Chapter 15

7.3K 223 2
                                    

CHAPTER 15

PAKIRAMDAM ni Carlos ay sampung beses na piniga ang dibdib niya sa sikip. How he missed her so. God, Issa, I still love you sunshine. I still do.

Nagalit siya rito noon pero habang nakakasama niya ito ngayon ay unti-unti na iyong naglaho. Wala na siyang paki-alam kung ilang lalaki na ang dumaan sa buhay nito o ano ang ginawa nito nang magpunta ito sa Japan.

Kasing tamis at kasing lambot parin kagaya dati ang mga labi nito. Kung sana lang ay hindi niya nagawa ang kahayupang nagawa dito noon.

Marahang pinakawalan niya ang mga labi nito. "Issa..." Napalunok siyang namamasa ang mga mata pagkuway napapikit. Bigla siyang inatake ng nostalgia. Bakit niya ba iyon nagawa noon? Pinagsamantalahan niya itong tila hayop.

Nang magmulat siya'y sinalubong siya ng kumikinang na titig nito. Her eyes had gone moist as well. Pakiramdam niya'y wala siyang karapatang hawakan o tingnan man lang ito.

"Carlos..." anito sa gumaralgal na boses, dinama ang kanyang pisngi. Napailing ito. " Bakit ganito?"

God, please not now. Don't make her remember the past...

Tumulo na ang mga luha nito. "Bakit nararamdaman kong mahal kita..." anitong napakuyo. "Na mahal na mahal kita..."

Mas lalong nanikip ang dibdib niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung matutuwa siyang wala itong naalala. Inaatake siya ng guilt pero hindi pa niya kayang sabihin dito ang totoo. Lalo na ngayon.

"Nararamdaman mo rin bang minahal kita noon, Issa?" aniyang inangat ang mukha nito. " Na dahil hindi ko nagawang magmahal dahil ikaw parin ang mahal ko hanggang ngayon?"

Lumuluhang tumango ito. "Oo, nararamdaman ko, Carlos. Naramdaman ko noong dinala mo ako sa view deck."

Hindi na niya napigilang kabigin ito at yakapin ng mahigpit. Ayaw niyang makita nito ang nangingilid niyang luha. "God, Issa. I love you. I love you so much." And I'm sorry, Im sorry, Issa, kung ginagago kita noon... kung sana ay ganoon lang iyon kadaling sabihin dito.

Tuluyan na itong napahagulhol.

Hindi niya alam kung ilang minuto lang silang nakatayo roon yakap ang isat-isa. Ilang taon ba niyang pinanabikang mayakap ito? Mula noong gabing maymasamang nangyari sa kanila? Kagaya noon, ay sapat na sa kanyang mayakap ito. This was more than enough.

Maya-maya ay naramdaman niyang napabuntong hininga ito. "This is weird."

"I know," aniyang masuyong lumayo rito at tinuyo ang mga luha nito.

Muli itong napatitig sa kanya, naiiyak na ngumiti na ito.

"Halika kana Issa, baka kung ano na'ng ini-isip nila Enzo."

She giggled deliciously . "Halika na nga."






HINDI maipaliwanag ni Issa na may ganoon pala kasayang pakiramdam. Mahal niya si Carlos at ang pinakamasarap sa lahat ay mahal rin siya nito, ramdam niya iyon. At hindi na siya concern sa image niya ngayong kung makitang kasama ito sa publiko.

Naalala tuloy niya iyong gabing nagtapatan sila sa isat-isa.

" I'll go now, mag-iingat ka dito," anitong kinabig muli siya at mahigpit na niyakap. "I love you, Issa. You have always been my sunshine."

Napailing siya. Hindi parin siya makapaniwala. "Ano na tayo ngayon?"

Masuyong humiwalay naman ito sa kanya at pilyo siyang nginitian. "Ano nga ba tayo?"

" Hindi ko alam..."aniyang napakagat labi

"Mahal mo ako, mahal kita..."anitong ibinitin ang sinabi.

Carlos Miguel Mendoza (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon