CHAPTER 31

107 7 0
                                    

NATHAN's POV

Napalingon ako sa isang banda ng gubat at agarang tumakbo.

I whistled. At tumalima na ang mga kulay itim sa gubat at nagsikalat na. May paparating.

Napahinto ako. I-isang tao. Ano siya? Pero yung mata niya. Ganun din na katulad ng isang night hunters. Gumegewang gewang siya. Hindi siya madetect ng ibang night hunters dahil hindi ito agresibo.

Ng napalapit ako sakanya ay hindi ako makagalaw.

Wala siyang saplot at wala din siyang kasarian. K-kamukha siya ni ciefer.

Ng nakalapit na siya saakin ay biglaan siyang huminto. Ganun din ako ng agresibo siyang tumakbo sa direksyon ko. Pinatamaan ko ang dalawa niyang mata pero di padin siya tumitigil.

Tumalon ako sa isang puno. At ganun din ang ginawa niya.

Mukhang kakaylanganin kong tanggalin ang mata niya. Ng tuluyan. Inasinta ko ito ulit pero halos mabitawan ko ang hawak ko ng lumapit siya sakin at pinatitigan ako ng napakatagal.

Ang kulay asul niyang mata ay unti-unting nagiging kulay rosas. At biglaan niya akong binuhat.

At nagpatianod nalang ako sa kung saan niya ako gustong idala.

Mukhang sumugod na ang mga failure experiments. At parang hari nilang ituring ang taong bumubuhat saakin ngayon.

Dahil sa pagprotekta nila rito.

Idinala niya ako sa isang butas.

Kelangan kong makatakas kumalampag ako at nabitawan niya ako kumuha ako ng kahoy na nakita ko at ipinausot doon ang jacket na suot suot ko.

Huminto siya saglit at tinitigan ito.

At binuhat niya yung kahoy.

Sumusunod lamang ako sa pupuntahan niya at mayroong isang pataas na lagusan pagkarating namin doon ay tinignan ko ang likod ko. N-nasa labas kami ng gubat.

May nakita akong abandonadong ospital at papunta kami roon.

Nagtago ako ng may nakita akong taong umaali aligid. Pero hula ko'y isa itong robot. Sa itsura pa lamang ng kamay nito. Maya maya lang ay pinakawalan ang mga nilalang na hindi maintindihan ang mga itsura. Nagtakbuhan sila sa lagusang pinuntahan ko kanina.

Nacurious ako kung bakit di sila sa mismong daanan lumalabas nagbato ako ng bato dun at halos himatayin ako dahil sa kahit bato ay nakukuryente ng mga holograms na nadoon.

Kaya pala. Umalis na ako sa lugar na yun. At sinundan ang mga nilalang na di dapat makarating sa loob ng academy.

Inayos ko ang pagkakalagay ng maskara ko.

Binunot ko ang katanang nakasabit sa likuran ko. Pinaikot ikot ko iti sa kamay ko.

Hindi maaring matanggal ang mata nila ng basta basta mukhang nagupgrade na ang kanilang mga mata.

"Hmmpff hmp hmp"/patayin niyo sila

Sabi ko sa mga night hunters.

At naging madugo ang kabuuan ng gubat.

Nakakatawa mang sabihin pero ito na ang pinaka tahimik na paglalaban na nangyari sa buong kasaysayan. Tanging tunog lamang ng mga nahihiwang mga karne ang naririnig at ang pagwasiwas ng mga sandata namin.

As a queen I should protect our academy.

Pinagdikit ko ang mga katana ko at naging iisa nalang ito pinaikot ikot ko ito.

Para akong nagmamarjoret kulang nalng ang banda.

Tumatalon talon ako sabay paikot ng blade.

Pero sa isang banda may mga tumatakbong mga lalake na nakatakip ang mukha.

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon