CHAPTER 40

91 7 0
                                    

NATHAN's POV

Kumain na muna ako tsaka bumalik sa pagbabasa

@@@@ isa siyang taong

Pinutol ko ang pagbabasa ko. Dzuhhh koya/ate malamang tao siya.

Itinuloy ko na ang pagbabasa

maasahan at mapagmalasakit na tao. Isa siya sa naghanap ng mga board members ng paaralan.

Naglagay ako ng holograms sa mga bawat puno. Nagpatayo rin ako ng sari-sari stores, mini malls, wet markets at groceries. Ang mga products ay nakakapasok sa loob sa pamamagitan ng shipment boxes na iniiwan ng mga trucks sa labas ng gubat.

May mga pipes na nakakonekta sa loob at labas.

Ang mga gulay at prutas ay nasa ilalim ng lupa at nakatanim. Lalo na yung mga prutas na hindi kaya ang direktang sinag ng araw. At yung iba namang kaya ang direktang sikat ng araw ay nasa rooftop ng bawat stores.

Napawooaahhh naman ako. Kaya pala bawal pumunta sa rooftops ng buildings. Naka-isip ako ng kalokohan.

Matry ngang magnakaw ng prutas dun hihihihihihi.

Alam kong naiisip mong akyatin ang rooftop.

Pagkabasa ko palang sa nakasulat mukhang fortune teller si koya/ate

Di ako fortune teller pero alam kong yun ang nasa isip mong nagbabasa nito. Dahil nakakatempt namang kumain ng libre. Pero sinasabi ko sayo lahat ng punong nasa itaas ay may kanya kanyang traps.

Kaya mag-ingat sa pagnanakaw.

Seriously? Pagnanakaw agad? Grabe naman tong taong to.

Ito nga pala yung blue print ng iba't ibang hidden places sa buong paaralan. Regalo ko na rin iyan sa iyo dahil sa kagaling mo kung papano mo natuklasan ang aking lihim na sulat.

Yung blue print ay nasa silid-aklatan kunin mo ang isang librong naroon sa kanang bahagi ng silid-aklatan. Sa pinakadulo, may makikita kang paglagyanan ng kandila hilahin mo iyon pakanan. At kunin mo ang kulay pulang libro.

Agaran ko namang hinanap yung librong nakuha ko dun sa library.

At itinuloy ang aking pagbabasa.

Mayroong isang pahina jaan na napunit. Pero ilusyon lamang iyon.

Ahhh kaya pala. Kaya pala may mga parteng punit ang mga libro.

Marami-rami pa akong librong nailimbag ang may punit. Sa bawat punit na iyon ay hanapin mo ang tuldok. Dahil mayroong nakadikit na hologram sa bawat pahina. Kapag pinagdugtong-dugtong mo iyon ay mabubuo mo ang mapa.

Agad kong hinalungkat ang lahat-lahat na librong aking nakuha.

Sa bawat pahinang may punit ay hinahanap ko ang tuldok na malaki laki at pinipindot ito isa isa.

At nagulat ako sa aking nakita dahil isa itong 3D blue print(di ko alam ang tawag dun guys pagpasensyahan niyo na) izinoom ko ito at nagulat ako dahil nagkakalas kalas ang mga pahina at naging isa silang rubrics cube

At dahil malikot ang iyong kamay at pinindot mo ang hologram ay nagreact ito kaya naging isa siyang rubrics cube.

Buuin mo siya. Ngunit tatlong beses mo lamang pwedeng magamit ang rubrics cube. Sa bawat paggamit mo ay umaabot ito ng sampung sigundo bago magbalik sa rubrics cube. At sa pangatlong pagbabalik nito sa pagiging rubrics cube.

Ay masusunog ito at maglalaho.

Kaya mag-ingat.

Napakunot ang noo ko. Gagawa gawa siya ng ganitong gift tas di ko naman pala masyadong magagamet. Hmmm. Kinuha ko ang dslr camera ko at vinideo ang pagbuo ko ng rubrics. At nung pare pareho na sila ng kulay.

Toxic academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon