CHAPTER 25

106 8 3
                                    

Nathan's POV

Biglaan akong nakaramdam ng kilabot. Lumingon lingon ako pero biglaang nawala ang mga matang nakatingin sakin.

Mukhang ang kapalit ng impormasyong makukuha ko ay kalakip nito ang kaligtasan ko.

Napabalik ako sa kasalukuyan ng may tumapik sa likod ko.

"Aalis na kami bukas ka nalang namin iwewelcome. Kakarating lang ni king at kelangan niya munang magpahinga." Umalis na sila. Feel ko pag-uusapan ang dapat sana nilang sinabi oh well.

Nilabas ko ang headset ko at nakinig ng music. Pinakiramdaman ko ang paligid dahil may naramdaman akong paparating sakin.

Tumagilid ako at may hanging lumampas at nasagi nito ang buhok ko.

Nakita ko na lang ang pagkahulog ng ilang hibla ng buhok ko.

Biglaang dumami ang mga ibinabato saking mga bagay. Hindi paba tapos? Kelangan ko na ding magrest pagod din ako kanina. Pero wala akong magagawa

Hinuli ko ang isang dagger at ginamit iyon sa pagsangga. Actually pwede mo talagang masangga ang bala o kung ano mang matutulis na bagay kung mabilis ang mata at galaw mo

At lalong lalo nang malakas ang pandama mo.

Ang paglalayas ko noon at ang pagtira ko sa gubat ang nagbigay sakin ng kakayahang ganito.

Nagtago na muna ako sa isang pader. At nalaman ko na sa wakas ang kanyang pwesto ng may bumaong dagger sa harapan ko. Agaran ko yung binunot at dagliang tumalon at ibinato sa direksyong yun.

At nahulog ako sa sahig. Hindi ko ininda ang sakit at tumakbo dahil nakita kong gumalaw ang mga halaman dun.

Pero huli na ako nakaalis na yung taong yun sinundan ko ang dugo.

Sa pagsunod ko ay biglaang may nagbato sakin ng bilog.

shit smoke screen.

agad akong umalis dahil pweseng may lason yun at pwede ring makaapekto sakin yun. Hindi natin alam at tama nga ako isa itong kulay berdeng usok at pagkatapos ng ilang sigundo ay umapoy ito.

Hindi lang pala ako ang scientist dito. Kung sino ka man hahanapin kita.

Pinagpag ko ang skirt ko at akmang hahakbang na ng biglaang may tumapik sakin.

Paglingon ko ay mukha ng pres. Ang nakita ko.

"Lumayo ka sa ciefer na yun" yun lang ang sinabi niya at umalis siya.

Napalingon naman ako sa taas na tila nag-iisip

"Ba... asan na yun?" Kanina nandito lang yun ah.

Makaalis na nga ako pero hinihila ako ng curousity ko sa kung saan siya pumunta. Pero mas pinili kong lisanin nalang ang lugar na yun.

Naglalakad ako ng may nabangga akong nagmamadaling tao.

At akmang matutumba na ako ng sinalo ako nito.

"Ate mag-iingat ka" at binitawan niya na ako.

C. Bakit lahat kayo winawarningan ako? May alam ba kayo dito na hindi ko alam?

Pansin ko lang may mga blue crest ang ssg officers.

Bakit kaya?

Umalis na ako sa lugar na yun at naglakad na papuntang lab. Meron kasi kaming experiment ngayon and hindi ko alam kung anong klase ng experiment ang gagawin namin.

Pagpasok ko sa loob ay walang katao tao.

Pero may nakalagay na code sa taas ng white board na sa tingin ko ay napaglipasan na ng panahon at napahanga ako dahil maganda ang kalidad ng pinturang ginamit. Di pa kasi siya nabubura hanggang ngayon

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon