Chapter 10

7.8K 235 14
                                    

CHAPTER 10

Present ( Anglo- Saxon Community)

DAMN! Kanina pa si Carlos tahimik na nagmumura. Agad na dumeretso siya sa resort na pag-aari ni Mateo matapos maihatid si Tricia sa hotel nito at tahimik na uminom ng alak.

"Oh Carlos, hi!" napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. "Bakit mag-isa kang umiinom?" Humalik ang babae sa kanyang pisngi, may naglalarong kung ano sa mga mata.

"Nagpapalipas oras lang, Mir." Ibinalik niya ang tingin sa alak. Gusto niyang mapag-isa sa pagkakataong iyon.

"Wala kabang kasama ngayon?" tumabi si Miranda sa kanyang inuupuang stool.

"I'm with Tricia."

" But why she's not with you?"

Napabuntong hininga siya, pilit kinalma ang sarili. Can't these women leave him alone? Just this once! " I already sent her to her suit," kalmado parin ang tono niya.

"Alright, I see." anito at tumayo. " I guess you need this moment alone."

Thank God woman!

Humalik muna ito sa kanya bago umalis. Napahawak siya sa kanyang batok. He suddenly felt sick. Hindi naman talaga siya ang nambababae dahil ang mga ito ang kusang lumalapit sa kanya. Pinagbibigyan lang niya ang mga ito. Noong bata-bata pa siya ina-amin niyang naging bisyo din niya ang mga babae pero ngayong tumanda na siya ay hindi na iyon ang kanyang tinututukan.

Sa tingin ni Carlos ay marami narin ang kanyang ininom. Tumungga muna siya ng isang baso bago nagpasyang bumaba. Ilang sandali ay binaybay niyang muli ang daan patungong reception. Hindi niya alam kung anong nag-udyok sa kanyang bumalik doon. He must have been nuts!

"Pare, saan kaba galing?" ani Ian nang namataan siyang pabalik sa kanilang table.

"Hinatid ko lang si Tricia."

Nakakalukong ngumisi ito.

"What?"

"Bakit ba mainit ang ulo mo?"

" Wala, halika na nga. Saan ba si Inna?"

"Ayun nakikipag-usap kay Clarissa Mendrez."

Sinundan niya ng tingin ang tinutukoy ni Ian. Nakatalikod ang babae sa kanya habang kausap ang kanyang kapatid. Nakasuot ng puting gown ang babae at backless ang likod nun. Nagulat pa siya ng makita ang tattoo sa likod nito. Issa with a tattoo? Ayaw na ayaw niya sa babaeng may tattoo dahil napakaduming tingnan. Siya ay meron din nun pero hindi niya iyon ginusto, isa lang iyon sa mga kalokohan nila noon na gusto niyang pagsisihan. Well, he should remember that she was masquerading long time ago. Sweet Issa was all for a show then.

"Kaninong guest ba iyang babaeng kausap ni Inna, pare?"

Nagkibit balikat si Ian. "Probably my wife, alam mo namang marami siyang kakilalang singer. Iyong mga kabanda niya noon ay may ari na ng isang recording company. Iyong iba naman ay sikat ng singer ngayon at nasa banda rin."

"Kilala mo ba ang singer na iyan?"

"Teka lang, pare." Inakbayan siya ni Ian. "Type mo ba si Miss Mendrez? She's quite famous."

"Famous?" hindi makapaniwalang sabi niya. Sikat ang babae? Wala naman kasi siyang paki-alam sa showbiz kahit na mga celebrity halos ang nakakadate niya. He don't want to mess up with their lives.

"Yeah. I've seen her TV guestings a couple of times. Napakaganda pala talaga ng boses sa personal." Napapalatak ito. "I know that look , man?" tudyo pa nito.

"I was just asking."

Nakakalokong tinitigan siya nito. "Really huh?"

" Don't start on me now, Sebastian."

Carlos Miguel Mendoza (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon