33

3.4K 80 9
                                    

Yanna's pov

"Kumain ka na"sabi ni Ranzungot at inaabot sa akin ang pagkain. Hindi ko tinanggap kaya naman nilagay niya sa tabi ko.

" Oo na galit ka sa akin pero wag mo namang pababayaan ang sarili mo"sabi pa niya.

Ulol! Ikaw nga yong pinabayaan ako eh! Sino kaya nang-iwan?

Hindi ako umimik at kinuha nalang yung pagkain at nagsimula ng kumain. Naiilang ako dahil nakatingin si Ranzungot sa akin habang sumusubo ako.

"I want to call you my wife-"

"Wala kang asawa dito. Hindi tayo kasal remember? Hindi ka sumipot"putol ko agad sa sasabihin niya.

Hindi siya nagsalita at yumuko nalang.

"If that's going to happen again. I will still do the same. Kaysa sumipot ako pero bangkay na kitang maihaharap sa altar"

Hindi pa din ako nagpatinag. Wag niya ko ginagago. Gumagawa lang siya ng paraan para maging maayos ako sa kanya. Ano akala niya sa akin? Marupok?!

"Edi wow"sabi ko nalang.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Paraan ng pagsabi na sumusuko na siya. Hindi na ako yung Eniki na sa simpleng sorry lang bibigay ulit.

Brainy to!

"Magandang gabi"sabay naman kaming napatingin sa taong nagsalita.

Lalaking may matipunong braso at kayumangging kulay ang bumungad sakin. Gwapo din siya pero mas gwapo tong nakatingin sa akin ngayon. Gago nga lang.

"Ako si Agni. Pinapunta ako ni Tandang Magyawen para sabihin sa inyo na gusto kayong makausap ni Pinuno"pagkatapos niyang sabihin yun ay tumingin siya sa akin at ngumiti.

Ngumiti nalang din ako. Nakakahiya kasi kung hindi ko suklian ang ngiti niya. Cute pa naman niya.

"Makakaalis ka na. Susunod kami"walang buhay na sabi ni Ranz na nakatingin sa akin ng masama.

Problema niya? Bakit ganyan siya makatingin?

Umirap ako sa kanya at nagsimulang tumayo pero nanginginig ang mga paa ko kaya muntik na akong matumba kaso lang may mga kamay na agad humawak sa bewang ko at inalalayan ako.

Ang init!

Hindi ako nakagalaw dahil kunting galaw ko lang ay mararamdaman ko na ang matipuno niyang dibdib.

"Kaya ko"malamig kong sabi dahilan para umatras siya at naramdaman kung lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

Mahina akong naglakad palabas ng kubo pero alam kung nakasunod lang siya sa akin. Gusto ko siyang tarayan para layuan niya ako. Kaso ayokong gawin siya lang ang kakampi ko sa lugar na ito pero hindi dahilan yun para mapatawad ko siya.

Hindi ko pa kayang tanggapin ang lahat ng sasabihin niya. Ano yun ganun-ganun nalang? Dalawang taon akong umiyak ng dahil sa kanya tapos pagkasabi niya ng sorry ayos na ulit kami?

Akala niya ba ganun lang kadali ang nangyari sa akin nung nawala siya? Akala niya ba okay lang ako na hindi niya ako sinipot sa kasal ko dahil akala ko sumama siya sa iba? Akala niya ba naging masaya ako sa lahat?

"Why?"napalingon ako sa kanya dahil nagtanong siya.

Nakatingin siya sa akin. Malungkot ang mga mata niya pero kahit ganun ang gwapo niya pa din sa paningin ko.  Kaya pala ganun kagaan ang loob ko kay Dracel dahil siya pala talaga yun.

"Am I hurting you this bad?"tanong niya.

"Oo. Sobrang sakit na talaga. Makita lang kitang nakatayo ngayon nasasaktan ako"sabi ko at hinayaan lang ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon