Nathan's POV
"Ate ate, asan po yung building ng mga senior high schools?" Napalingon ako sa isang grade 7.
Ang liit niya kase eh.
"Uhm doon. Matanong ko lang anong grade kana?" Ngumiti siya saakin at nagsalita
"Grade 10 na po ako ate" muntikan ko nang nabitawan ang hawak hawak kong ballpen. Ang liit niya para sa grade 10
Pero pansin ko sa pag ngiti niya may iba. Napalingon ako sa kamay niya at may nakita akong dagger. Napatayo na ako ng tuwid. I'm still a queen here.
"Anong gagawin mo sa senior high school building?" Seryoso kong saad.
Lumapit siya saakin. "Ate may papatahimikin lang ako saglit eh"sabay ngumiti siya ng nakakakilabot.
"Yung prize" sabay tutok niya sakin ng dagger. Napamura ako ng wala sa oras.
Iwinasiwas niya ang dagger. Base sa bilis ng kanyang kamay at paa. Masasabi kong bihasa na siya. Pero kung bihasa na siya pwes mas bihasa ako.
Paatras ako ng paatras. Papano ko na malalaman ang hystory ng school na to. Tuwing binabalak ko iyong basahin lagi nalang nagkakaganito.
"Ate wag ka nang makulit. Magpahuli kana ate hihihihi" sabay umikot siya at muling amba saakin. Ako naman nakapamulsa habang umiiwas.
Para kasi mabalanse ko ang katawan ko,hindi para maging cool tss
"Sige" huminto ako na ikinagulat niya. Natumba siya sa harapan ko.
At naramdaman ko ang hapdi sa hita ko. Konting daplis lang yun. Mas malala pa ang natamo ko nun makaakyat lang sa bundok na yun.
"A-ate s-sorry." Naiiyak niyang turan. Mukhang hindi niya kaya ang ipinapagawa sakanya.
Umupo ako. At nagpantay kami. Kinuha ko ang dagger sa kamay niya at tinamaan ang taong kanina pa nagmamasid saamin.
"Ahhhhh" napahiyaw ito at base sa kanyang boses isa itong babae.
"Bakit mo yun ginawa?" Sabi ko sakanya
"K-kasi ate... kapag daw napatay kita mapupunta daw ako sa gang nila kuya. Matagal ko na yung pinangarap ate." Umiyak siya ng umiyak.
Tumayo ako
"Tumayo ka jan." Tumayo naman siya. Mukhang kaylangan ko ng titingin tingin sa mga juniors.
"Kilala ko si queen." Napalaki ang kanyang mata.
"T-talaga ate?" Tumango ako sabay may ibinulong ako sakanyang mas nagpalaki ng kanyang mata. Sabay ngisi saakin.
Ngumisi din ako at may ibinigay akong earings sakanya. Yung earings na yun ay parang cellphone. Yun nga lang two way communication siya di mo na kaylangang pindutin o ano.
Tumalikod na ako
"Aasahan ko ang updates mo" lumayo na siya at sinabing
"Opo kamahalan" napangisi ako. Iisa palamang ang nakakaalam na ako ang queen. At alam kong mapagkakatiwalaan siya.
Gusto niyo bang malaman ang aking mga sinabi kay Shiona? Simple lang naman.
Sinabi ko lang na ako ang reyna at siya ang aking kanang kamay na mamumuno sa mga juniors, at isusumbong niya ang mga juniors na pasaway. Grade 11 na kasi ako eh.
Naglakad na ako. Sinabi ko kay Shiona ang aking numero at unbelievably namemorize niya yun. I think magagamit ko siya soon. Matalino siya at may photographic memory.
BINABASA MO ANG
Toxic academy
RandomWelcome. In the school full of toxic people Full of delinquents,Full of bad asses people,sluts,whores,traitors,gold diggers,bitches, full of gangsters,full of secrets, and full of danger. Beware, stay silent,be safe, and hide everytime the music pla...