CHAPTER 28

96 7 0
                                    

NATHAN's POV

Naging tao siyang... walang mata. Lalake siya base sa pangangatawan. Tone musceled siya. Wala siyang saplot. Nakahalf open ang bibig. Dun naman sa mata natakot ako dahil wala talaga yung mata niya

As in na yung paglalagyan sana ng mata niya ay nakacurve lang. Anong... anong meron sa matang yun na sinira ko.

Gumagalaw ang bibig niya pero wala akong maintindihan puro lang siya ungol. At tango.

Tinignan ko ang katabi kong night hunter. Tumango tango siya at may sinasabi ring paungol ang salita nila.

Nagpalingon lingon ako sakanila. Ano to mga villager sa minecraft?

Maya maya lang lumapit sakin yung night hunter lumayo naman ako at napaatras ng nalimutan kong nasa puno pala ako kaya muntikan nakong mahulog.

Pero hinawakan ako ng night hunter. At walang kahirap hirap na inilapag ulit sa sanga.

Inamoy ako ng night hunter. Tas tumango tango siya dun sa mukhang bago nilang myembro. At inamoy amoy din ako.Umungol siya na parang wolf.

At maya maya lang may narinig akong mga yabag. N-napakarami nila.

Isa isa nila akong inamoy.

At tumango tango sila. At sabay sabay na umungol.

W-what's happening?

THIRD PERSON's POV

Nagkakagulo ang mga guro. At hindi mapalagay sa kani kanilang pwesto.

"May bago na"

"Hinde hindi to maari. Hindi pwedeng sa masama mapupunta ang night hunters."

"Pano kung di naman siya masama?"

"Di tayo pwedeng magpakampante. Sila nalang ang tangi nating pag-asa. Dapat tayo ang may kontrol sakanila."

Ang pinakapuno ng mga guro ay napatampal ng malakas sa mesa na nagpalingon sa lahat ng guro sa loob ng silid

"Our enemy already unleashed his failure experiments. Kelangan na nating mahanap ang principal sa madaling panahon. Bago pa dumating ang the great hunters day"

Tumayo naman ang isang gurong naglakas ng loob na magsabi ng opinion

"We passed the great hunters day in the past years. Bakit di natin yun magagawa ngayon?"

Umiling iling ang punong guro

"Kung noon ay nakayanan nating malampasan ang buong araw na walang kagalos galos dahil sa proteksyon ng principal. Oo palihim niya tayong pinoprotektahan. Pero dahil may traydor sa loob ng silid na ito. Ay nahinto ang pagprotekta niya satin. Kaya wala tayong magagawa kundi ang protektahan ang akademyang ito." Ng may napapitik

"What if lumabas nalang tayo at umalis sa lugar na ito?" Tumango tango silang lahat

"Naalala niyo pa ba si prof kier?" Tanong ng punong guro

"Oo balita ko nasa ibang bansa na siya at nagtuturo doon at.."

Pinutol ito ng punong guro

"Lahat ng nakalap niyo ay pawang kasinungalingan lahat. Kitang kita ko. Ang pagsabog ng katawan niya pagkatapak niya sa labas ng gate." Natahimik ang lahat ng guro sa silid

"K-kung ganun bakit di mo ito sinabi saamin?" Sabi ng isang gurong nagsisimula nang matakot

"Dahil alam kong magpapanic kayo at kapag sinabi ko yun ay baka pati kayo ay mamatay. Mautak ang taong gumawa ng palaro. Naalala niyo yung oras na may pinainom siya satin? Isa pala iyong bomba na kung lumampas ka sa academy ay biglaan kang sasabog" nagulantang ang lahat.

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon