totoo lang ikaw naman talaga iyong hopeless romantic sa grupo pero ikaw pa ang nahuli," hirit muli ni Claud. "Dinaan mo lang sa mga babae iyang pa emo mo. Ang lambot lambot mo nga hindi lang pahalata."
"Don't start Claud kung ayaw mong malaman ni Brionna lahat ng katarantaduhan mo."
Inakbayan naman nito ang katabing asawa. " Aw, my sweetheart here knows everything about me, pare. Try her."
![](https://img.wattpad.com/cover/195700146-288-k469023.jpg)