Chapter 1

12.1K 247 3
                                    

CHAPTER 1

Seven years ago

"Clarissa, anak, hay mabuti nalang at ngayong bakasyon ay mapapalitan mo ako rito pansamantala. Matagal na akong hindi nakauwi sa Baguio. Nami-miss ko na ang mga apo ko roon."

Tinulungan ni Clarissa na magpunas ng mga muwebles ang tiya Nory niya. Pinsan ito ng nanay niya. Sa Baguio ito naninirahan habang sila ay sa isang bayan sa Batangas kung saan rin siya nag-aaral kaya naman pumayag narin siyang siya muna ang pansamantalang mangalaga sa bahay bakasyunang iyon ng amo nito.

Nais niyang kumita ng pera sa summer para may pangdagdag gastos at pambili ng gamot ng kanyang inang may sakit sa bato. Lahat ng pwedeng sideline ay pinapasok niya para makatulong sa kanyang ina. Kahit mahirap ay pinagsasabay niya ang pag-aaral at ang pagsasalideline sa kanilang paaralan bilang assistant sa finance. Kung wala naman siyang ginagawa ay tumutulong siya sa kanyang nanay sa palengke.

Nag-iipon siya ng pera sa araw-araw  para may pangdagdag gastos. Tinututukan niya ang sakit ng nanay niya dahil natatakot siyang lumala pa iyon. Ang nanay nalang niya ang taong pinakamalapit sa kanya at gagawin niya ang lahat ng sa ganoon ay hindi na ito maghirap. Kaya naman pinagbubuti niya ang kanyang pag-aaral.

Iskolar siya sa Unibersidad na pinapasukan kaya kahit paano ay nakakaraos sila. Isang taon nalang ang bibilangin niya at ga-graduate na siya sa kursong Civil Engineering. Gusto niyang makita pa ng nanay niya na magtatagumpay siya at maipalasap niya rito ang magandang buhay. Buong buhay ay hindi pa ito nakakatikim ng ibayong ginhawa.

Nakapag-asawang muli ang ina niya matapos mamatay ng kanyang ama sa isang aksidente sa construction na pinagtatrabahuan nito noong limang taong gulang pa lamang siya. Sa kasamaang palad ay isang walang ring matinong trabaho ang napangasawa ng nanay niya. Umaasa lang rin ito sa kapiranggot na kinikina nila sa pagtitinda ng isda at gulay sa palengke.

"Issa anak, mukhang ang lalim yata ng ini-isip mo? Kung nag-aalala ka sa pangangasiwa nitong bahay at lupain ay huwag kang mag-alala. Miminsan lang kung pumarito iyong amo ko at mababait iyon."

"Talaga po tiyang?"

"Oo anak. At si Carlos lang ang madalas na nagagawi rito." Kanina ay na orient na siya ng kanyang tiyahin sa mga dapat niyang gawin sa araw-araw at wala naman siyang naging problema. Sanay siya sa mga gawaing bahay at ugali niya ang pagiging masinop.

Pinagpag ni Tiyang Nory ang mga kurtina na ipangpapalit sa mga bintana. "Naku anak, paki tulungan naman ako."

"Sige po Tiyang ako na po ang magkakabit niyan baka mabinat pa ang mga buto niyo sa likod." Kinuha niya ang mga kurtina at umakyat sa isang upuan para maikabit iyon. Medyo matanda na ang Tiya Nory niya at minsan ay nagrereklamong sumakakit naraw ang mga kasukasuan nito pero malakas pa naman ito.

"Napakaganda po pala dito sa pinagtatrabahuan niyo Tiyang, sobrang nakakarelax ang view."

"Oo, kaya nga kung papipiliin ako ay mas gusto ko rito magtrabaho kaysa lungsod na masyadong mausok." Inayos nito ang naikabit niyang kurtina. Sigurado rin siyang sobrang yaman ng amo ng Tiya niya dahil napakaganda ng bahay at malawak rin ang lupain. " O siya anak, bilisan na natin at baka dumating na si Carlos. Tumawag iyon sa'kin kaninang umaga na paparini  ngayon."

Ang may ari siguro ng lupaing iyon ang tinutukoy ng tiyang niya. Halos nalinis narin nila ang buong bahay. Sobrang maselan at masinop din kasi ang tiya Nory niya.

Nagmamadaling kinabit naman niya lahat ng kurtina.

"Siya nga pala, Issa, mamalengke lang ako sandali ngayon pagkatapos nito para may kunsumo kayo rito ng isang linggo. Pakipuntahan mo nalang iyong boy dito na si Pedro doon sa kwuadra ng mga kaayo. Paki sabing pakainin niya ang mga kabayo ng maaga at ayusin niya kamo dahil nangangabayo yung si Carlos tuwing umu-uwi iyon rito. Paki bilin rin na paliguan niya pala si Stark. Iyon ang kabayong ginagamit ni Carlos. Kung wala si Pedro sa kwuadra ng mga kabayo ay naroon lang iyon sa tinutuluyan niyang quarter, naroon lang rin iyon malapit. Nakuha mo ba anak?"

Carlos Miguel Mendoza (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon