CHAPTER 35

99 6 0
                                    

NATHAN's POV

At biglaang naghiwahiwalay ito. And it became 14.

Siguro kung di ko naputol yung isa mga 15 to.

Umatras na muna ako at inihanda ang katana ko.

Payuko akong sumugod. To increase my speed and to defend. Parang sa naruto lang hehe.

Inuuna ko ang mga maliliit. Since may pagkagamer ako. PAGKA pero di talaga as in na gamer. Nalaman ko na para itong slime na katulad sa minecraft.

Ang kaso nga lang robot siya.

Kapag pinutol mo ang mga malalake mahahati ito either apat or isa.

Hinati ko sa dalaw ang pinakamaliit doon sa parte ng katawan niya para siguraduhing hindi na ito muling mahahati at magkakaroon ng subs.

Ginawa ko yung estilong yun hanggang sa last na. Eto yung pinakamalake.

Biglaang nagtaas ng kamay yung robot.

Susugudin ko na sana siya ng may naramdaman akong pwersa na paparating saakin.

Agad akong yumuko.

At sa pagyuko ko ang siyang pagdaan ng naturang bagay.

Pagkatayo ko ng tuwid ay napasideways ako dahil meron nanamang paparating at sa wakas nakita ko na. Yun ang mga sinira ko.

Napatingin ako sa nag-iisang robot na nakataas padin ang kamay. Binunot ko ang pistol ko at pinaputukan pero pati yung pistol ko ay nahihila. Ganun din ang weapon ko.

Magnettttttt!!!! Agad akong naghanap ng bato at binato rito. Luckyly wala pang nahihilang weapon ko.

At nawalan ito ng concentration at sinugod na ako kaagad.

Nung hinataw ko ang katana ko ay nahawakan niya ito. Nanlaki ang mata ko at hindi nakaisip ng strategy biglaang naging blanko ang isip ko at ginamit niya ang hawak kong katana at siyang ginamit para paliparin ako.

Napatilapon ako at napaubo ubo ng nasubsob ako sa buhanginan. Bakit kasi napaka dry neto eh.

Hinugot ko ang pistol ko at pinagbababaril pero mukhang immune ito sa mga bakal.

Kaya no choice. Hinugot ko ang pana ko at inaim ito sa robot.

And luckily hindi ito gawa sa bakal. Siguro bato ito.

May iba't iba siyang kulay eh.

Hinugot ko yung red. At muling inaim. Nang tumama ito at sumabog ay napawhistle ako. At napatawa ng parang nababaliw

"ahahahhahahaa AHAHAHAHAHAHA SA WAKAS!!!!!" siguro sa sobrang frustrated ko ay naging ganito ako.

Kinuha ko yung kulay blue at muling ipinana sa robot and nadismaya ako dahil hindi siya explosive.

Kaya puro red nalang ang ginawa kong bala.

Hanggang sa ulo nalang ang natitira.

And the last blow ay natapos naden sa wakas. Whoooaaahh napagod ako don .

Humiga na ako sa sahig at nakangiti akong umidlip ng narinig ko na ang ingay. Matutulog lang muna ako saglit.

3RD PERSON's POV

Nagsimulang dumagundong ang sigawan at hiyawan ng mga nanononood ng bumaba na ang glass protective barrier.

"The new right hand of our king cifer. NATHANNNNNNNN!!!!!!" muling naghiyawan ang mga studyante. May mga taong may hawak ng stretcher ang pumunta sa pwesto ni nathan.

At inakay na siya para ipunta sa personal clinic ng mga royals (name ng grupo ni king)

Akmang magsasalitang muli ang emcee ng may taong umagaw ng mikropono.

"Hindi ako papayag. Dapat saamin mapunta ang bago niyong membro". Ang kaninang isang nagreklamo ay dumarami at lahat sila ay mga kasali sa rank. Ultimo ang lowest rank ay nakisale.

The 10 ranks ay may iba't ibang teritoryo na pinapamahalaan. And bihira ang mga nag-aagawang gangs just for a member.

"S-so this means" sabi ng emcee. Naghiyawan ang mga tao sa sobrang excitement.

"The snatch" sabi ng emcee

/maikling palatastas: ang the snatch ay nangyayari kapag ang mga gangs ay nakahanap ng membrong gustong kunin ng ibang gang sa gang na nagpapawelcome party. In short ang welcome party ay ginawa hindi para itest ang new members kundi nagbabakasakale ang iba na baka mayroon silang makuhang bagong meymbro. At sa ipinakitang galing ni nathan ay nagsimulang nagkainteres ang buong gang royalties(gangs na may ranks. Royalty kasi namamahal sila sa buong school. Kumabaga ssg lang ang humahatol pero iba ang namamahala.) Maglalaban laban ang mga gang para maipanalo ang isang membro. Saka naman pipili ng mapupuntahang gang ang naturang myembro kung draw ang kalalabasan. Pero kapag may nanalo no choice siya kundi makisanib sa gang na nanalo.The end/

"Since ang ating klish (klish ang tawag sa mga myembrong pag-aagawan) ay tulog magaganap ang pagtutuos kapag siya ay nagising na"

Sa isang banda ay may mga taong nakamasid. 2 may balak at dalawang nangangamba sa kalagayan ni nathan.

Samantalang ang kaninang tagumpay na ngiti ni cyfer ay napalitan ng galit na expression.

Hindi niya yun inaasahan. Ang akala niya'y matatakot ang mga royalties ng dahil sa siya ang kakalabanin nila pero mukhang desidido na silang tanggalin siya sa trono.

Kung siya lang ang makikipaglaban mahihirapan siya. Kaya napaisip si cyfer at tinawagan ang mga hunters. At sinabing bugbugin ang mga iba sa royalties bago maganap ang the snatch.

At muli isang matagumpay na ngisi ang sumilay sa kanyang labi.

'You're mine nathan. Only mine" at hinawakan nito ang wineglass na nasa side table niya.

Sabay alis ng battle arena.

At taas noo siyang dumeretso sa clinic.

Samantala ang kumokontrol kay cyfer ay kakabalik lamang sa lungga niya. At muling pinanood ang mga galaw ni cyfer.

Napaisip ang taong iyon 'cyfer cyfer cyfer. Sa ngayon malaya ka pa. Pero isang pagkakamali lamang. At makokontrol na kita.' At seryosong pinapanood ang ginagawa ni cyfer.

Tinitigan nito ang litrato ng ating bidang si nathan na nasa tabi ng mga monitors. At hinaplos haplos ito. 'Oh alex my precious alex.' Kamusta kana?

'Tulad ng pangako ko saiyo noong nasa kweba palamang tayo poprotektahan kita.'

At hinaplos niya muli ang litrato nilang dalawa I missed you already.

At inilagay niya na ito sa side table niya at muling nagresearch kung sino ang principal.

Sa ibang banda naman tayo. Nagpapalakd lakad si carlo out of frustration. Dahil wala siyang makausap wala ang bise at ang presidente.

At hindi niya alam ang gagawin.

Kialala ng dalawang ito ang kanyang mahal na kapatid kaya ganun na lamang ang pag-aalala ng mga ito sa kanyang kapatid.

Nalimutan niyang abisuhan ang kanyang kapatid na huwag ipapakita ang mga natutunan niya sa bundok. At ng dahil sa makakalimutin siya ay maaring mapahamak ang kanyang kapatid.

At ito na nga pinag-aagawan na siya ng mga royalties. Naaagaw na niya ang mga atensyon ng mga ito. At baka sa susunod hindi lang ang snatch ang magaganap kundi pati ang mga mafias may magkakaroon ng play(ang tawag naman kapag mafias ang maghahire ng new members, though kahit na gangster ka its ok to them na sumali ka padin sa kanila).

Dahil sa tiyak na marami ang maiinggit sakanya marami ang gagawa ng paraan upang mapahamak siya.

at yun ang pinangangamba niya, napaupo na lamang si carlo at tahimik na umiyak dahil sa hindi niya naprotektahan ang kanyang kapatid.

TO BE CONTINUED....

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon