CHAPTER 13
"CARLOS ba't mo ba ako dinala dito?" pareho silang nakaupo sa isang bench habang tanaw ang taal volcano.
Napangiti siya.
Siguro ay ginagawa nila iyon dati. Malakas ang pakiramdam niyang ginagawa nila iyon.
"I don't know, Issa... Walang mang-aabalang press dito. I don't want to drag your name again. Not on tabloids," sinsero ang tono nito ng sabihin iyon. Gusto na talaga niyang maniwalang mabait talaga ito. So he's doing this for old times sake? Probably... Ayaw niyang mag-isip ng masama dahil napakaganda ng sandaling iyon.
"Ginagawa rin ba natin ito dati?" aniyang hindi na mapigilang itanong.
"Nararamdaman mo bang ginawa natin ito noon, ha Issa?" Napatingin ito sa kanya. Ang mga mata'y may kung anong pait.
Tumango siya. Tila naman nakikisabay ang puso niya sa mga sandaling iyon dahil unti-unti iyong tumibok ng mabilis, pagkuway unti-unting nanikip.
Bakit ba ganito nalang lagi ang nararamdaman niya tuwing tinititigan si Carlos? Naikuyom niya ang mga kamay. Nagpigil siyang mahaplos ang mukha ni Carlos, o mahawakan ang mga kamay nito. Baka sakaling may kung anong ala-ala siyang matandaan pag ginawa niya iyon.
"We used to sit at the grass, Issa. Sabay nating pinapanood ang paglabas o minsan ay paglubog ng araw, habang nagkakantahan," mahina lang ang pagkakasabi nito niyon.
Napatitig siya sa payapang lawa saka muling napatitig dito. Bahagya itong napangiti.
Hindi na niya napigilang kunin ang isang kamay ni Carlos. Ginagap niya iyon. Bakit gusto niyang maiyak? Napakaganda ng mga ala-alang iyon pero bakit wala siyang matandaan?
Hinaplos haplos niya ang palad nito baka sakaling may matandaan siya. Hinayaan lang siya nitong gawin iyon. Nagsimulang nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Bakit wala talaga siyang maalala?
"You used to play the guitar, habang kinakantahan mo ako. Didn't you remember that, Issa? "
Napailing siya. Bakit hindi ko maalala?
"If we got nothing else to do, we'd go at the stable. Magpapaligo o magpapakain ng kabayo..."
Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga sa pagkakataong iyon.
"Then we'd talk about anything. You would share about your dreams and your family, same as I to you. Didn't you remember that, Issa?"
Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa pagpipigil na mapaluha. Bakit sa lahat ng mga ala-ala ay iyon pa ang kanyang nakalimutan?
"I'm sorry, Carlos..." aniya sa nanginginig na boses. "Wa-la talaga akong maalala..."
Itinaas nito ang kanyang mukha. " It's okay, Issa. It's okay. Hindi mo kailangang maalala sapat na sa'king maramdaman mo ang mga ala ala," Bakit parang namamasa rin ang mga mata nito?
Ganoon pala sila nito ka close pero bakit wala talaga siyang matandaan?
"Halika."
Sabay silang naglakad at pumasok sa isang clubhouse. Doon ay tumambad sa kanya ang isang napakagandang music room. Napapikit siya. This was another thing that was so familiar to her. Nai-imagine na niya ang ginawa nila nito doon.
"Marunong karing tumugtog." Hindi iyon tanong. Pinisil niya ang kamay ni Carlos at binitawan iyon. Hinaplos niya ang isang gitarang nakasabit doon.
" Matagal na akong hindi nakabalik dito, Issa. Simula noong huli tayong tumugtog."
Kung gayun ay madalas sila roon at nagkakantahan? Kinuha niya ang isang gitara at aniabot iyon dito. "Pwede mo ba akong kantahan?" gusto niyang sakaling may magandang maalala sa sandaling marinig niya itong kumanta.