Nathan's POV
Muli akong nagbasa sa librong hawak ko habang kumakain ng sandwhich.
Nakatambay lang ako every lunch sa faculty room. Since kilala ako ng stuffs and janitors as a board member ay talagang welcome na welcome ako.
Ang kilala kase nilang principal ay yung matalik kong kaibigan. Mas madalas kasi siyang makita at higit na maotoridad ang awra kesa sakin. At isa pa hindi siya nakikihalu-bilo sa mga teachers.
Sa una, akala ko panig saakin si @@@@ ngunit inakala ko lamang pala iyon.
Kaniyang ipinatapon sa bansang japan ang ininhyerong si matsumoto sapagkat alam niyang isa siya sa magiging balakid upang ako ay pabagsakin.
Nakipag kasundo siya doon sa board member na gumawa ng laro at sinimulan na nila ang kanilang plano. Ngunit palihim akong tumutulong sa mga studyante.
Nalaman ko pang ang mga hunters ay mga studyante rin. Labis akong nasaktan sa palarong kanilang ginawa sapagkat ang aking studyante ay tinuring ko nang mga anak.
Nagpatuloy ang aking lihim na pagtulong sa mga studyante pati ang ilang mga guro. Ngunit nalaman ito ng aking kaibigan na si @@@@ at pinawala niya ang kapangyarihan ng mga guro sa mga studyante.
Alam ko. Alam kong ito na ang aking huling liham. Sapagkat kinabukasa'y mahuhuli ako at ikukulong kung saan mang lupalop.
Sasabihin ko saiyo kung papano mahanap ang *@&^#&*(author:this symbol indicates na di maintindihan ang naisulat ng principal) kinabukasan.
Ito pa ang bonus mo. Pwede mong iactivate ang the hunt day music if only if ikaw ang nasa dorm room 302 ang pinakagitna sa taas.
Try mong baliktarin ang iyong kama at may makikita kang pindutan doon. Pindutin mo iyon at pumili ka ng ilang oras para sa pagtugtog.
Yun lamang sa ngayon
Sa bawat pahina ng aking librong inilimbag ay may makikita kang mga pira pirasong mga papel ang mga papel na iyon ay mga piece at ilagay mo ito sa frame na nasa puno.
Siya ang *@&^#& * na dapat niyong malaman sapagkat napakadelikado kung hindi niyo malalaman kung sino ang inyong *@&^#&
Kaya mag-ingat at maging mapagmasid.
Signing off: Principal XNapakunot noo ako. Since dalawa ang dorms dito ibig sabihin.
Napalingon ako sa boys dorm. Isa sa inyo ang kalaban.
Hinanap ko ang aking wig at hoodie. Pinalitan ko din ang itsura ko sa pamamagitan ng make up ang galing talaga ng foundation at concealer.
Shet bat ampogi ko? Napasmirk nalang ako.
Di ko na kailangan pang ipractice ang paglakad ng lalake dahil ganun naman ako kung maglakad haha. Naglagay ako ng eyeglass na feel ko mas magpapacool saken.
Lumabas ako gamit ang bintana since bawal magpupunta ang mga lalake sa girls dorm. Ang weird naman kung lalabas ako ng kwarto ko at pupuntang boys dorm eh di pinaghinalaan nako nun.
Tumalon ako at pacool na pinagpag ang jacket ko. Since flat naman ako kaya no prob.yakang yaka ko to.
Naglakad na ako papunta dun sa boys dorm. Napapatingin ang ibang mga girls sakin
'Sino yan?'
'Baka isa yan sa mga boys na hindi lumalabas ng dorm?'
'Shet bat ampogi?'
'Akin na yan walang aagaw'Napasmirk nalang ako at napailing-iling. Pero teka. May ibang mga lalakeng hindi lumalabas?
Nagtaka naman ako, so mas marami pa akong hindi kilala? Well di naman kasi required ang pagpasok sa room nagsimula yun nung nawala ang principal.
Ngayong araw pala ang katapusan ng buwan. May kulot na lalake ang lumabas sa dorm. Napatigil ako. Saan iyon pupunta?
Isinawalang bahala ko nalang yun at tuluyang pumunta sa dorm. Nakita kong lumihis siya papunta dun sa hallway.
Tinignan ko muna ang building bago pumasok.
Kakaibang amoy ang agad na bumungad saakin sa first floor. Ang babaho naman ng mga lalakeng ito. Naglakad lang ako at dumeretso sa hagdan.
Ayokong makipag-siksikan sa mga lalakeng mababaho.
Sa second floor naman ay scent of lavander ang naamoy ko. Ano bang meron sa bawat floors?
Sa 3rd floor naman ay wala akong naamoy na kung ano. Parang walang nakatira dito. Pagkatapak ko sa isang room nalaman kong meron pero napakatahimik nila.
Naglakad ako hanggang sa tumapat nako sa 302. Sino ang may-ari nito? Pipihitin ko na sana ito ng may humawak ng balikat ko.
"Anong ginagawa mo jan?" Hindi ko siya nilingon at muling pinihit ang doorknob. Nabuksan ko na yun at akmang itutulak ng hinawakan ito nung lalakeng nasa likod ko at pinigilan ako.
Humarap ako sakaniya sa sobrang iritasyon.
Inon ko ang voice changer ko.
"Bakit bawal ba? Eh ito ang magiging kwarto ko eh" papasok sana ako ng muli niya nanaman akong pinigilan itinulak niya ako. Di naman ako nagpatinag at siya ang itinulak ko.
Sa wakas nabuksan ko na.
At ang bumungad saakin ay ang napakadaming kandila. Napakunot-noo ako.
Walang kalaman laman ang kwartong iyon except sa isang kama.
Vinideohan ko ito gamit ang eyeglasses ko. At pasimpleng nagdikit ng tatlong hidden cameras sa likuran ng pintuan at isang camera with audio sa part ng cabinet.
Pumasok na sa loob ang lalakeng ngayon ko lang nakita. Cold stare lang ang ibinigay ko sakniya
"Haiisssttt ano ba yan, lahat nalang ba ng nakatira dito sa 3rd floor mga cold????? Ano ba yan. Haissttt bawal ka dito dun ka nalang sa bakante dun sa 303 walang nakatira dun. Yan kasi kung san san ka siguro nagsususuot no? Kaya hanggang ngayon wala ka pang matutu... hoy wag kang bastos kinakausap pa kita!!!" Sinaraduhan ko na siya ng pinto kung sinuswerte ka nga naman oo.
Pumasok ako sa isang bakanteng kwarto.
Namalagi muna ako doon.
Nilagay ko ang headset ko at pinakinggan ang mga pinag-sasabi nila doon sa kabila. Pumikit ako na tila musika ang pinapakinggan ko sa headset na nakalagay sa tenga ko.
"Nabago ko na ang iskedyul ng hunters day kaya wag ka nang ano jan..."
"Bat bawal na bang magtanong ngayon?" So kasabwat yung lalakeng pumigil sakin kanina?
"May bagong pasok. Siguro namalagi siya sa kung saan saang lupalop" narinig ko ang kanilang mga yabag, at isinara ang pinto, so walang titira dun?
Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero nanatili lang akong nakapikit at kunware'y natutulog.
"Ito ang bagong salta? Papano yan nakapasok dito? Eh mukhang weak naman." Dinilat ko ng konti ang left kong mata since nasa right ko sila.
May inabot siyang apple doon sa kulot at mukhang ibabato ng kulot saakin yung apple.
Nakapikit na ako at pinakiramdaman ang paligid. Ng may naramdaman akong medyo malamig at narinig ang hangin na papalapit sa mukha ko ay agaran ko itong sinalo.
At dahan-sahang dumilat at lumingon sakanila. Walang kaeffort effort kong ibinato dun sa kulot ang apple and trust me guys di ko yun masyadong nilakasan pero sumabog yung apple nung natamaan ko ang ulo niya.
Nahilo ata yung kulot pero tumalikod na ako. Isa akong lalake at ang pagiging lalake ay maasahan mong mayroong napakalaking pride na ni hangin hindi mapapayuko.
Muli na akong natulog.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Toxic academy
RandomWelcome. In the school full of toxic people Full of delinquents,Full of bad asses people,sluts,whores,traitors,gold diggers,bitches, full of gangsters,full of secrets, and full of danger. Beware, stay silent,be safe, and hide everytime the music pla...