Chapter 16

7.1K 218 5
                                    

CHAPTER 16

NAPANGITI si Issa nang masilayan ang sasakyan ni Carlos nang papalabas siya mula sa isang studio kung saan siya nagkaroon ng rehearsal. Ilang sandali ay bumaba si Carlos doon. He look drop dead gorgeous wearing his aviator shades, with his white shirt and jeans. He looked more of a male model than the CEO himself. Hindi niya mapigilan ang mapabuntong hininga.

Nagiging driver bodyguard narin niya si Carlos. Hatid sundo siya nito anumang oras. Matapos nilang manggaling sa dinaluhang event ng ina nito noong Thurdays ay bigla na namang sumakit ang kanyang ulo. Ngayon ay sasamuhan siya nitong magpacheck-up.

"Ready, sunshine?" agad na pinagbuksan siya nito ng pinto nang nasa tapat na siya ng sasakyan..

"Mukhang hindi ka yata galing opisina?" pumasok na siya at hindi na hinintay ang sagot nito.

"I have an outside meeting," sagot nito nang makapasok na ng sasakyan. Natanggal na nito ang sunglasses. She really liked looking at his gorgeous eyes—just like him. " I missed you, Issa," anitong lumapit sa kanya at binigyan siya ng masuyong halik sa kanyang sentido, saka ito may kung anong inabot sa kanya mula sa backseat.

"Ano 'to?" nagtatakang inabot niya ang isang medyo kalakihang kahon.

"Buksan mo."

Excited na tinanggal niya ang takip. Tumambad sa kanya ang isang dreamcatcher. " Ang ganda!" aniya nang mailabas na iyon sa kahon. Yari iyon sa kristal.

"Mas maganda ka."

Umikot ang mga mata niya. "Bolero!"

Napangiting napailing ito at pinaandar na ang makina ng sasakyan. "Hindi kita Binobola."

Napahagikhik siya at idinikit ang bibig sa balikat ni Carlos, hinalikan ito doon. " I love you, Carlos. Thank you sa dreamcatcher sobrang nagustuhan ko," madamdamin niyang sabi.

Bahagyang hinalikan ni Carlos ang kanyang labi. "I love you too, sunshine."

Kinabit na niya ang seatbelt. "Halika na, baka mahuli pa ako sa appointment ko sa neuro."

" We'll be there in ten minutes flat."

"Ang yabang mo ang traffic kaya ngayon!"

"Not with a driver like me."

Pakiramdam ni Issa ay sobra pa siya sa tumama sa lotto. Paano siyang naging ganito ka swerte?



TOTOO nga naman ang sinabi ni Carlos, dumating sila kulang kulang ng thirty seconds bago magsampung minuto! At hindi nahilo si Issa sa paraan ng pagmamaneho ni Carlos.

"Don't I get a reward for bringing you on time?"

"Hmm, maraming tao."

Magkahawak kamay silang pumasok sa gusali, nagpumilit itong samahan siya roon. Ang ibang tao ay mukhang namukhaan naman siya kahit nagsuot siya ng sunglasses. "They won't mind. At wala namang press dito," anitong binulong iyon sa kanyang tenga.

Bahagya niya itong siniko. "Aww..."

"Clarissa Mendrez?" tumayo ang isang may edad na pasyente na naghihintay doon at nilapitan siya. "Ikaw nga. Pwedeng magpalitrato? Fan mo kasi ako."

"Sige po." Pinisil niya ang mga kamay ni Carlos. Nakakaunawang naghintay naman ito sa isang sulok.

"Naku ang gwapo gwapo ng boyfriend mo, bagay kayo," wika pa ng matanda na sinulyapan si Carlos. Nakakalokong ngumiti naman ng mokong at mukhang sobrang tuwa pa.

Isa-isang nagsisunuran ang mga tao roon. God? Was she that famous? Hindi naman siya artista although lagi siyang may regular appearance at guesting sa TV.

Carlos Miguel Mendoza (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon