CHAPTER 49

88 8 0
                                    

NATHAN's POV

Nagising ako sa tapik ng kung sino. Nagulat ako ng si Kyle yung tumatapik sakin. Agaran akong bumangon.

"Kyle? Ikaw ba yan?" Pero nakatulala lang siya sa pwesto ko kanina at tinatapik tapik yung ere.

Where am I?

Nilibot ko ang paningin ko sa kakaibang silid.

"Welcome Nathan" nanlisik ang mata ko ng makita ko si NAC.

"Bakit. Moto. Ginagawa. Saakin?!?" May diin ang bawat salitang binitiwan ko.

Nagkatawang tao si NAC

"Simple lang someone na malapit sayo ang nagkulong saakin sa maalikabok na lugar na yun! He knows how I hate dirt!!!" Hate niya daw ang dirt pero dun naman siya laging tumatambay.

Anyways yung tinutukoy niyang maalikabok eh yung nasa science lab.

"Oh? Yun lang? Galit kana agad?" I flipped my hair para lalo siyang inisin

"Napakasutil mo talagang babae ka. Akin dapat si Carlo eh. Pero pati siya inagaw mo saakin!!!!" Nanlaki ang mata ko

"WHAT?!? BABAE KA?!?" Napaawang ang bibig ko. Like sabagay may mga babae namang hilig yung undercut na buhok na parang pang lalake.

"Yes! Duhh di ba halata? Galaw ko palang pambabae na eh! Mas mahaba pa ang pilik mata ko sayo and mas lalong mas maganda ako ng sampung porsyento kesa sayo! Kaya di ko maintindihan kung bakit ikaw ang pinili ni Carlo imbes na ako!!!!"

Muntikan nakong bumunghalit sa kakatawa. Engot! Kapatid ko yun bobo.

"Pffftttt" nagred naman ang mata niya

"Anong nakakatawa ha?!?"

"Ikaw pfftttt"

Ramadam ko ang bakal na pumalibot sa leeg ko

"At baket mo ako tinatawanan?"

Ackkkk napakaswerte ko talaga dahil suot suot ko yung necklace kong lumolobo.

Ramdam ko padin ang paghigpit ng kamay niya sa leeg ko pero di ko pinahalatang nahihirapan ako

"Tanong mo kung baket" natigilan naman siya

"Baket?"

"Kasi pwet mo may raket" mas lalong nalukot ang mukha niya

"A raket pala ha! O eto raket!" Saka niya ako ibinato sa ere. Buti nalang naibulsa ko ang eyeglasses ko kanina agad ko yung sinuot habang nasa ere palang ako.

Nasa maze pala kami. Nakita kong sasaluhin ako ni NAc kaya agad kong itinago ang eyeglasses ko

"Bakit. Mo. Ako. Tinatawanan!!! Ha?!?"

Tumatawa tawa padin ako hanggang ngayon kahit na may diin sa bawat salitang binibitawan niya, ewan ko parang may nalanghap ata kasi ako sa ere

"Ay oo nga pala. Nalimutan kong patayin yung laughing gas."

Saka humaba ang kamay niya at inabot yung kung ano sa dilim at nawala na yung tawa ko.

Paunti-unti kong pinipigil ang tawa ko hanggang sa tuluyan na yung nawala

"So san na nga ba tayo?" Sumabat ako sabay sinabing

"Walang tayo remember?" Nagalit na siya ng tuluyan.

Saka ako kinorner at sinakal ako habang nasa likuran ko ang pader.

"Alam mo ba kung baket ako ang pinili ni Carlo imbes na ikaw?"

Tumaas ang kilay niyang napakanipis.

Pusa natatawa tuloy ako pero pinipigilan ko lang

"Pffttt" mas diniin niya ang pagkakasakal sakin and I know that my necklace is at it's limit konting push nalang at tuluyan na niya akong masasakal

"Alam ko na yan dahil pwet ko may raket?" Tuluyan na akong natawa at napapadyak padyak sa ere sabay palo palo ng dingding na nasa likuran ko

"Pusa hahahahaha buti alam mo? Hahahahaha." Ng umuaangat nanaman ako sa ere ay tumigil na ako pero pinipigilan ko nalang ang tawa ko. Nakakatawa talaga tong robot na to hahaha

"Kaya ka di pinili kasi kahit anong ganda mo. Kung robot ang katawan mo yang ganda at pilik matang pinagyayabang mo ay balewala wahahahahaha" nabitawan niya ako

Kaya nakahinga ako ng maluwag

"Oh my Gad, oh my gad, waaaaaaaahhhhhhhhhhhhh huhuhuhuhuhuhu ayoko nang maistock sa bakal nato tanggalin mo na to please!!! Nakuha mo naman na lahat ng gusto mo diba? Please pakawalan mo nako. Ahhhhhhhhh!!!!!" Napahiyaw siya saka hinawakan ang ulo niya na tila nahihirapan.

Dahan-dahan akong umaatras pero nagulat ako ng biglaan siyang tumayo ng walang imik. Nilagay ko ng agaran ang eyeglasses ko

Nawala ang pupil ng mata niya at tanging puti lang ang makikita sa mata ni NAC saka ito dahan-dahang lumalapit saakin.

Agad akong tumakbo. Habang tumatakbo ako may nagpop na kung anong message sa eyeglasses ko pero isinan walang bahala ko yun saka isinet aside. Mamaya ko na lang yun poproblemahin sa ngayon I need to get out of this Maze.

Nagbato ako ng drone at agad kong nakita ang daan palabas pagkalabas ko ay dumaan ako sa likuran ng buildings pero tila napakatahimik ng buong skwelahan.

Tumigil ako sa pagtakbo at dahan-dahang naglalakad.

Nakita ko ang mga studyanteng tila zombie kasi wala silang pupil ang kaibahan lang ay nakanganga sila sabay nakatulalang naglalakad lakad sa field.

Pinanood ko kung papano sila maglakad at nalaman kong may pattern silang pazigzag ng may nakita akong espasyo ay nakisabay ako at nakisama sa flow kakaylanganin kong makapunta sa puno.

Saktong nasa tapat na ako ng puno ng mabilisan akong lumihis sa linya at nakaakyat ako papunta sa puno.

Pumunta ako sa pinto ng frame.

Agad kong idinikit yung missing piece. Pero di ko siya masyadong maaninag ng kinuha ko yung picture na nakadikit sa frame kasi napakabigat nung frame.

Di ko sinasadyang nahulog yung frame kaya nabaliktad siya at nabasa ko ang bakaukit duon na mas bigger font.

The principal of Toxic Academy.

Nagkibit balikat ako saka inilatag dun sa bintanang nasisinagan ng araw.

Iniroll ko yung picture at pinakatitigang mabuti. Teka parang naalala ko siya.

Siya yung lalakeng nakakulong sa tube na pinageexperimentuhan yung kulay berde.

So dun nila ikinulong ang principal? Nasa lab siya! Kung nasaan ang bahay ni Injection

Ng biglang lumindol at napabaliktad yung picture saka yung kulay puting likuran nito ay unti-unting nagkakaron ng litrato ng muling lumindol. Niroll ko yun at saka kinuha at tumakbo papalabas ng puno.

Napagulong gulong ako ng muntikang tumama saakin ang mesa. Saka ako napatalon nung muntikan nakong mahagip ng kung anong bagay saka ko nakita ang bintana nakabukas.

Gumapang ako sa sanga sabay talon pababa. Pagkatalon ko ay saktong natumba ang puno.

There I saw students and NAC na unti-unting lumalapit saakin.

Napaatras ako ng napaatras ng may nakabangga ako.Papalapit ng papalapalapit ang mga studyante saakin at di ako makaatras

Omg I'm doomed!!!!!!

Dahan-dahan akong lumingon paharap. At...

To be continued...

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon