CHAPTER 37

84 7 0
                                    

Nathan's POV

Pag karating ko run sa puno nagtaka ako kasi wala si C

"C?"

Naglibot libot ako ng may napansin ako sa mesa. Binuhat ko yung maliit na mesang nandun sa baba ng painting.

At merong paisquare dun tinapakan ko ito at nagbukas ang pader sa tabi ng painting.

Madilim pero pagkaapak ko sa loob ay biglang nag ilaw ang mga torches. Wew. Astig. Pababa siyang hagdan.

Bumaba na ako pero di pako nakakapunta sa gitna ng may narinig akong ingay kaya dali dali akong bumalik at tinapakan muli yung square kaya bumalik yung pader sa dati

At pagkatapos nun ay isinauli ko sa dating pwesto yung mesa. At sakto namang pumasok si C

"Oh himala napadalaw ka?" Cold niyang sambit. Anong ginawa ko?

"May problema ba?" Sabay lapit sakanya

"Oo meron" at lumakad siya palayo saakin

"Sabihin mo sakin." Di siya umiimik. Naasar na ako sakanya kung nababadtrip siya sa ssg wag niyang dalhin dito.

"May problema ba sakin ha?!?" Tinignan niya ako ng galit na galit never in my life na nakita kong ganyan siya magalit

"Oo alex napakalaki ng problemang naidulot mo" galit nga siya di na A ang tawag niya sakin.

"A-ano?" Tinulak niya ako at napaupo ako sa sofa

"Umupo ka ata sasabihin ko sayo yung mga problemang ginawa mo!" Napasabunot siya sa noo. Sige isipin mo, charot. Nangunot ng husto ang noo niya at napasabunot siya sa buhok niya.

"Alex. Isa ka nang prize! Alam mo ba kung anong mangyayari sayo? Diba't kabilin bilinan ni tanda na wag mong ipapakita ang natutunan mo sa ibang tao? Papano kung biglaan niyang malaman na..." nagtaka na ako

"Na ano? " umiwas siya ng tingin. At iniba ang usapan.

"Isa ka nang prize. And magaganap ang the snatch one of this days. Mag ingat ka dahil pinagiinitan ka ng lahat. Last time na nagkaroon ng prize. Muntikan na siyang mamatay dahil halos lahat ng studyante ay may pribilehiyong patumbahin siya. At kapag nangyari yun mapapalitan ang prize at walang the snatch na magaganap dahil mag iiba na ang prize. Yung nagpatumba sayo ang aagaw sa posisyon mo as prize at ito pa mismong prize na ang magdedesisyon kung sino ang kanyang gang na mapupuntahan. Kaya mag-ingat ka at wag mong hahayaang mahilo ka o ano. Dahil dalawa lang ang posibleng manguha sayo myembro o mismong royalties. Warning lang ang kaya kong gawin dahil isa akong ssg officer at labas kami sa mga royalties dahil kami lang ang taga punish sila ang taga gawa ng rules. Mag-ingat ka" sabay hinalikan niya ako sa noo. At umalis.

Napaisip ako at pumunta na sa dorm para basahin ang hystory.

Kelangan ko yung mabasa lahat.

Ito ang nilalaman ng libro

Ang titulo niya ay The past.

Story by Principal X.

Pagkabukas ko ay wala akong nakitang sulat. Nangunot ang noo ko. At binuklat buklat ko at wala talagang nakasulat ni isang letra.

Mmm baka nasa book cover niya. Tinry kong tignan pero wala talaga.

Pero may napansin akong nakausling kulay puti dun sa dulo ng libro.

Naningkit ang mata ko at hinila ito. Then may nakita akong letterings pero di ko siya mabasa. Kaya hinanap ko yung magnifying glass na kakakita ko lang kanina sa sulok ng hide out.

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon