Nagising ako sa isang madilim na lugar, teka nasaan ako? Nagkukumawag ako para matanggal ang tali sa kamay ko. Naramdaman ko ang paglipad ko sa ere na tila itinapon ako.
Napaubo ako dahil sa sakit ng pagkabagsak ko. Nagpagulong gulong ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil bukod sa nakatali ako ay nasa madilim na lugar ako.
Kahit papaano'y natigil ako sa pag gulong.
Dahil sa sakit at pag-aalala ay nakatulog ako sa madilim na lugar na aking kinalalagyan. Nagising ako sa ilaw na sumisilaw saaking mata.
Nanlaki ang aking mga mata at hindi nakakilos sa isang taong nakatingin saakin. May takip siya sa mukha at nakasuot ng damit na may mahabang manggas. Meron ring putik sa kamay niya.
"KUYA, ASAN BA TOLAY KANYAW"
/kuya may tao rito/"BEJAN NA?"
/saan?/Nakatulala lang ako sakanila. Papano na nga ba magsalita? Unti unting dumami ang taong nakatingin saakin. Ng may likidong dumaloy sa mata ko hinawakan ko ito at dugo ko pala iyon.
"AY AAFU, INGKAYU AKULAN NE AMBULANSIYA NGIN!!! MATMATAY YA TOLAYIN OH!!!"
/jusku, tumawag na kayo ng ambulansiya. Mamatay na ang tao oh/Unti-unting nanlalabo ang mga mata ko. "Iha okay kalang?"
"Abbe ma i lola nge agasinan mu nga nadaha ulu na oh."
/si lola naman, nakita mo na ngang dinudugo ulo niya oh/"Be angkachaw nga abbing ta iladit ku ya alingang mu. Pilosopo ka nga abbing ah"
/halika ritong bata ka at kurutin ko yang singit mo. Pilosopo kang bata ka ah./"Awan la busid ku la eh abbe ma ya... LOLA JOKE KU LA NAY!"
/Wala yun la biro ko lang yun lola ano ba naman ya... LOLA JOKE KO LANG YUN!/nakita ko kung papano nanakbo yung lalakeng nakakita saakin kanina. Saktong pagkapingot ng matanda sa tainga niya ay sakto namang pagkawala ng malay ko.
Nagising ako sa ospital.
"O napya ta nalukag ka pay yin. "
/o mabuti naman at nagising kana/Nangunot ang noo ko sa sinabi ng lalakeng nasa harapan ko
Binatukan naman siya ng kasama niyang babae
"Dambel ka, agasinan mu nga mari na ammu ya mahitawit eh itawitan mu, talping ka nga talaga"
/bobo ka, kita mo na nga lang na di niya alam magitawes eh nagsasalita ka pa sa salitang itawes, baliw ka talaga/"Pasensiya pre, gwapo laman"
/pasensiya pre gwapo lang/Akmang babatukan nanaman ng isa itong nasa harapan ko pero umiwas na siya
"Isa peba par makatamtam ka so chakanin..."
/isa pa pre, makakatikim ka mamaya sakin.../Nangunot na ng husto ang noo ko dahil bukod sa di ako makapagsalita eh diko naman maintindihan pinagsasasabi ng mga taong to.
"Kan hanna par?"
/Ng ano pre?/Nanlaki ang mata ko nung malanding sinabi iyon ng kasama nung lalaking nasa harap ko.
May pakagat labi pa ah. Akmang susuntukin sana ito ng lalakeng nasa harapan ko ng nagtatatakbo ito.
Parang tanga namang inayos ng lalakeng nasa harapan ko ang buhok niya.
"Ahm hi miss, magandang umaga ano nga pala ang pangalan mo?" Nakatingin lang ako sakaniya.
Bumubuka ang bibig ko kaso hindi ko alam magsalita.
Natigilan ako. Sino ako?
"Miss?"
Napatulala ako at nakanganga padin
"Miss alam kong gwapo ako pero wag naman ganiyan miss. Nakakaoverwheel, overwell, basta nakakaproud".
Natawa ako sa sinabi niya
"Hala pati ba naman pagtawa nakasilent? Siguro pag umutut ka nagvavibrate lang" diko maiwasang matawa sa payasong to.
"Anyway highway ako nga pala si Sevi Rosante pero you can call me baby😘👌"
Napangiti naman ako sa tinuran niya.
Lumipas ang isang buwan at marunong nako sa mga basic things na dapat matutunan. Salamat kay Sevi at tinuruan niya ako sa madaming bagay.
Nandito ako sa library at nagbabasa. Sa tantiya ko ay nasa 18 na ang edad ko. Magtatake ako ng ALS para deretso na akong magsenior high school.
Luma man ang silid-aralang ito ay napakarami ko namang natutunan rito.
Naglakad nako papauwi dahil papahapon na ng may makita akong flashlight na sira sa gilid. Hindi ko alam kung bakit pinulit ko ang mga iyon at kinuha ko papunta sa bahay.
Simple lang ang bahay nila Sevi meron silang limang kwarto at dalawang palapag na bahay.
Ang nanay ni Sevi ay isang doctor samantalang ang nanay naman niya ay isang Engineer. Tumutulong si Sevi sa pagsasaka ng kanilang palayan na ipinamana pa ng lola niya.
"Magandang hapon lola"
Ngumiti naman si lola
"O ikaw pala iyan Alice. Ano iyang dala mo?" Napalingon naman ako sa itinuro niya. Ah sirang flashlight lamang po. Tumango si lola at itinuloy niya ang panonood ng drama habang nagbuburda.
Pumunta ako sa kwartong ibinigay nila saakin.
Lahat ng kwarto sa bahay nila Sevi ay may sari sariling banyo kaya dina kaylangang lumabas kapag natatae sa gabi.
Agad kong hinugasan ang sirang flashlight na napulot ko.
Pagkatapos ay pinatuyo ko ito at pinagbabaklas ang lahat ng parts nito.
Kinuha ko ang karton na pinagtaguan ko ng mga bagay na naipon ko sa isang buwan. At nilagay ang mga parts ng flashlight duon.
Kusang gumalaw ang mga kamay ko, kung ano ano ang mga pinagdidikit at pinagpuputol ko. Para bang sanay na ang mga kamay ko sa gawaing ito. At nakagawa ako ng isang kakaibang baril.
Napabuntong hininga ako pagkatapos ko marealize na nakagawa pala ako ng isang baril. Sino ba talaga ako? Ano ba talaga ang tunay kong katauhan? Bakit halos wala akong matandaan?
Hawak hawak ko ang baril na nagawa ko sa kamay ko. Habang pinagmamasdan ito ay bigla nalang nagflash sa ala ala ko ang isang matandang lalake na nagbura ng ala ala ko.
Sino kaba talaga? Kinasa ko ang baril at umaktong pinutok ito sa salamin.
"Bang" mahina kong usal. O em jie ang cool ko down huh.
Napawi ang ngiti ko ng napaisip ulit ako. I need my memories. Iisa lang ang solusyong naiisip ko yun ay ang I will find my lost memories.
-------Ang title po ng book 2 ay Finding My Lost Memories. Sana supportahan niyo padin po ako😘👌.
BINABASA MO ANG
Toxic academy
RandomWelcome. In the school full of toxic people Full of delinquents,Full of bad asses people,sluts,whores,traitors,gold diggers,bitches, full of gangsters,full of secrets, and full of danger. Beware, stay silent,be safe, and hide everytime the music pla...