Chapter 42

76 8 1
                                    

NATHAN's POV

Nagising ko sa mga kalabog sa mga bawat rooms.

Napadilat ako ng may kumatok. Yung maingay palang kulay brown ang buhok.

"Kakain na ng dinner. Halika na baka maubusan pa tayo ng mga masasarap na putahe". Tumango ako.

Mura naman kasi ang mga pagkain dito sa canteen ng bawat dorms. Mas higit na mura sa canteen sa baba. Kumbaga doble ang presyo sa canteen sa baba kesa dito sa rooftop. Ang kaso nga lang bukod sa nasa rooftop siya nakakatamad pang pumunta dun.

5 floors kase ang per building pahirapan pa sa pakikisksik sa elevator.

Nagulat ako ng merong scalator sa loob ng boys dorm. Napakunot-noo ako.

"Ano palang pangalan mo?" Napalingon ako sakniya

" niel." Tipid kong sinabi

"Ok, ako si Jay-ar, Jay-ar Alcantara, kambal ko yung kulot na nagbato sayo ng apple siya si kyle. Kyle alcantara." Tumango ako. Kaya pala may pagkahawig sila. Hawig lang kasi di sila ganong magkamukha.

Papataas na kami papuntang rooftop.

"May fact dito sa dorm namin na ipapaalam ko sayo. Higit na mas maganda ang pasilidad dito sa boys dorm kesa dun sa girls kase madaming talented dito at hinayaan kami ng principal para pakialaman ang dorm." Tumango ako.

Ganun ba yun?

"Atsaka ito pa ha. Pwede tayong maging hunter at tikman ang mga babaeng slaves. O diba ang swerte ng lahi natin?" Tumawa ito.

So this school is all about girls vs. Boys huh?

"Ito pa hindi maaring lumaban ang mga babae saatin haha. Except kung sa battle arena lang. I can't wait untill maging slave yung prize. Pag nangyari yun ako unang titikim dun kahit pa hindi ako hunter". Isang matunog na ngisi ang binitiwan ni Jay-ar.

Napalingon ako sakniya ng seryoso

"Anong prize. Bakit siya magiging slave?" Sabi ko napalingon siya sakin saglit at tumingin ulit sa harap

"Simple lang naman kapag binangga niya ang isang hunter sa hunter day automatic na siyang magiging slave." Tumango ako.

Kaya pala walang may balak na kalabanin sila. Tanging lalake lang ang naglakas ng loob.

Palibhasa walang lalakeng nagiging slave.

Papataas na kami. Ng nasa rooftop na ay nakabukas na ang pinto at nagulat ako dahil still na gumagalaw ang nasa paa namin na parang tread mill(N/A:Tread mill bayong tawag dun sa pang exercise na tatakbo ka lang pero di ka makakaalis sa pwesto mo? Correct me if Im wrong guysu haha)

Tapos bumagal na siya nung nasa counter at pilihan na ng mga pagkain.

Kung mga magagaling ang mga nandito bakit still di nagagalaw ang number ng pagkain na may mga codes. Bale parang vending machine kase ang bawat counters.

Yung iba huhulugan mo ng pera tapos magoopen yung naghulugan mo ng pera at iluluwa ang inorder mo.

Binasa ko yung code. Ang weird lang ng pangalan ng mga putahe kaya kahit anong hula mo di mo yun masasagutan.

(N/A:nakaktamad gumawa ng codes kaya yung nadecode na ang ilalagay ko haha)

Mamantikang manok(fried chicken)
Dumudugong pasta(spagetti)
Mamantikang patatas(french fries)
Taeng may gatas(milk tea)
Katas ng niyog(buko juice)
Katas ng pinya(pineapple juice)
Katas ng mansanas(apple juice)
Tsaang ginawa ng nestle(nestea)
Puting pasta(carbonara)
Bigas na luto(kanin)
Pinitas sa puno(mga prutas)

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon