CHAPTER 46

83 8 1
                                    

Nathan's POV

"Youuuuuu uuuu are my strange addiction🎵🎵🎵
My doctor's can't explain
My symptoms or my pain
But you are my strange addiction🎵🎵🎵"
(Strange addiction by Billie Eilish)

Pakanta kanta si jay-ar sa harapan ko at may pa tuturo turo pa sakin tuwing nababanggit ang you sabay gigiling giling pag nabanggit ang doctor

Napapailing nalang ako sa ginagawa niya

Nasa boy's dorm ako ngayon kasama ang unggoy na si Jay-Ar

Kakarating niya lang kanina pakanta kanta pa siya.

Maayos na sana ang pagrerest ko kung wala lang sanang unggoy na magulo sa harapan ko

"Tumigil ka nga! Chorus lang naman ang alam mo eh!"

Asar na sabi ko sakaniya

Tumayo ako sabay walk out. I need fresh air. Baka masuffocate pako sa kakagiling niyang hybrid na yan

Pinagsamang bulateng unggoy

"You are my strange addiction" binato ko siya ng sapatos pero nasalo niya naman kaasar!

"Shut up bugoy!!!!" Parang naestatwa naman siya

Jay-ar's reactions: :-)  ->   0_0    ->  *0*

"B-bugoy?" Tumalon talon siya papunta sakin at kumikinang kinang ang matang lumapit saakin napaatras naman ako

"Yun na ba ang endearment natin?" Tapos parang kinikilig naman kasi namumula ang mukha niya ewww

"Tanga tch" hinayaan ko lang siya sa kahibangan niya, naglakad na ako paalis saka napangisi ang ibig sabihin ng bugoy ay bulateng unggoy tanga kinikilig pa ang bugoy bwahahaha

Di ko akalaing nakakilig na pala ang panlalaet ngayon

Hinawakan niya ang kamay ko.

Tsaka niya ako hinila papunta sa kung saan. Nagpaanod lang naman ako

"Tutal may enderarment na tayo. Hihi. Ipapakilala na kita sa kaharian ko" nanlaki ang mata ko, anong kaharian?!?

"Akala ko ba si lucifer ang king rito?" Natigilan siya

"Nahhh siya lang ang surface king pero ako..." saka kami napunta sa garden at meron siyang pinindot doon tas nagbukas ang pader

"I'm the underground king" saka kami pumasok

May pinasukan kaming kwarto at may ibinigay siya saaking maskara

"Suutin mo yan" sinoot ko yung maskarang ibinigay niya at nagsuot na din siya ng sarili niyang maskara

"Tara na" lumabas kami ng silid at isang napakahabang hagdan ang tumambad saamin.

Nakasampung hakbang kami ng hinila niya ako papunta dun sa pader. Nagulat ako na meron palang daanan dun

"Teka bat di tayo dun sa pababa dumaan?"

"Isa yung trap. Kumbaga isa kang intruder pag naabot mo ang dulo nung hagdang yun."

"Ano bang meron dun?"

Tumigil kami saglit sa paglalakad saka siya lumingon saakin.

"Wag mo nang alamin, kasi delikado" at nagtuloy na kami sa paglalakad. Ramdam ko ang magaspang niyang kamay. At yun ang gusto ko sa isang lalake

Ang pagkagaspang ng kamay ay merong kakaibang ibig sabihin yun para saakin.

Ang magaspang na kamay ay sinasabing madami 1na siyang napagdaanang hirap sa buhay at higit sa lahat masipag siya

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon