CHAAPTER 48

83 8 0
                                    

Nathan's POV

May kung sinong humila saakin.

Hindi ko kilala kung sino sa dilim ang humablot saakin. Kumuha ako ng kung anong bagay ang mahawakan ko at mabilisang ipinalit duon sa may hawak saakin

Agad kong pinindot ang voice changer ko at umilaw ng kulay pula ang eyeglass ko di kalayuan saakin tumakbo ako at paislide na kinuha yun sabay pindot sa pindutan na nasa gitna ng eyeglasses.

Saka tumingin sa pinanggalingan ko.

Nagtaka ako dahil... yung humila saakin ay si... NAC?

Dahan-dahan akong sumunod sakaniya hanggang sa papunta kami sa parte ng liwanag.

Tinanggal ko ang night vision ng eyeglasses ko at maingat na sumunod kay NAC. Nakakataka lang na di niya ako maramdaman.

Napanganga ako ng napakaraming kulay berdeng itlog ang nakapalibot sa lugar. Pero nahagip ng mata ko ang isang papel sa pinakadulo ng kwartong yun.

Agad akong tumakbo at napapatingin tingin sa mga itlog. Nagkibit balikat nalang ako.

Sabay tumakbo ako saka kinuha ang missing piece. Nilagay ko ito sa bulsa ng pantalon ko na merong zipper.

Tumakbo ako palabas ngunit sinundan ako ni NAC, shit no! Agaran kong inon ang night vision ko.

Tumakbo ako since maze ang napuntahan ko di ko na alam kung saan ako papunta. Buti nalang naaalala kong magdala ng drone.

Itinapon ko yun sa taas saka ginamit ang eyeglasses. Ayun! Naituro nito saakin kung saan ang daan palabas.

Malapit na ako sa daanan palabas ng may napansin ako sa gilid ko.

Lumapit ako dito at nakita ko si Cad na nakayuko sa gilid. Lalapitan ko na sana siya ng makita ko si NAC sa di kalayuan.

Papalapit nako sa lagusan ng biglang nawala ang mapa sa vision ko. Di ko na alam kung saan ako pupunta dahil tatlong daanan ito

"Wa.la.ka.nang.ta.kas.na.than" boses robot na sinabi nito.

Pero wala akong pakealam. Agad akong tumakbo sa gitna. Luckyly tama ang napuntahan ko dahil sa bumungad saakin ang hagdan pero malapit nako sa surface ng makita ko ang dagsa dagsang taong tila zombie na lumlapit saakin.

Nakatulala sila sabay sinasabing hulihin siya. Paulit-ulit yung word na hulihin siya.

No choice. Sinipa ko at pinagulong lahat ng lumalapit saakin. .

Hanggang sa nakalabas na ako.Nakakataka lang dahil hindi na sila lumagpas sa mismong pintuan ng pader hanggang sa unti-unting nagcoclose ang pinto ay siyang pagtambad ni NAC na nakangiti ng nakakaloko saakin.

Agad akong pumunta sa CR ng boys at nagtanggal ng wig saka pumunta sa dorm ng girls.

Pagkalabas ko ng CR ng girls ay napakatahimik ng pasilyo. May mali. Alam kong may mali at ramdam na ramdam ko yun.

May klase pala ngayon pero... ganitong oras?

Time checked 4:52 pm

Ganitong oras maingay na sa baba at nagchichismisan ang mga kakabihan. Bakit tila tumahimik ang pasilyo.

Dumaan ako dun sa lihim na lagusan papunta sa aking silid.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng nasa tapat nako ng kwarto ko.

Wala akong presensiyang nararamdaman sa loob ng aking silid. Pero rinig ko ang mumunting bulungan at yapak na nasa likod ng pintuan ko.

Kumuha ako ng wig and another sets of gadgets saka nilagay sa bag.

Kaylangan kong makapunta sa puno para ilagay ang missing piece

Binuksan ko ang bintana akmang tatalon na ako ng biglaang may nanghila saakin.

May naamoy akong kemikal saka ako nakatulog

JAY-AR's POV

Natahimik kaming dalawa ni Carl ng nawawala si Nathan.

Mukhang mag-isa siyang nakapunta sa Maze!

"Let's find Niel/let's go to the Maze!" Sabay naming nasabi.

"Let's go then."

Ng pagkatapak namin sa loob ng underground ay nagtaka ako sa katahimikang idinulot nun.

Anong meron? Bakit napakatahimik yata?

Dati kasi pagkatapak mo palang sa underground ay rinig na rinig mo ang napakalakas na hiyawan ng mga studyanteng nasa loob.

"Bakit parang wala akong marinig na ingay wala bang laban ngayon?" Tanong ni Carl

"Hindi mauubusan ng laban ang arena dahil kakaumpisa palang ng isang laban may limang nakaabang na agad na susunod na lalaban"

"I think there's something wrong in this place" sabi ni Carlo

"Yeah I think so."

"I think we should get started."

Gamit ang flashlight ay nagpatuloy kami sa paglalakad ng makakita kami ng nagkukumpulang tao sa gilid.

"Hey what's that?" Nagkibit balikat ako dahan-dahan kaming lumapit at nakita naming ang kanilang tinitignan ay isang lubid.

Lubid? Para saan yun?

Sinenyasan kong aalis na kami pero napahinto ako sa pagseniyas ng di ko na mahanap si Carlo.

Dahan-dahan akong umatras saka nagtatakbo. Napansin ako ng isa sakanila saka nila ako hinabol.

Pabilis ng pabilis ang pagbaba ko sa hagdan ng may nakita akong skateboard

saka ko na iisipin kung bakit may skateboard sa gilid ang importante ngayon ay gagamitin ko to para makataksas.

Pero since walang break ang skate board at di ko alam kung papano yun ihinto ay tumilapon ako at naiuntog ko ang ulo ko sa sahig.

Napakurap kurap ako at namimigat ang aking mga talukap pero bago ako mawalan ng malay ay ramdam ko ang paghila saakin. Ng taong tinawag ni Niel ng NAC

C's POV

Kita kong libang na libang si Jay-R sa panunood ng ginagawa ng mga tao.

Ng napukaw ng isang silid ang mata ko.

Ngayon ko lamang itong nakita.

Tila opisina siyang dinaanan ng bagyo.

Nilibot ko ang paningin ko at puro nagkalat na libro ang nasa sahig.

May iba't ibang maskara ang nasa dingding

Sa lamesa nama'y punong-puno ng mga papeles. May isang papeles ang nalagyan ng kumalat na ink.

May nakalagay roong Principal X tapos ang kasunod na mga letra ng pangalan ng principal ay natatakpan na ng kulay itim na tinta

Nagulat ako ng tumambad saakin ang isang ulo ng usa. Kaya agad akong napaatras sa takot na baka matusok ako ng sungay nito, sa kakatras ko meron akong nagalaw na libro kaya natumba ako at napunta ako sa isang silid.

Teka. Ito yung picture frame na nasa puno ah.

May Principal X din to na nailagay sa baba ng frame kaso ng mailawan ko ito ay dun ko napagtanong merong kasunod na mga salita at ang nakalagay ay

Principal X's enemy.

Shit I need to warn Alex.

Pero pagkalabas ko ay bumungad saakin Si NAC

Agad kong kinonekta ang contact lense na gamit ko sa eyeglasses ni Alex saka pinicturan ang nakita ko saka zinoom.

"Ma.da.mi.ka.nang.na.la.la.man.    Kay.la.ngan.mong.ma.pa.tu.log.mu.na" nanlaban ako pero nawala lahat ng lakas ko ng maramdaman kong may dart na tumama sa leeg ko.

Bago ako tuluyang nawalan ng malay ay nakapagsend pa ako ng text message kay Alex at kita kong hinila niya ang paa ko at alam kong idadala niya ako sa lugar na di ko makikita si Alex.

TO BE CONTINUED...

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon