***
(Anglo Saxon Community)
"AW man, I can't believe you just got hitch!" Mahigpit na niyakap si Carlos ng bestfriend na si Ian.
" Thanks, pare."
Isa-isa siyang niyakap ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya maipagkakailang ito ang siyang pinakamasayang araw sa buhay niya. Issa was officially his wife. Idinaos ang kanilang kasal sa isa sa mga simbahan sa ASC. Ang seremonyas ay dinaluhan lang ng mga piling tao, ayon sa gusto ng kanyang bride. Wala ring media na imbitado.
Dumako ang tingin niya sa kanyang asawa na kinakausap ang boss nitong si Rey. Inimbita nito ang lalaki. He did mind, pero, wala narin siyang nagawa. Kahit paano ay ikinatuwa narin niya ang pagtatapos nito ng kontrata sa crimson. Gusto umano nitong maging butihing housewife sa kanya. Iyon ang isa sa mga pangarap nito.
"My man, are you shooting daggers?" nakakalokong sinundan ni Claud ang kanyang tingin.
"Hayaan mo muna ang asawa mo at sayong-sayo na siya mamaya," si Khain.
Ang mga asawa ng kanyang mga kaibigan ay nakuha ring magumpukan sa isang panig ng reception.
Hindi siya sumagot. Hindi na tuloy siya makapaghintay. Damn, pero kinakabahan siya. Hindi na niya matandaan kung ilang babae ang dumaan sa buhay niya pero ngayon ay dinaig pa niya ang isang first timer.
Nadako ang tingin ni Issa sa kanya. Nahihinuna niyang nagpaalam ito sa kausap, naglakad na sa kinaroonan niya. Hell, but she was so beautiful. Simple lang ang tabas ng wedding gown nito, pero sobra iyong bumagay dito. Ang mahaba at itim na buhok nito ay hinayaan lang rin nitong nakalugay.
Hindi paman ito tuluyang nakalapit ay agad na niya itong kinabig at ginawaran ng halik sa labi. " I've missed you. Ano ang pinagusapan ninyo ng lalaking iyon?"
May mga tumikhim sa kanyang likuran pero hindi niya iyon pinansin.
"Nagpasalamat lang ako kay, Rey." Inangat nito ang isang kamay at pinadaan iyon sa kanyang pisngi. "Masama na naman ang ini-isip mo."
"Hindi ko makalimutan ang ginawa niya sayo."
Ngumiti ito. " Anong pwede kong gawin para makalimutan mo?" Umakyat ang kamay nito sa kanyang buhok.
"Aw pare, maiwan muna namin kayo." Si Claud.
Sandali niyang nilingon ang mga kaibigan na nanunuksong napatitig sa kanya. Isa-isa na ng mga itong binalikan ang mga asawa.
"Halika na, papatapos na naman ang party," agad na niyang hinila si Issa na hindi nagpapa-alam sa mga bisita. Pinagbuksan niya ito ng pinto at pinasakay sa nakaparadang limousine. "Ihatid mo na kami, Roy."
"Saan tayo pupunta? Hindi pa tayo nagpapa-alam sa mama mo."
Hindi na niya napaglabanang haplusin ang likod nito. "We're going somewhere, Issa. Ayaw kong maghintay ng ilan pang oras at makuha ng ibang tao ang atensiyon mo."
Dumukwang ito sa tabi niya, hindi tuloy niya mapigilang mapagmasdan ang uka sa dibdib nito. Napangiti ito. " Ilang anak ang gusto mo, Carlos?" Nararamdaman na niya ang lambot ng dibdib ni Issa. Pati ang nakakapanuyong amoy nito.
Biglang bumigat ang kanyang paghinga. Good thing he wasn't trembling right now, pero namimigat ang paghinga niya sa pagpipigil na magawa ang kanina pa niyang gustong gawin kay Issa.
"Five, sunshine . Would that be much?"
"HINDI naman masyado," ani Issa, napangiting napasandal sa malapad na dibdib ng kanyang asawa. Napatingin siya sa emerald na engagement ring na ibinigay nito. Sa Batangas ito nag propose sa kanya, sa mismong lugar kung saan sila madalas tumambay. Hindi niya mapigilang mapangiti tuwing naalala kung paano siyang hinara nito ng araw na iyon.
Naramdaman niyang dinama nito ang kanyang mga hita. " Gusto muna kitang suluhin ngayon ng ilang buwan, then we could have kids."
Napahinga siya ng malalim, hindi na tuloy siya makapaghintay. She would be the perfect wife for him. Araw-araw niyang ipagluluto ang mga paboritong putahi nito. At aalagaan niya ito sa abot ng kanyang makakaya.
"God Issa. I couldn't wait..."
"Me too..."
Paulit-ulit na pinisil ni Carlos sa kanyang mga hita bago umangat ang isang kamay nito sa kanyang dibdib. " You should have worn a different dress, this is too illegal."
Uminit ang kanyang mga pisngi pero hindi narin niya naisipan ang mahiya. "Conservative are we now, husband?" mapang-akit niya itong pinagmasdan.
"Don't look at me like that, sunshine at baka hindi ko na makuhang magpigil."
Hinaplos niya ang dibdib nito. " I love you, Carlos. Pwede mo naman na gawin kung anong gusto mo dahil asawa mo na ako."
Hindi na niya ito hinintay na sumagot at siya na ang kusang humalik dito. She couldn't wait to spend the rest of their lives together.
Hindi man alam ng iba pero napakasentimental ng kanyang asawa. Naalala pa ni Carlos ang lahat ng detalye ng mga masasayang ala-ala nila noon. He was infact too mushy. Hindi lang talaga halata dahil sa kabruskuhan nito.
Pumulupot ang kanyang mga kamay sa batok nito. Hinalikan niya ito sa paraang gusto niyang maramdaman nito kung gaano niya ito kamahal. Ito man ay hindi na mapagkasyang ipaglandas ang mga kamay sa kanyang katawan.
Kapwa habol nila ang mga hininga nang tumigil. " Aw, I don't want to end up making love to you inside a limo, sunshine."
Napahikhik siyang napaupo sa mga hita nito. " I don't mind."
"Well if you say so, I don't mind too, sunshine. We still have fifteen more minutes."
Napangiti siya bago buong kasabikang muling sinalubong ang mainit na halik ni Carlos.
Dito na muli magsisimula ang panibagong chapter ng buhay nila—ngayon bilang mag-asawa.
Wakas