CHAPTER 13
"I HOPE okay lang dito sa'yo, Issa?" dinala siya ni Rey sa isang hotel. "Mas mabuti na rito dahil wala masyadong tao."
Tumango siya. Tuwina ay may nagpapalitrato kasi sa kanya kung nakikilala siya sa mga pampublikong lugar kahit hindi naman siya artista.
Nang pumasok siya sa hotel ay laking gulat niya nang mabungaran doon si Carlos. May isa itong lalaking kausap na nakilala niya ng mag-guest siya sa kasal ni Channing Morales. Kausap nito si Danilo Alvarez, na isang congressman.
Napalingon siya kay Rey. Maitim na tinigan nito ang lalaki. Hinapit naman siya nito sa bewang. Hindi siya naging komportable sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya. Eksakto naman napalingon si Carlos sa kanila. Hindi niya alam kung anong naglalaman sa mga mata nito nang makita sila.
" Don't even look at the bastard, Issa."
Gusto niyang magprotesta sa ginawa ni Rey. Gusto niya sanang makausap si Carlos tungkol sa naikwento ni Enzo sa kanya pero hindi iyon ang tamang pagkakataon dahil naroon si Rey.
Pero laking gulat niya ng pansinin siya ni Carlos. " Issa, fancy seeing you here," hindi nito pinansin ang kasama niya.
Pilit siyang ngumiti. " Hello, Mister Mendoza." Binaligan naman niya ang kasama nito. " Congressman Alvarez nice to see you."
"Let's get out of here, Issa," sabad ni Rey sa galit na boses saka siya nito hinilang muli palabas ng hotel. Ni hindi na nito binigyan ng pagkakataong makabati pabalik ang mga lalaki. Bakit ba ito nagkakaganoon? Wala na sa lugar ang ginagawa nito. Boss at kaibigan niya ito pero hindi niya na gusto ang ginagawa nito. He was acting like a jealous boyfriend.
Pagdating sa parking lot ay tumigil siya. " Bakit mo iyon ginawa, Rey? It's so out of respect. Nakikipagbatian lang ako. Naging guest rin naman ako sa kasal ng isa sa mga kaibigan nila. It was so inappropriate," makatwirang sabi niya.
"Kinakampihan mo pa ang gagong iyon? The last time I've checked he dragged you into that very compromising tabloid item, Issa!"
"Pero hindi mo parin dapat iyon ginawa, Rey. I know you are my boss--"
" Bakit may gusto ka narin ba sa lalaking iyon? O baka nga may nangyari talaga sa inyo ano?!"
Napapikit siya nagpigil na masampal niya ito. " Anong karapatan mong sabihin iyan sakin? Bakit ba ang init ng dugo mo kay Carlos?"
"Bakit mainit ang dugo ko sa kanya, ha, Issa? Bakit? Hindi mo ba talaga alam? O sadyang manhid ka?"
Naguguluhang pinakatitigan niya ito, pagkuway basta nalang siya nitong hinapit. "Puwes ipapakita ko sayo kung bakit, Issa..." saka siya nitong kinabig at hinalikan. Natarantang umiwas naman siya dito, buong puwersa itong itinulak pero napakalakas nito.
"Bi-tiwan mo ako Rey! Ano ba! Ano ba!"Iniwas niya ang mukha mula dito.
Hindi niya alam kung anong sumunod na nangyari dahil basta nalang niyang nakitang bumulagta si Rey sa sementadong parking lot.
Napaatraas siya nang makitang naroon na si Carlos. O Diyos ko!
Agad namang napatayo si Rey. "Langya, kahit kailan agaw eksena ka!" inundayan nito ng mga suntok si Carlos.
" Huwag mo akong hahamunin, tarantado!" Nakita niyang umigkas ang isang kamao ni Carlos sa panga ni Rey.
Kapwa nagpambuno na ang dalawa, nagpalitan ng suntok.
Napasigaw siya nang muli na namang humilata si Rey sa semento dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Carlos. Nagdurugo na ang mga labi nito.
"Ano lalaban kapang gago ka?" nangigil na sigaw ni Carlos.
![](https://img.wattpad.com/cover/195700146-288-k469023.jpg)