Chapter4

7K 229 4
                                    

CHAPTER 4

INAKBAYAN si Carlos ng amang si Henry. " Goodluck son!" anitong pinisil ang kanyang balikat. Bukas ay lilipad silang pareho ni Ian sa Germany. This will be his game to his dream.

Kasalukuyang naroon sila sa garahian ng kanilang bahay at katatapos lang matingnan ang ilan sa kanilang mga dikalibreng sasakyan.

Napalingon siya sa kanyang ama. Lubos niyang hinahangaan ang kanyang ama. Henry was both his father and his mentor. Muli niyang binalik ang tingin sa harap."I want the license this time dad."

"I'm sure you will get it now son. Alam mong pinangarap ko rin noong mapabilang sa mga superdrivers ng FIA kaya lang ay naging abala ako sa negosyo natin. Gusto ko sanang live kang mapanood kaya lang alam mo namang marami akong ina-asikaso ngayon."

"Aw dad, you make me worry this time."

Tinapik nito ang kanyang balikat at napahalakhak. "I'll live long enough son. Kung iyang pangangarera ang gusto mong gawin ay susuportahan kita. Alam kong makukuha mo ang world title."

"Glad your at my back dad. Alam mo namang ayaw ni mommy itong pangangarera ko."

"Your mom is just too worried but I know that she's proud of you just as I am to you, son."

" Thanks dad. I owe you this race."

" Then bring it on son."

Mas lalong lumakas ang loob ni Carlos dahil sa sinabi ng kanyang ama. Kahit man lang sa pangangarera ay mabigyan niya ito ng kasiyahan. Buong-buo ang pang-unawa at suporta nito sa mga pangarap niya. May plano rin naman siyang tulungan ito sa pamamahala sa kanilang kompanya pero gusto niya mumang kahit isang beses ay manguna sa karera. Gusto niyang ibigay ang world title sa dito.

He definitely need to give his best in this race.






NAGPALAKPAKAN ang mga tao nang umakyat ang mga nangungunang drivers sa podium, isa na roon si Carlos.

Pakiramdam ni Issa ay isang oras na nahigit niya ang hininga sa pinapanood. Kinakabahan siya para kay Carlos. Kasama niya ring nanood si Jun na driver nila  at si Mang Pedro. Niyaya niya ang dalawa, nalaman rin niyang nanood talaga ang mga ito tuwing karera ni Carlos.

"Ang galing ni Carlos nahigitan niya si Menandro ngayon," komento ni Jun.

"Oo nga pero grabe talaga iyong si Ian," ani Mang Pedro.

Nakita pa niyang sandaling nagyakapan si Carlos at ang Ian na tinutukoy ni Mang Pedro. Ayon dito ay matalik umanong magkaibigan ang dalawa.

Ang gwapo talaga ni Carlos at napaka charming nito sa TV. Ang kasama naman nitong si Ian ay gwapo rin at mukhang may dugong banyaga. Pero kahit pumangatlo lang si Carlos ay ang lalaki parin ang manok niya sa lahat.

Nagpaunlak pa ito ng interview na siya niyang kinatuwa. Ang sosyal nitong mag English at may accent pa, na kung titingnan ay para bang nanirahan ito sa ibang bansa ng napakahabang panahon.

"Siya tapos na ang laro, Issa. Babalik na kami roon sa quarter." Tumayo na si Mang Pedro, sumunod naman rito si Jun.

"Sige po Mang Pedro, Jun. Salamat!"

Naka-alis na ang dalawa pero abala parin siya sa panonood. Sana man lang pag-uwi ni Carlos sa Pilipinas ay maka-uwi rin ito roon sa Batangas. Ipagluluto niya talaga ang mga paborito nitong putahi.

Sinupil na na naman niya ang utak bago naman iyon lumala.




"WELCOME back son! I am so proud of you. You have the license now!"

Carlos Miguel Mendoza (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon