CHAPTER 2
NARINIG ni Issa na may mga nag-uusap sa sala ng kabayahan. Kagagaling lang kasi niya sa banyo para maligo.
"Ako na po ang nagpaligo kay Stark, nay," anang baritonong boses ng lalaki. Alam niyang iyon ang sinabi ng tiyang niyang amo nitong si Carlos. Hindi niya kasi lubos maisip na bata pa ito. Ang nasa isip niya kasi ay matanda na ang tinutukoy nito. Hula niya ay naglalaro sa mga early to mid twenties lang ang edad ng lalaki.
"Kanina ka pa pala dito ay ba't hindi kaman lang nagsabi bata ka?" Nagulat pa siya ng tila tonong galit ang tiyang niya. Mukhang malapit yata sa isat-isa ang dalawa." Bueno, pasensiya kana sa pamangkin ko at akala yata nun ay ikaw si Pedro."
Narinig niya ang malutong na tawa ng lalaki. "Pamangkin niyo pala iyon, Nay? Wow, mukhang may pinagmanahan yata siya."
Narinig naman niya ang matunog na tawa ng tiyang Nory niya.
At nakiki nanay pa talaga ito sa Tiyang Nory niya? Nanggigil na napabuntong hininga siya bago pinagpatuloy ang mga hakbang at nagtuloy tuloy na sa kusina.
Nagsimula na siyang maghanda sa komedor para sa amo nilang gwapo pero saksakan naman yata ng kamanyakan.
"Issa, anak, ikaw naba iyan?" Narinig niyang tawag ng tiyang niya.
"Opo, tiyang, maghahanda lang po ako sandali ng pagkain," aniyang bahagya pang nilakasan ang boses para marinig nito.
Naramdaman naman niyang may pumasok sa kusina at may kung anong kinuha sa ref. Nakatutok ang mga mata niya sa mesa pero naramdaman niyang biglang umalinsangan ang paligid.
"Tatlong plato ang ihanda mo anak at ayaw nitong si Carlos na mag-isang kumakain." Sa palagay niya ay hindi naman amo ang turing ng tiyang niya kay Carlos. Mukhang ang tiyang pa nga yata niya ang amo.
Doon naman niya napagpasyahang mag-angat ng mukha. Nasa likuran ng tiya niya ang lalaki, nakatitig sa kanya habang umi-inom ng tubig. Muntikan na niyang mabitawan ang isang kutsara. Kailan pa bumagay ang kulay pink na t-shirt sa isang lalaki? Unang beses na na-appreciate niyang nagsuot ng kulay pink na damit ang isang lalaki at hindi man lang iyon nakapagpabawas sa pagkalalaki nito, mas mukhang nakadagdag pa nga iyon sa sex appeal nito.
Nakangiti na ito ngayon sa kanya, nakakaloko. Ngayon lang rin niya napansin ang isang sungki nitong ngipin sa may ilalim at kanang bahagi ng bibig nito pero himalang sobrang bumagay iyon dito. Isang imperfection na mukhang nagpaperpekto pa sa kagwapuhan nito.
Hay ano kaba Issa, kanina mo pa pinupuri ang lalaking iyan! Supla naman ng isip niya.
"Nay, ano nga po bang pangalan nitong pamangkin niyo?" anito na hindi parin inaalis ang tingin sa kanya.
Gusto niyang kurutin ang sarili sa pagkakataong iyon. Sobrang tagal ba niyang pinagmasdan ang mukha nito? Agad naman siyang tumalikod at kumuha ng karagdagang plato.
"Clarissa, pero, Issa nalang ang itawag mo sa pamangkin ko." Nagpapasalamat siyang hindi siya sapilitang ipinakilala ng tiyang niya. Medyo napahiya naman talaga siya sa ginawa kanina. Mukha pa siyang amo kung makautos dito. Napapikit na ulit siya at nakagat ang pang ibabang labi, tinablan na siya ng hiya.
May kung anong mabangong hanging naamoy naman siya ng magmulat. Nagulat siya ng naroon na si Carlos sa tabi niya at kumukuha ng kutsara at tinidor. "Tulungan na kita, Issa." Sinadya pa nitong binulong ang mga sinabi sa kanyang tenga. Bigla tuloy siyang pinanayuan ng balahibo. Bakit napakalambing pakinggan ng pangalan niya sa bibig nito?
Naku Poon ko, pinapahirapan Niyo po yata ako ngayon. Bakit hindi ito amoy pawis? Nakita niya mismong tumatagaktak ang pawis nito kanina at mukhang hindi pa naman ito nakakaligo.
![](https://img.wattpad.com/cover/195700146-288-k469023.jpg)