Chapter 9

6.3K 222 10
                                    


You've been warned. Medyo sensitive po ang part na 'to. Huwag ituloy kung ayaw. :)

CHAPTER 9

ILANG araw nang hindi mapakali si Carlos. Bukas ay flight na niya patungong Amerika. Sobrang nami-miss na niya si Issa. Kaya naman natagpuan niya ang sariling binabaybay ang daan patungong Batangas. He just want to see her for the last time. Gusto niyang makita ang kinang sa mga mata nito o mayakap man lang ito. That would be enough.

Ilang sandali lang ay inihimpil na niya ang sasakyan sa tapat ng bahay nito.

Nakita naman niyang sumilip ang isang binata sa pinto.

" Magandang gabi, si Issa?"

Nakita pa niyang nanlaki ang mga mata nito. "Car-los Mendoza?"

Tumango siya. Hindi naman niya mapigilang matawa. This dude was sure a formula fan.

"Halika tuloy ka. Wala si ate may importante raw siyang pinuntahan at bukas ng umaga pa makaka-uwi."

"Bukas?" Ano bang ginagawa nito sa mga nakalipas na araw? Lagi nitong sinasabing may ginagawa ito kaya hindi na niya ito kinukulit. "Ang nanay niyo?"

"Namamahinga na si nanay," anitong napakamot sa ulo.

" You're Enzo."

"Kilala mo ako?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Nagkikwento si Issa sa sa'kin ng tungkol sa inyo."

"Ah eh, aalis kana ba agad?"

"Hindi narin ako magtatagal." May inabot siya dito. "Pakibigay nalang sa ate mo. Ikamusta mo nalang ako sa nanay niyo."

"Sige sasabihin ko kay ate na dumaan ka rito." Napakamot ito ng ulo. " Ah-eh pwede bang magpalitrato?"

Bahagya siyang natawa. "Sige ba."

Matapos magpalitrato ay agad narin siyang nagpaalam kay Enzo.

Papasok na siya ng ka-Maynilaan ng tumawag si Claud. Nagyaya itong sumunod siya sa BMax.

"Pare matagal-tagal na naman tayong hindi magkikita. Come over here, pampalipas oras lang."

" I'm tired Claud."

"Mawawala ang pagod mo dito, pare. Just a few shot then your good to go. O kung gusto mo may extra pagkatapos."

Umiling –iling siya. "You're mad!"

"Shit man! You are not dating. If there's going mad, that's you!"

Napabuntong hininga siya. Nag-aalala siya para kay Issa. Where could have been she right now? Ganoon ba ito kaabala at bukas na kung makakauwi? He hated his brain for thinking like a freaking mad man, pero hindi niya mapaglabanan.

"Alright pare. I'll see you."

" Glad man!' anitong narinig niyang napabuga pa ng hangin.




ILANG sandali lang ay naipark na ni Carlos ang sasakyan sa basement parking ng hotel.

"Damn it!" frustrated na nasambit niya. Tama si Claud, kailangan niya ng konting alcohol ngayon para kumalma.

Ilang minuto rin siyang nanatili sa loob ng kanyang sasakyan. Pinanood ang ilang mga sasakyan naglabas pasok rin sa parking lot pagkuway nagdesisyon siyang lumabas. Eksakto namang namataan niyang may lalaking papalabas sa basement parking ng hotel. Kilala niya ang medyo may katandaan na lalaki. Ang lalaki ay isa sa mga senior executive ng kanilang kompanya pero hindi ito ang lubusang umagaw ng atensiyon niya. May nakaabresite ditong babae na nakasuot ng kulay pulang damit. Hapit iyon sa katawan ng babae at medyo may konti pang uka sa harap. Nakatagilid ito pero masama ang kanyang kutob. Her long black locks were cascading on her back like silk cloth. Nababaliw naba siya? Bakit ba si Issa ang ini-isip niya? It was impossible!

Carlos Miguel Mendoza (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon