CHAPTER 8
"NAKU Carlos, hijo, dito kana mag-agahan," anang nanay ni Issa. Maaga pa silang umalis at naging tahimik lang ang buong byahe nila. Wala silang imikan nang tahakin nito ang daan sa kanilang bayan.
"Hindi na po nay, maaga pa po ako sa opisina. Salamat nalang po," anitong pilyong napangiti. At nakinanay narin sa nanay niya ha!
"O siya sige Issa, ihatid mo lang siya roon sa labas."
"Okay po, nay."
Lumapit naman si Carlos sa nanay niya at nagmano. " Mauna na po ako, nay."
Natuwa naman ang kanyang nanay. " Siya sige, hijo, mag-iingat ka. Salamat nga pala at naging napakabuti mo sa anak ko."
Agad namang dumako ang tingin ni Carlos sa kanya. "Mabait rin po ang anak niyo. Gusto ko na nga siyang iuwi kasi ang sarap niyang magluto." Lumapit na ito sa kanya at inakbayan siya. "Halika na, sunshine, ihatid mo na ako."
Nanlalaki ang mga mata niya dahil naroon pa ang nanay niya. Alam niyang mahilig si Carlos gumamit ng endearment pero hindi sa harap ng nanay niya! Nang balingan niya ang kanyang nanay ay nakangiti naman. Nakuha narin niyang sumunod dito sa labas.
May kinuha ito sa loob ng sasakyan nang makalabas sila, inabot ni Carlos sa kanya iyon. Isa iyong maliit na hugis parisukat na nakabalot sa asul na papel.
"Ano 'to?" nalilitong usal niya.
"Gusto ko lang ibigay sayo iyan. Saka mo na buksan pag-alis ko."
Inabot nito ang kanyang dalawang kamay. "I'm going to call you so have your phone with you all the times. Medyo magiging busy ako ngayon." Pagkuway kinabig siya nito at niyakap, naramdaman pa niyang bahagyang hinalikan nito ang kanyang ulo. " Mami-mis kita, Issa."
Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa sinabi nito. Sandaling tila naistatwa siya roon. Gusto niyang humagulhol pero pinigilan niyang dumaloy ang luha sa mga mata. Nakuha niya ring mapakayap dito ng mahigpit. Kalabisan nang pangarapin niya pa ito. Sapat na' ng maging kaibigan siya nito.
"Ma-mimiss din kita Carlos, mag-iingat ka lagi."
Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Huwag kang mahihiyang tumawag kung kailangan mo ng pera, Issa. I could help you out with your mom."
Tumango nalang siya at hindi na nagawang magprotesta dahil baka hindi na mapigilang malaglag ng luha niya. Siya narin ang unang humiwalay dito. Hindi siya nag-angat ng mukha. Ayaw niyang makita nito ang nilalaman ng nasa mga mata niya.
Maging ito rin ay agad nang tumalikod at pinaharorot ang sports car nito.
NAKATULALANG tinitigan ni Issa ang kaninang regalong inabot ni Carlos at hindi na naman niya mapigilang mapaiyak. Isa iyong librong may pamagat na Living Your Dreams at sa loob nun ay may sobre na naglalaman ng napakalaking halaga. Alam niyang ang pera ang regalo nito at hindi iyong libro.
Gamitin mo ito para sa nanay mo, Issa.
Kanina pa sumisikip ang dibdib niya. Napakalaking halaga nang nakalagay roon. Labis labis na iyong tulong. Hindi niya iyon matatanggap. May sahod na siyang natanggap sa pagtatrabaho sa mga ito. Bakit ba napakabait nito?
Hindi niya napigilang mag-text dito."Carlos hindi ko matatanggap itong pera. Hindi ko ito pinagtrabahuan."
Ilang sandali pa ang kanyang hinintay bago ito nagreply. " I'm tempted to talk to you right now but I know I won't win over the phone. Please accept it sunshine. I don't want to argue with you. I'll call you up, may gagawin lang ako. Take care."
![](https://img.wattpad.com/cover/195700146-288-k469023.jpg)