9

3.8K 113 2
                                    

Yanna's pov

"Handa ka na ba?"sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ko.

Handa na nga ba akong makita at makausap si Tita Reisha? Handa na ba akong harapin ang pilit na tinatakasan kong nakaraan? Hindi ko alam. Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko kapag nakita ko na si Tita.

Pumasok kami sa loob ng pasilidad at lahat ng doctor na nadadaanan namin ay tumitingin sa amin ni Mama. Bakit? Kasi kilala kami ng lahat ng nandito.

Pinakilala na ako sa mundo bilang tagapagmana ng pamilya Seliva at magiging asawa ng Isa din sa pinakabatang businessman sa mundo.

"This way po"sabi nung nurse at tinuro ang isang kwarto.

Tumigil ako sa paglalakad kaya nilingon ako ni Mama. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo anak kung hindi mo pa kaya"sabi ni Mama.

"Kaya ko Ma. Kakayanin ko"sabi ko at binuksan na nung nurse ang kwarto ni Tita.

Nakita ko si Tita na nakatingin sa labas ng bintana niya. Agad tumulo ang mga luha ko ng makita ko ang itsura niya. Hindi ako makapaniwala na ganito kalaki ang pinagbago ni Tita. Kitang-kita ko ang laki ng pagbagsak ng katawan niya. Yung mga mata niyang kay layo ng tingin.

Ranz, hindi ko kaya.

Tumayo ako ng tuwid ng lumingon si Tita sa amin. Nakatingin lang siya at wari hindi niya kami nakikita.

"Maiwan ko na muna kayong dalawa anak"sabi ni Mama at niyakap ako.

"Nasa labas lang ako" sabi pa niya bago isara ang pinto.

Nakatingin lang ako kay tita at naghihintay akong makilala niya ako. Nakatingin siya sa akin pero blangko ang mukha niya.

"Tita"mahinang tawag ko.

"Wag kang aalis. Ranz No!"sabi niya ta biglang tumayo.

Napaatras ako pero para na naman akong hindi nag-eexist sa harap niya. Nagpaikot-ikot siya sa may kama habang umiiyak.

"Wag niyo akong iiwan!"sigaw niya at umiyak.

Natutop ko ang bibig ko at di ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mata ko.

"Wag niyo akong iiwan. Honey! Kz! Ranz anak please" paulit-ulit niyang sigaw.

Tumakbo ako at yinakap si Tita ng mahigpit.

"I'm sorry Tita. I'm so sorry"sabi ko at umiyak na din kasabay ni Tita.

Umiyak lang ako ng umiyak naghahangad na sana maibsan man lang yung sakit na nararamdaman ng mga puso namin. Naramdaman ko namang nakatulog na si Tita sa balikat ko.

Tinawag ko ang nurse at pumasok din kasabay nila ang doctor ni Tita.

"You must be my nephew's wife"sabi nung doctor at inabot sa akin ang kamay niya.

"I'm Drake Villa Luna his doctor"inabot ko ang kamay ko.

"Yanna Seliva"casual kong pakilala.

Tumango naman siya at tumingin sa mahimbing na natutulog na si Tita.

"Kailan po gagaling si Tita? Anong dapat gawin para gumaling siya"tanong ko.

Tumingin ang doctor sa akin at ngumiti ng bahagya.

"Her recovery depends on her. Nagrerespond siya sa mga gamot ngunit kailangan niyang tanggapin ang nangyari. Kailangan niyang tanggapin ang pagkawala ni Kie"napayuko ako.

"Paano ba tatanggapin ang pinakamasakit na bagay na iyan?"sabi ko.

"I know, It hurts. Alam ko dahil naranasan ko ding maiwan ng pinakamamahal kong asawa"ngumiti siya bahagya at inayos ang kumot ni Tita.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon