25

3.3K 81 5
                                    

Yanna's pov

"You have to come with me"sabi ni Carlz at agad akong hinila pasakay sa kotse niya.

Naguguluhan man ako ay agad din akong tumalima sa kanya. Kinakabahan ako.

May nangyari ba? May problema ba siya? Kitang-kita ko sa pagmamaneho niya na may importante kaming pupuntahan at ang tinatahak naming daan ay papunta sa bahay nila Tita.

"Carlz anong gagawin natin sa Mansion?"takang tanong ko pero hindi siya sumasagot at nasa pagmamaneho lang ang boung atensyon niya.

Pagkababa ko ng kotse ay agad kaming pumasok sa loob ng bahay at nakita ko ang isang dalaga na nakaupo sa may sofa.

Napatayo pa siya ng makita kami. Agad naman kaming sinalubong ni Butler Min at bahagya pang yumuko sa amin.

Sinulyapan ko ulit ang babaeng nakatayo sa may sofa. Nakikita ko sa kanya ang dating ako. Yung Eniki na simple lang ang pamumuhay.

Nakalugay ang tuwid niyang buhok at nakatingin lang siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

"Where is he?"tanong agad ni Carlz.

Kaya naguguluhan na binalingan ko sila ng tingin ni Butler Min.

He? Sino?!

"I'm here"

Napatakip ako ng bibig ko ng makita ko ang lalaking pababa galing sa itaas. Nasa bulsa ng pantalon niya ang isang kamay niya.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko at ng nakatayo na siya sa harapan ko ay agad ko siyang yinakap ng mahigpit na mahigpit.

"Kz!!! Oh my gad!"sigaw ko habang nakayakap pa din sa kanya.

Walang humpay sa paglandas ang mga luha ko. Tuwang-tuwa akong makitang andito siya at buhay.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya dahil hindi pa din ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Tss"sabi niya kaya natawa ako at yinakap siya ulit.

"You changed a lot. Hindi na kia makilala"sabi niya dahilan para pakawalan ko siya.

Ngumiti lang ako sa kanya dahil wala akong masabi sa mga katagang iyon. Totoo naman kasing ang laki ng pinagbago ko.

Yumakap naman si Kz sa kuya niya at naramdaman ko ang pangungulila nila sa isa't-isa. Matutuwa si Tita kapag nakita niya si Kz. Maiibsan ang kunting kirot ng mga puso namin sa pagkawala ni Tito at ni...

Ranz.

Tumingin naman si Kz sa babae at agad siyang lumapit dito. Hinawakan niya ito sa braso at pinalapit sa amin.

"This is Angel. Siya ang nagligtas at nag-alaga sa akin. Angel, this is my brother's wife Eniki and this is my brother Carlz"inabot ko ang kamay ko sa kanya at agad niya itong tinanggap ng nakangiti.

"Ako po si Angel po masaya akong makilala kayo. Ang ganda ganda mo po"mangha niya pang baling sa akin.

Nahihiyang ngumiti nalang ako sa kanya.

"Tita is coming too Kz"sabi ni Carlz at inakay ako paupo.

Sinulyapan ko si Carlz at kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya. Natutuwa din ako na sa kabila ng mga pinagdaanan namin ay may maganda pa ding nangyari.

"Kz!"sigaw ni Tita at agad tumakbo payakap kay Kz.

"Mom!"sigaw din ni Kz at agad namang umiyak si Tita at walang humpay ang halik sa pisngi  at yakap kay Kz.

Ito na siguro ang simula ng muling pagbangon ng mga pamilya namin. Sa mga sakit na magkasunod naming pinagdaanan.

Nakikita mo ba kami Ranz? Sana bumalik ka na... Bumalik ka na sa akin..


Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon