CHAPTER 10

140 12 3
                                    

NATHAN's POV

Nakaupo nanaman ako at bored na bored na nagbabantay ng mga libro. Ano ba tong library na to parang useless. Wala namang studyanteng nagagawi dito. Kaya sa sobrang bored ko nagsususulat ako.

Next page

At ayun nabored nanaman ako kaya isinulat ko ulit ito. Kung sana may mga chiks na dumaan dito solve na sana ako psh. Kaso wala ni isa eh.

So lalake siya? Hindi siya babae? O baka naman tomboy siya? Arrrggghhhh ano ba talaga?

Inilipat ko sa susunod na page

Shit diary may natuklasan ako wala akong mapagsabihan kasi ayokong itaya ang buhay ko. At ayaw ko ding mawala bilang taga bantay dito kasi may nakita na akong napakainteresado. Pansin ko kasing iba ang itsura ng pinto ng mismong pinto ng library kaya ang ginawa ko tinry ko siyang ipantay at alam mo ba ang nangyare? May daanan akong nakita dito mismo sa kinatatayuan ko dito sa counter . Teka counter ba tawag dito? Aba basta sa pwesto ko. So ayun pumunta ako sa loob at alam mo ba ang nakita ko? Mga aramas. Ibat ibang armas, may mga gadgets din na sa tingin ko ay delikado. May mga bomba at kung ano ano pa. Ano ba talaga ang skwelahang ito? Ano ba tong skwelahang napadpadan ko? Napakaraming misteryo so ayun. Hinila ko ulit ng onti yung sa pintuan at bumalik sa dati ang daanan at naging semento. Kaya para makapunta ako lagi lagi sa loob ng walang nakakakita nilagyan ko siya ng floormat na malaki. At nilagyan ko ng lamesa. Para kunyare paglagyanan ko sa iba kong mga gamit. Weird pero kelangan dito na muna diary kasi may papasok na mga lalake. Magtatago muna ako.

Bakit niya kelangang magtago? Akala ko ba bantay siya! Eh bat siya magtatago? Atsaka sabi na nga ba eh mayroon talagang kakaiba dun sa pintuang yun. Kasi mukhang maayos naman yung kahoy at di naman naanay.

Kaya pinagpatuloy ko na ang pagbabasa

May nalaman ako diary. May mga studyanteng naglalagi dito tuwing hapon. At biglaan silang mawawala tas lilitaw nagugulat nga ako minsan eh. Kaya ayun naglibot libot ako at sa pinakadulo ng library nakita ko. Yung paglagyanan ng torch hinila ko ito. At bumungad ang isang kwarto sakin. Puno ng bote ng alak. Upos ng sigarilyo pero may nakita akong mga monitors. At nagpasalamat naman akong walang cctv dito sa library tanging sa fields lang. Inilibot ko ang paningin ko at alam mo ba ang nakita ko? Mga uniporme ng ibat ibang section at lahat ng yun ay may mga tatak sa baba ng kwelyo. Kakaiba ang simbolong nakaukit dito. Baril na parang sumbrero na ewan. Lalapit sana ako ng may narinig akong mga yabag kaya dali dali akong nagtago, at nagusap sila at nagtuturuan kung sino ang nagbukas ng pinto. At kitang kita ko ang mukha ng mga lalakeng studyante na nag-uusap. Mamaya nalang kakain pako eh hehe.

Agad kong inipipat sa susunod na pahina

Nagdaan ang mga araw at sa paglilibot libot ko sa library meron akong nahanap na isang chest. Pero di ko mahanap ang susi niya. Ang sabi dun sa note sa baba. Batong matigas at di mahanap hanap. Nasa tuktok ng kaalaman. At hindi ko talaga yun mahanap, ayun di ko nalang ginalaw pero may nakatago talaga dun eh..... meron na meron... pero haiissstt sige maglilinis na muna ako

Teka ambobo mo librarian kaba talaga?

Andun na nga yung clue o napakadali na nga lang oh, ang sabi sa tuktok ng kaalaman which means sa taas ng shelf kasi ang kaalaman ay nanggagaling sa libro. Pero. Teka nakakalito... sa shelf ba o sa mismong library? Mmmm i dunno nakaksakit ng ulo nakakasabog ng utak

Sinunod kong basahin ang next page

Kanina may natuklasan ako. May isang pinto sa loob ng secret room. At ang hinala ko nasa loob ng chest na yun ang susi. Ano ba ang meron dun? Pero alam mo ba habang naglilibot ako may nasagi ako at nahulog yung isang box. Pero may code kasi. At ang sabi ay the easiest one ang code niya. Ayun sinoli ko sa taas ng shelf well para maimagiin mo uhm nasa last ako sa 3rd row last 2 shelf andun yung chest

Pero kakaiba talaga yung susi niya, dito na muna may gagawin pako

Bobo tanga inutil. Ang easiest code ay ang 1234 kung 4 digits man yun.asan ba yang utak ng labrarian na yan? Psh

Guess what may nahanap akong isang daan. Bukas siya kaso nakatago. Kung di ko lang nahulog yung ballpen ko di ko pa ito makikita. Habang binabaybay ko yun ay may naririnig akong musika. Hinanap ko ito at ang daanang tinatahak ko ay nilalagyan ko ng sticky note. Palakas ng palakas ang tunog at napunta ako sa dulo. At sumilip ako. May nakita akong kwarto at nakita ko dun...

At nagulat ako kasi punit ang part nato shit. Bakit?

Tinignan ko ang next page at nagpapasalamat ako sa libraryan nato dahil di siya nagsusulat sa likod ng isang pahina.

Diary sinong pumunit sayo? Bakit ka napunit? Mukhang may nagbabasang iba sa diary ko. Kelangan ko nang magingat.

Tinignan ko ang ianag pahina at nagulat ako kasi alam kong di ito ang librarian

You should hide now or else your life will be in danger.

Biglaang tumaas ang balahibo ko. Shit may nagmamasid sakin pero saan?

Iclinose ko na muna ang diary.

At pinakiramdaman ang paligid.

Nawala na yung nakatngin sakin. So you mean. Naglilibot libot lang siya.

Inopen ko ang laptop ko at may nakita akong isang taong nagtitingin tingin sa mga rooms.

Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa

Diary? Nagsasalita ka? O my gosh. Salamat diary. Mukha nakong bakla nito. Kelangan ko ng tumakas. Isasama kita

Kung isiniama niya ito bakit nakita ko to?

Ikaw na nagbabasa salamat sa pagababsa sa diary ko. Alam kong hindi ka kalaban at minanmanan kita nathan. Alam kong matutulungan mo kami. Kaya please lang. Tulungan mo kami. Pumunta ka sa library. Kapag may time ka. May iniwan akong walkie talkie jan. Kelangan mo lang itong ilagay na mga numero

6758
9876
0985

I hope. You can solve this mystery

Libo my name is libo nice to meet you nathan

Sheyt.

Tumaas ang balahibo ko dun ah... ano ba tong libo nato? 1 thousand?

My gosh sa ngayon matutulog na muna ako kasi maaga pako bukas.

TO BE CONTINUED

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon