Chapter 19

9.1K 258 4
                                    

CHAPTER 19

"SIGURADO ka dito Edward?" hindi makapaniwalang tinitigan ni Ian ang kabuoan ng report na naipalabas ng kanyang kinuhang imbestigador. Hindi siya kampante sa ginagawang imbestigasyon ng pulisya dahil napakatechnical at ang ibang anggulo ay hindi nakuhang pa imbestigahan.

"Hindi ko alam kung nagkataon lang na hindi na pumapasok ang sekretarya ni Carlos simula nang mangyari ang insidente. Negatibo si Rey Montes bilang suspect dahil mapapatunayang nasa isang pagtitipon siya ng gabing mangyari ang pagbaril. Maging si Goldeline Flores ay naroon rin sa kaparehong pagtitipon, maliban kung isang hired killer ang pumatay, pero malabo iyon."

Pinasadahan niya ang mga papeles na inabot ni Edward. "Basi sa mga text messages na natanggap ni Clarissa ay mukhang alam na alam ng taong nagbabanta kung nasaan si Carlos at kung ano ang ginagawa nilang pareho. Mahirap maitrace kung sino ang gumamit ng number dahil prepaid sim ang ginamit pero, ang mga huling lokasyon ng mga text message ng maipatrace ko iyon, ay nasamalapit lang sa vicinity nilang pareho. Kung titingnan mo ang anggulo ay iisipin mong maaring malapit lang sa kanilang dalawa ang gagawa ng mga banta.

"Sinubukan kong mahingan ng statement si Rey Montes hinggil rin sa huling tawag at text message na natanggap ni Clarissa bago ang pamamaril pero out of town ang lalaki ng araw na iyon."

Hindi iyon nakita ng pulisya sa kanilang imbestigasyon.

"Isa lang ang motibo ng nagbabanta. Paghiwalayin silang dalawa. Klaro iyon sa una at naging huling text. Base sa naging statement ni Clarissa nang makausap ko siya hinggil dito kahapon ay dalawang beses lang umano siyang nagkaroon ng ugnayan rito kay Angela Ponce at iyon ay pitong taon na ang nakakaraan. Inamin niyang may sampung milyong ipinabibigay umano sa kanya si Carlos pero hindi niya nakuhang tanggapin."

Tahimik siyang napamura.

"Base sa pagkakaalam mo'y tinananggap ni Clarissa ang pera, tama ba, Ian?"

"Iyon ang sinabi ni Carlos sa'kin. Ang pagkakaalam niya'y tinanggap ni Issa ang pera."

" Nakuha kong paimbestigahan ang naging aktibidades nitong si Angela Ponce pitong taon na ang nakakaraan. Lumabas sa imbestigasyon na ang dati niyang kinakasamang si Joseph Rivera ay nagkaroon ng malaking pagkakautang sa sugal dito kay Mike Robles."

" Nakausap mo itong si Mike Robles?"

"Hindi personal, pero may taong nagkumpirmang nakuha nga siyang bayaran ng pitong milyon ni Rivera pitong taon na ang nakakaraan. Isiniwalat rin ng taong nakausap ko na hindi lang kay Robles may pagkakautang itong si Rivera kundi sa iba pang mga kasamahan nito sa sugal noon."

" Napaka tagal na panahon na iyon. Bakit pa nila pagbabantaan ang buhay ni Carlos?"

"Marahil sa takot nilang malaman iyon ni Carlos at maipakulong. Ten million is no easy Ian lalo na sa taong mga halang ang kaluluwa. Sa nakikita ko ay maaring si Rivera ang principal suspect. Maaring natakot itong si Angela nang makitang nagkasamang muli si Carlos at si Clarissa at mapagusapan ang tungkol sa pera. Pwedeng nakuha niya iyong sabihin kay Rivera, kaya para maabsuwelto sa panglilimas ng pera noon ay inunahan na ni Rivera na patayin si Carlos. Pwede ring ginawang accomplice ng lalaki si Angela."

Yeah, he remembered. Naalala niya ang araw na pumunta siya sa opisina ni Carlos tungkol sa pinagbidahan nitong broadsheet kasama si Clarissa. Alanganing pinapasok siya ni Angela at ayon dito'y tatanugin muna si Carlos kung pwede ba siyang papasukin.

Muli siyang napamura. Langya! Nag-aagaw buhay si Carlos ngayon dahil lang sa sampung milyon? They could have taken the money and spared Carlos life. Napakababaw na kailangan pang patayin ang kanyang kaibigan. Kung sinabi ni Angela ang nangyari noon pa ay natural na magalit si Carlos pero hindi nito magagawang ipakulong ang babae. Kilala niya ang kanyang kaibigan, kahit kailan ay hindi ito nagdamot sa pera. He was infact very generous lalo na sa mga empleyado nito.

Carlos Miguel Mendoza (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon