CHAPTER 15

95 7 0
                                    

NATHAN'S POV

Natapos na naming basahin lahat ng libro. At napagtanto naming lahat ng nilalaman ng libro ay nababase sa misyon para hanapin ang nawawalang principal

At nang nakuha na namin lahat ng litrato ay napagtanto naming iisang malaking bahagi ang nawawala. Hinalughog ulit namin lahat ng hideouts pero wala na kaming mahanap na libro.

Base sa mga clues na nakalatag ay sinasabing

Steps
Knowledge
Up
Libro
Librarian

Sa benteng libro lima lang ang words na nakita namin ang iba puro litrato na at yung isa pang libro nagtataka kami may marka ng litrato kaso walang nakalagay.

Ang nasa theory namin ay nasa labaratory ang sagot dahil sa nabuong word na skull pero pumunta na kami at hinalughog na namin ang buong lugar. Pero wala kaming mahanap na bungo. At nagtataka nga kami kung bakit may skeleton pero walang ulo.

Mqbalik tayo dun sa larawan.Ganito ang nabuo namin sa larawan

Kulay blue ang background niya

lalake siyang may matalas na mata at kung minamalas ka nga naman oo nawawala rin yung pinaka importanteng piece... ang makita ang ilong at bibig at ang tunay na shape ng mukha.

Pinagpasyahan naming umalis na sa hideout at pumunta na ako sa dorm at nagpalit na ng uniform. Ngayon ko lang ito magagamit.

At ngayon lang din ako papasok sa room ng matino at may pakealam sa paligid. Kumbaga walang iniisip na kung anong masyadong mabigat.

At for the first time antahimik ng loob ng classroom. Hindi ko alam kung dati nang tahimik ang loob ng room o sadyang wala lang talaga akong pake sa nangyayare sa paligid ko.

Maya maya lang pumasok ang isang di katandaang lalake. Mukhang ito ata ang guro namin pero natulala ako sa inasta ng mga kaklase ko.

Kaya pala nanahimik sila ay dahil sa may gagawin silang kabalastugan. Kaya ang ginawa nila ay itinapon lahat ng basura sa sahig. At pinulot naman itong lahat ng matanda.

Tinitigan ko ang kanyang mukha.

Walang bakas ng pagmamakaawa. Bagkus ay ramdam ko ang otoridad sa aura niya. At saka ko lamang napansin ang kanyang suot na uniporme at mukhang nagkamali ako ng inakala. Isa pala siyang cleaner at hindi siya isang guro. At nakakalungkot lang isipin na kung sino pa ang naglilinis siya pa ang binabato ng basura

Hindi siya ganung katanda mga nasa 30 anyos palamang siya. Base na sa tindig at pananamit niya

Tahimik lamang akong nagmamasid at umingay ang buong klase at binubulyawan siya. Ang iba ay tinatapon at binabato sa kanyang ulo. At ng natapos niya ang pagpupulot ng mga mumunting basura sa sahig ay umalis na siya.

Agad kong pinakinggan ang mga sinasabi ng mga ibang studyante dito... mmmmhhhh mukhang... mapapasabak ako mamaya sa 1st offense. At mukhang pati ako ay mapaparusahan

Pero nanlamig ako sa aurang nanggagaling sa likuran ko. Nakita ko yung lalakeng nagpulot ng mga basura kanina. Nakatingin si
Siya ng diretso sakin.

May mga pinapahiwatig ang kanyang mga mata pero hindi siya nagsasalita para bang nakikiusap siya gamit lang ang kanyang mga mata.

At nang sa wakas ay napansin niya ang pagtalim ng mata ko ay walang ano anong nag iwas siya ng tingin at binuhat ang sakong may lamang basura.

May napansin akong marka sa parte ng tagiliran niya pero di ko na naaninag dahil malayo na siya at masyadong maliit ang marka.

Akmang tatayo nako at lalabas ng biglaang pumasok ang isa naming guro.

Naglibot siya ng tingin at itinuro ako

"You! Sino ka! Bakit ka nasa klase ko?"

Ipinakota ko naman ang suot kong uniporme.

Naningkit ang mata niya samantalang nanatili namang blanko ang expression ko.

Kita ko kung pano ako titigan ng mga kaklase ko at nagbulungan

"It's already 3 months and ngayon lang kita nakita sa klase ko!" I just look at her straightly in the eye.

I saw confusion in her eyes but I just remain silent

"Ok I'll give you a chance. Now introduce yourself."

"I'm Nathan"

Yun lang ang sinabi ko.

At tinitigan niya lng ako at magsasalita na sana ng napansin niyang nkatayo palang ako

"Ano pang ginagawa mo? Umupo kana, kaylangan ko pabang sabihin yun?"

Sinagot ko naman siya

"Opo maam, dahil kawalang respeto sa guro ang pag upo sa upuan ng hindi niya sinasabi, at napakaunfair naman sa part ko kung di mo sasabihin ang iyong pangalan at ang subject na ituturo mo tutal unang araw ko palang sa subject mo" naubusan ako ng hangin dun ah. Pers time buti di ako pumiyok

"I'm Jisari and I will be your survival activity subject. Ok go to your locker rooms and change your clothes into your SA uniform. And thenplease proceed to the gym. I'll give you five minutes"

Nagtakbuhan naman ang lahat at mukhang paunahan pa sila

Nagsitakbuhan naman lahat ng studyante habang ako ay pumunta sa bintana at tumalon sa klapait na puno.

Nagpadausdos ako sa baba at dumaan sa bintana ng locker.isinara ko ang bintana ng locker ng girls. Inopen ko na yung locker ko at nagbihis na ng SA uniform ko. At akmang isasara ko na ang pintuan ng locker ko ng pabagsak na binuksan ang pintuan.

Kita ko ang kaklase kong humahangos at sa likuran naman niya ay ang iba ko pang kaklase.

Napatahimik sila at naisara ko bigla ang locker ko dahil sa gulat sa pagkabagsak nung pintuan kanina.

"Yes ako nanaman ang nauna at...." napatingin naman sa direksyon ko yung babae

Napatalas ang paningin niya sakin

"At sino ka naman? Bat ang bilis mong nakapunta dito ha!!!" Di ko nalang siya sinagot.

Agad ko namang nilock ang locker at lalmpasan na sana siya ng hinila niya ang braso ko at pinigilan ako.

Hindi ko siya nilingon nanatili lang blanko ang mukha ko.

"Di mo ba ako kilala? Ha? Ako ang pinakamabilis sa lahat ng studyante dito at ayokong may nakakaagaw ng trono ko" tumango lang ako at hinawakan ang kamay niya.

"3 mins and 30 seconds nalang ang natitira." Natulala naman siya. At hindi ko alam kung bat siya natulala. Natauhan naman yung iba ko pang kaklase at nagsipasukan na sa locker room at nagsipalitan na.

At nasagot ang tanong ko ng nasa pintuan nako

'First time na may sumagot kay fria ah.'

'Oo nga first time ding may nakauna sakanya sa pagpunta sa locker room' agad na akong umalis at di na narinig ang iba pang bulung bulungan sa loob.

Agad kong dinaanan ang masikip na daan sa pagitan ng locker room ng girls at boys.

Sa tatlong buwan kong paglilibot sa impyernong to ay namemorize ko na lahat ng shortcuts and long cuts sa loob ng skwelahan.

At 1 minute nalang ang natitira ng nasa gym nako. Nakaupo ako sa isa sa mga bleachers at hinihintay ko ang guro namin. At nagulat ako sa nakita ko. Mula sa faculty room na nasa 4th floor.

Kitang kita ko ang pagtanggal niya ng mabilisan sa mga pagtanggal ng jalousy at pagkalabas niya sa bintana ay mabilisan niya rin itong naibalik.

At mula sa 4th floor hanggang sa 1st floor ay tinalon niya ito. At humanga ako dahil wala akong narinig na kahit ano.

At yun pala ang purpose nung sand na nakalagay dun kala ko design lang.

Agad kong itinago ang presensya ko at lumapit sa gurong nasa harap ko.

Hinawakan ko ang balikat niya at nagulat siya. Ganun rin ako sa naging response niya. Agad niya akong sinugod at wala akong nagawa kundi ang idodge lahat lahat ng mga binibigay niyang suntok at sipa

TO BE CONTINUED

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon