Yanna's pov
"Nakikiramay kami"sabi ng mga kasama ni Lolo Shin. Malapit akong nakaupo sa vase kung nasaan ang mga abo ni Tito Kie.
"Narinig ko hindi pa nakikita ang magkapatid."
"Naku baka patay na din yun"
"Wag naman sana"rinig kong bulong-bulungan ng mga school teacher ng Alpha University.
Sarado na lahat ng mga negosyo ng Lee Corp. kasama na dun ang school mabuti nalang at nakagraduate na ang Royale Class bago iyon tuluyang napasara.
"Eniki"tawag ni Chaina at yinakap ako.
Akala ko ako lang ang magbago dahil binago ko ang kulay ng buhok ko at pina-straight ko pa ang dating wavy kong buhok.
Nagbago din si Chaina. Naging maikli ang buhok niya na dati ay kinaiinggitan ng lahat dahil sa napakaganda ng buhok niya. Nasa tabi niya naman si Mhiane na wala pa ding pinagbago kagaya pa din siya nga dati.
"Susunod daw si Liadette busy lang siya sa Hospital."nakangiting saad ni Chaina at yinakap ako.
Kinasal na sila ni Nathan na buong akala ko hindi nila matutuloy. Napag-alaman kong hindi pumayag ang pamilya ni Nathan sa gusto ni Chaina na hindi magpakasal.
"Upo kayo"simpleng sabi ko at giniya sila sa may upuan.
"Magkasama kayo ni Carlz sa paris right? I thought he's going to London"napatingin ako kay Mhiane sa sinabi niya pero hindi ko siya sinagot.
Nabigla lang din ako ng makita ko si Carlz sa labas ng inuupahan kong apartment sa Paris. Hindi alam maski nila Mama kong nasaan ako kaya nagtaka ako ng mahanap niya ako. Kinailangan ko din ang tulong ni Carlz ng mga panahon na iyon.
Wala akong alam sa Paris. Hindi ko alam kong saan ako pupunta at sino ang hihingan ko ng tulong. Nang dumating si Carlz ay naging maayos ang takbo ng buhay ko dun hanggang sa nasanay na ako.
"Kamusta kayo?"tanong ko nalang sa kanila.
"I'm a fashion designer now!"masayang sabi ni Mhiane.
Ngumiti ako sa kanya at tumingin kay Chaina. Wala akong balita sa mga nangyari sa buhay nila pagkatapos kung umalis. Ang alam ko lang ay kinasal si Chaina at Nathan.
"Nagpatayo ako ng coffeeshop"sabi naman niya at ngumiti.
"Ikaw? Kamusta ka?"napatitig ako kay Chaina nang itanong niya sa akin yan.
Kamusta na nga ba ako? Kamusta na ba ako simula nung araw na yun?
"Okay lang"sagot ko at nag-iwas ng tingin.
Yan naman lagi kong sagot sa lahat ng tumatanong kung kamusta na ba ako.
Pero kamusta na nga ba ako? Alam ko naman ang sagot. Ito nasasaktan pa din ako. Ito pakiramdam ko hindi na ako mabubuo pa. Ito mahal ko pa din siya. Nakakatawa. Nakakaawa.
"Anong ginagawa mo sa Paris?"tanong ni Mhiane.
Nababasa ko sa mga mata nila Mhian at Chaina na interesado silang malaman ang lahat ng tungkol sa akin. Sa bagay ilang taon din yun.
"Nagpatayo ako ng Pastries shop dun"sabi ko.
Ngumiti naman si Chaina at hinawakan ang kamay ko.
"Labas naman tayo minsan! Namiss ka namin!"
"Pagkatapos ng kasal ni Kuya sa susunod na linggo. Babalik na ako ng Paris" nagulat sila sa sinabi ko at nakita ko ang lungkot sa mata nila.
"Eniki, I badly want to ask this. Wala ka bang balak hanapin si Ran-"tumigil siya sa pagsasalita ng tumayo ako.
BINABASA MO ANG
Taking My Ex-Wife Back
RomanceBabala: kung hindi mo pa nabasa ang first part ng storya na'to.. pinaalalahanan kita please lang basahin mo muna at baka hindi mo maintindihan ang part two! ^_^ Part 1 Ang asawa kong multimillionaire