Chapter 14

6.4K 226 7
                                    

CHAPTER 14

"DAMN it Angela! Why haven't you told me that I need to sign those papers? Last week pa pala iyong naipadala ng contractor natin?" hindi na napigilang magalit ni Carlos. She had become so incompetent these past few days. It was a goddamn contract for heaven's sake!

"Sir, sorry po..."

"What happened to you, Angela? May problema ka ba?" Nahilot ni Carlos ang sentido. Hindi siya basta-bastang naninigaw pero napaka-importante ng kontrata na iyon na sana ay last week pa niyang napirmahan. " Do you have any problem ha, Angela?"

"S-sir Carlos, may sasabihin po sana ako sa inyo..." anito sa nanginginig na boses. Napakatagal na taon na nitong nagtatatrabaho sa kompanya nila, naging sekretarya ito ng daddy niya noon kaya lubha niya itong pinagkatiwalaan.

Napabuntong hininga siya. " What is it, Angela?"

Magsisimula na sanang magsalita ang babae nang bigla naman tumunog ang kanyang cellphone. "Hold on, Angela."

Inabot niya ang kanyang cellphone. "Carlos?" anang malambing na boses sa kabilang linya. "Pasensiya na, naistorbo ba kita?"

No sunshine, I'm glad you called. "Hold on one second, Issa." Tinitigan niya si Angela. " I'll talk to you later, Angela." Nawala na ang galit sa boses niya.

Nakakaunawang tumango naman ito saka tahimik na lumabas na ng kanyang opisina.

"Sorry, Issa. Napatawag ka?"

"Uhm, i-imbitahin lang sana kitang mag-dinner mamaya sa bahay. Birthday ni Enzo at doon sila maghahapunan ng asawa niya sa bahay. Kung okay lang sayo? About six."

"Sure, Issa. Wala naman akong gagawin mamaya."

" Sigurado ka? Wala kang date?"

Bahagya siyang natawa. " Wala, bakit kung may date ba ako ay hindi mo ako i-imbitahin?"

" Hindi. "

He laughed. God! His Issa was back.
He felt like reliving their good old memories together. "Wala akong date, tayo nalang kaya ang mag date, tutal matagal-tagal tayong hindi nagkita?"

Narinig rin niya ang matamis na tawa nito. "Sira! Sige bye, Ill see you tonight."

"I'll see you too, Issa."

Nawala na ang boses ni Issa sa kabilang linya pero pakiramdam niya ay naririnig parin niya ang mga tawa nito.

Tumayo siya at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. Saka na niya kakausapin si Angela.

"ATE sandali lang, papunta narin kami ni Jeany, nagyaya pa kasing bumili ng cake," tinikman ni Issa ang luto niyang ginataang alimango na hula niya ay siyang paborito ni Calos habang naka salang ang telepono sa kanyang tenga

"Okay sige, pero huwag kayong magtatagal at maghahapunan na tayo. Darating narin si Carlos." Ang stepbrother niya mismong si Enzo ang nagkumbinsi sa kanyang maimbita si Carlos sa birthday nito. Ano pa nga ba at birthday naman nito kaya ginawa narin niya ang gusto nito.

Inilapag niya ang cellphone at napatingin sa kanyang wall clock, mag aala-seis na. Maya-maya ay baka dumating na si Carlos. Wala siyang rehearsal o anumang guesting sa araw na iyon kaya nakapagluto siya.

Tumunog na ang kanyang door bell. Hindi pa siyang nakakapag-ayos ng kanyang sarili. Tingin niya ay nag mamantika pa ang kanyang mukha. God! Narantang tinanggal niya ang apron at kinuha ang tali sa kanyang buhok. Baka naman nangangamoy karne pa ako!

Sandali siyang naghugas ng kamay saka humugot ng malalim na hininga bago tinungo ang pinto. Hinayaan na niyang nakabukas ang kanyang gate kaya agad na bumungad sa bukana ng pinto niya si Carlos.

Carlos Miguel Mendoza (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon