Chapter 18

6.8K 223 7
                                    

CHAPTER 18

PASADO alas onse na nang makarating si Issa sa kanilang dating tahanan. Gulat na napagbuksan siya ni Enzo " Ate, gabing-gabi na ba't hindi ka man lang tumawag na uuwi ka?"

Hinalikan niya ito. " May malapit na pinuntahan lang kami rito kanina, kaya naisipan ko naring dumaan," pagsisinungaling niya. "Ang tatang at si Jeany?"

" Doon natulog si Tatang kina Tiyang Luz dahil birthday ng anak ni Tiyang," tukoy nito sa nakakatandang kapatid ng kanyang amain. "Si Jeany ay tulog na."

Napahawak siya sa kanyang noo. Nag-aalala na siya kay Carlos. Hindi pa tumatawag si Inna.

"Okay ka lang ba ate?"

Tumango siya. " Pagod lang ako, Enzo."

"Dito kana matulog ate, gabing-gabi na. Ihahanda ko lang ang kwarto mo. Kumain kana ba?"

"Okay na ako Enzo, magpahinga kana. Ako na ang bahala."

"Sigurado ka ate?"

Tumango siya. Pilit ikinubli ang kanyang nararamdaman. "Magpahinga kana Enzo."

"Sige ate. Naroon lang sa loob ng cabinet mo ang mga bagong labang bedsheet at punda," anitong inilock na ang pinto.

Maya-maya ay pumasok na ito sa sariling kwarto.

Napahinga siya ng malalim. Matagal na siyang hindi nakakabalik roon simula ng mamatay ang kanyang ina. Ayaw niya kasing maalala lahat ng mga masasaya at malulungkot na sandali nila roon noong bata pa siya. The house doesn't look the same dahil sa nagawa niya iyong baguhin at maiparenovate, pero para sa kanya ay iyon parin ang dating bahay kung saan siya lumaki.

Mabigat ang hakbang ng pumasok siya sa kanyang kwarto. Mapait siyang napangiti. Malaki at naging maganda narin iyon kumpara noong una. Naroon parin ang mga litrato niya noon. Ang mga medalya mula highschool hanggang College. Hindi parin pala ipinatapon ng nanay niya ang kanyang mga gamit. Buhay pa kasi ito nung magsimula niyang iparenovate ang bahay.

Binuksan niya ang isang maliit na aparador sa likod ng isang night stand.

Tumambad sa kanya roon ang ilang mga papel. Mga envelopes na hula niya ay mga certificate ang laman. Isa-isa niya iyong sisulyapan, saka niya napansin sa pinakailalim ang isang malaking kahon.

Inabot niya iyon at tinanggal ang takip. Agad na tumambad sa kanya ang isang CD...

Nagsimula siyang pinanlamigan ng mabasa ang ISSA sa cover ng CD. Katabi ng CD ay ang isang maliit at kulay asul na kahon.

Biglang bumagal ang pitik ng kanyang mga pulso. Napapikit siya dahil sa may kung ano siyang naa-alala. There were fragments of memory. Dahan dahan niyang inabot ang maliit na kahon at nang mabuksan ay tumambad sa kanya ang isang napakagandang kwentas na may pendant na dreamcatcher. Napalunok siya. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay. O Diyos ko...

Matapos  ay inabot niya ang CD, pagbukas ay naroon ang isang disc...at isang sulat... Nagsimulang bumara ang kanyang lalamunan. Hindi paman niya nabubuksan ang sulat ay nagsimulang manlabo ang kanyang mga mata.

Sa nangingig na kamay ay binuksan niya iyon...

Issa,

Ilang gabi na akong hindi makatulog sa kakaisip sa iyo. I hope you're doing well right now, at least before I leave.

I missed your voice and I missed looking at your face when you're singing, I just can't help it. I kept on listening to that recording sunshine . I'll carry it to the States so I will remember you all the time. I have a few songs for you there as well. I want you to remember that I'm still there whenever you're away.

Carlos Miguel Mendoza (Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon