Chapter 3

7.1K 245 1
                                    

CHAPTER 3

"ISSA anak aalis na ako, kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang tumawag sa mga Mendoza." Tinulungan niya ang kanyang tiyang sa mga dalahin nito. " Halina at naghihintay na si Pedro sa labas."

"Mag-iingat po kayo tiyang. Pakikamusta nalang po ako sa mga kamag anakan natin doon."

"Siya sige, anak."

Kakasikat palang ng araw nang lumabas sila. Niyakap niya ang tiyang niya. " Mag-iingat po kayo tiyang."

"Salamat Issa. Hindi na ako makakapag-paalam kay Carlos. Ikaw nalang ang bahalang magsabi sa kanya. Paki sabing salamat kamo sa iniwan niya roon sa mesa. Pilyo talaga ang batang iyon at ayaw mag-abot ng pera. Nahihiya pa!" natatawang saad ng tiyang niya.

Tumango siya. " Ako na pong bahala."

Pagkuway pumasok na ito sa loob ng sasakyan.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga nang makitang papalayo na ang pick-up.

"Nakaalis na ba si nanay Nory?" Napapitlag siya ng marinig ang bagong gising na boses na iyon ni Carlos. Napalingon siya dito.

Mukhang bagong gising nga ito dahil sabog pa ang buhok at lalong naningkit ang singkit na mata. Nakangiti na ito ng matingnan niya. "Oo ka-aalis lang ni tiyang. Pinapasabi niya nga palang salamat daw doon sa iniwan mo."

Tumango ito. "Siya nga pala, Issa. Huwag kang mahihiya kung may kailangan ka rito."

Nahihiya siyang tumango. "Ah ano nga palang gusto mong kainin ngayong agahan, Carlos?" Medyo naninibago pa siyang tawagin ito sa pangalan nito.

Namulsa ito sa suot na short. "Pwede bang maghanda ka ng tinolang manok at tortang talong?"

Nais niyang matawa sa kombinasyon ng gusto nito. "Walang problema."

"Mangangabayo lang ako Issa, pagbalik ko gusto kong sabayan mo akong kumain."

Muntikan na siyang mapatalon sa kilig. " Sige kung iyan ang gusto mo."

Nakakalayo na ito ng lakad ay siya namang paglapad ng ngiti niya. Medyo nahihiya pa siya dito dahil hindi naman siya sanay makisalamuha sa mayayaman. Napapapikit pati siya tuwing naaalala iyong pagtataray niya dito kahapon.

Napaka-approachable nito at mukhang napakahumble pa. Mali nga naman yata ang unang impresyon niya dito. Iyong ibang mayayaman kasi ay mata pobre at hindi nakikisalamuha o kumakausap sa tulad nilang mga mahihirap.

Kung gayon ay patitikimin niya ito ng pinakamasarap na tinola at tortang talong.



"SHIT no kidding man?" natatawang sagot ni Carlos kay Ian na kasalukuyang kausap niya sa telepono. Pumasok siya ng bahay at naupo sa isang sofa. Tumatagaktak pa ang kanyang pawis sa ginawang pag-iikot nila ni Stark.

"Well, your sister is doing her job. See? She just told me about Vienna yesterday," anitong tawa ng tawa sa kabilang linya.

" Pano makikipag date naba sayo si Vienna?"

"Bukas."

Napapito siya. "That fast?" aniyang hindi makapaniwala. Vienna Morales was every man's dream woman. "I should have warned Inna yesterday."

" Huwag mong sabihing gusto mo rin si Vienna, pare? Ang dami mong reserba ni hindi ka nauubusan."

"Aw shit man. Of course, iyong iyo si Vienna,"aniya.

Bigla siyang ginutom ng maamoy ang kung anumang mabangong niluluto mula sa kusina.

"So pare, kailan ka babalik ng Maynila?"ani Ian.

Carlos Miguel Mendoza (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon