CHAPTER 27

100 6 0
                                    

NATHAN's POV

At bumukas ito.

"Oh miss collins. Bat ka napunta dito?" Tinry kong silipin ang loob ng faculty room pero mukhang nahulaan ito ni ma'am(teacher namin sa science) at tinakpan ang konting spaces para di ko makita ang loob

"Uhm tanong ko lang po. San kopo pedeng itest ang weapons ko?"

"Ano bang klaseng weapon?" Tila tinatamad na sabi ni ma'am

"Bomba ma'am" biglaan siyang naalerto.Napalingon lingon siya sa paligid

"Sure kaba? Naitetest mo pa yan?" Tumango tango ako

"Iisang lugar lang ang pwede mong pagtestan jan. Dun sa hunters' territory" napalingon ako sa gubat

"Saan yun ma'am?"

para naman siyang natetense na ewan

"Di na talaga magbabago ang isip mo?" Tumango ako

Napabuntong hininga siya

"Basta pag may mangyaring masama sayo di ko kasalanan yun ha? Basta pag may narinig kang kaluskos agad kang umakyat sa puno at dun kana dumaan magkakadikit naman ang mga puno jan. Alam kong kaya mong tumalon talon dun." Tumango tango ako

"May makikita jang open space doon na walang halaman. Iwasan mong makasunog dun kung hinde magagalit ang day hunters at baka mapasugod sila sa skwelahan ng wala sa oras."
Tumango tango ako at excited na pumunta sa entrance ng gubat.

May mga sangkatutak na warning signs sa bungad ng gubat. Tutuloy paba ako?

Well para to sa bomba ko.

Pumasok na ako sa gubat. At hinanap ang sinasabing walang kadamo damong lugar.

At nahanap ko ito. Agaran kong ibinato doon yung bomba sa gitna at agad akong umakyat. Alam kong pagkasabog niyan ay magkakaroon na ng gulo.

Isang matinis na tunog ang lumukob sa lugar. Ganung bomba ang ginawa ko ang magpapasakit ng tenga ng kung sinong hindi handa.

Pagkatapos ay umusok ito at sumabog.

Sapat lang para sumabog ang nakaapak dito. Pero since wala mahina lang ang pagsabog na nangyare kumbaga parang paputok lang yun pero malakas ang pagsabog na nangyare

Inobserbahan ko ang buong paligid.

Papalubog na ang araw. Shit. Night hunters.

Tinignan ko ang buong paligid pero wala akong nakitang kung sino.

Sa di kalayuan may nakita akong.... ano yun? Tinalasan ko ang mata ko pero dahil sa papadilim na papadilim na din ang gubat.

Tinignan ko ng mabuti. May naaaninag akong bulto.

Ano yan? Napangiwi ako.

Lumapit siya ng konte sa pwesto na di kalayuan sakin. Yun yung pwesto na sumabog na hanggang ngayon ay may usok usok pa.

Natigalgal ako sa nakita ko.

Isang taong may ulo ng isang buwaya. At ang paa niya ay paa ng leon. At kapansin pansin ang mga sinulid sa mga pagitan ng ulo at leeg. Mukhang tinahi ito.

Napagtagpi tagpi ko na kung ano ang mga ito. Sila ang mga taong pinageexperimentuhan. Ang great hunters.

Maya maya lang nagulat ako dahil tumilapon ang ulo niya. Pero napamulagat ako ng yung ulo na tumilapon ay unti unting nagreregenerate. At ito ay nagkaroon ng paa. At sumugod.

Di ko alam kung matatawa ako o matatakot. Ulo lang tas paa. Na walang katawan. Pero ng ngumanga ito ay nagulat ako dahil napakalawak ng bibig nito.

Tumingin ako dun sa sinusugod niya. Kauri rin niya ito. Pero iba ang itsura. May ulo ito na tulad ng tao. Katawan ng ahas. At ang kamay ay sungay ng kalabaw wala siyang paa tanging buntot lang ang meron siya. Naglaban silang dalawa.

Kinusot kusot ko ang mata ko. This is not happening, anong klaseng pageexperimento ang nangyare sa mga taong to.

Kinagat ng buwaya ang buntot ng ahas. Napahiyaw naman ang ahas. P-pero... walang tunog. Pati ang paglalaban nila tanging ang pagsasangga lang ang naririnig ko.

Nagulat ako dahil nagregenerate ang buwaya at nagkaroon na ito ng katawan. Pero ahas na ito. A-anong

Tumilapon ang hati ng ulo nilang dalawa.

At nagulat ako ng ito ay isang night hunter pano ko nalaman? Dahil sa takip nito sa mukha.

Gumagalaw galaw oa ang katawan ng dalawa pero pinuntirya ng night hunter ang mata nila at di na sila nakagalaw.

Lumingon ako sa paa niya.

Hanggang sa umalis na siya. Naghintay ako ng sampung minuto at dahan dahang naglakad papunta dun sa great hunters. Buti nalang lagi akong handa.

Sinuot ko ang gwantes na nasa bulsa ko at dinukot ang mata ng dalawa.

I need to examine it.

Nilagay ko ito sa supot na pinaglagyanan ko ng gloves ko.

Sinecure ko muna ito bago muling umakyat.

Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng may malamig na hanging ang paparating sa doreksyon ko iniwasan ko ito. At nakita kong isa itong... dagger.

Napalingon ako sa likod ko shit. A night hunter.

Agaran akong umakyat

At lumipat ng puno.

Kita ko ang pagside ng mukha niya. Shit ginagamit niya ang sense of hearing niya. Tumakbo na siya papunta sa peesto ko at aakyat na agad akong lumipat ng puno. Nakasunod siya sakin.

Ng huminto ako, huminto din siya.

Pinapakiramdaman ang paligid pumutol ako ng isang sanga at napalingon siya sa pwesto ko

Agad akong naglambitin.

At napabuntong hininga ng hindi niya naapakan ang dalawa kong binti.

Nakikiramdam siya hindi naman ako gumalaw.

May nakita akong sanga sa ibaba ko.

Dahan dahan kong ginalaw ang kamay ko at itinapat sa sangang katabi lang ng puno na kinalalagyan naming dalawa

Hinulog ko ito at napalingon siya dun at tumalon pababa.

Feel ko napunta lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Nagpahinga muna ako ng konti at nagputol muli ng sanga. Pero nagkamali ako dahil narinig niya at mukhang napagtanto niyang decoy ko lang yun.

Nagpatuloy ang paghahabulan namin.

Ng biglaan akong nadulas sa next step ko, shit may malapot akong naapakan.

Nasabit ako sa sanga. Sa baba. Napahinto siya. Ng biglaang may humila sakanya.

I-isang... isang great hunter. Nagpupupumiglas siya.

G-gusto ko suyang tulungan

Flashback

Mas mabuting manahimik nalang kayo, at hayaang ang mga night hunters ang pumatay sa kanila dahil ang mga night hunters ay walang sinasanto at walang kinakampihan

Flashback ends

No.. papatunayan kong kaya ko silang kontrolin.

Nilabas ko ang dagger ko at umakyat pataas inaim ko ang mata ng great hunter.

At sinalo yung night hunter. Kumapit siya saakin at inangat ang sarili nahirapan naman ako dahil mabigat siya.

Pagkalingon ko dun sa great hunter. Ay nagult ako sa nakita ko naging isa siyang....

TO BE CONTINUED

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon