45

3.8K 80 38
                                    

Yanna's pov

Napaypay ko ang kamay ko sa mukha ko dahil sa kaba. Nandito na ako sa sinabing lugar ni Carlz kung saan kami magkikita. Kinakabahan ako sa posibleng maging reaksyon ni Carlz.

Napatingin ako sa lugar isa itong lumang simbahan. Hindi ko alam kung bakit dito niya gustong magkita kami. Napatingin ako sa pinto at para namang walang tao sa loob. Tama ba tong lugar na pinuntahan ko?

Nagulat naman ako ng magvibrate ang celphone ko at si Carlz ang tumatawag. Agad ko yung sinagot.

"C-Carlz"kinakabahan kong tawag sa kanya.

"Hey, nandito ka na?"malumanay niyang tanong.

"Nasa labas ako ng isang lumang simbahan"sabi ko.

Narinig ko ang tunog ng sapatos sa kabilang linya na para bang naglalakad siya sa isang tahimik na lugar.

"Pasok ka. Nasa loob ako"sabi niya at pinatay ang tawag.

Kahit naguguluhan ako ay naglakad ako papalapit sa malaking pintuan. Bahagya ko yung tinulak at gumawa iyon ng ingay. Wala akong nakikita sa loob dahil madilim. Nung pinasok ko ang isang paa ko sa loob ay parang awtomatikong nabuksan ang ilaw sa bandang doon. Paunti unting nagliwanag ang paligid dahil sa mga kandilang nakasindi sa aisle ng simbahan.

Nagtataka ako habang naglalakad sa gitna papunta sa altar. Gusto kong tawagin si Carlz. Kaso hindi ko maibuka ang labi ko.

Nanginginig ang kamay ko sa kaba kasi alam ko na ang nangyayari. At alam ko na ang kahihitnatnan nito. May masasaktan sa huli.

Huminto ako sa gitnang bahagi ng matanaw ko si Carlz na may dalang bouquet of white roses. Hindi ko napigilan ang mga luha ko ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Para bang sinasabi nito na alam na niya. Alam na niyang masasaktan ko siya.

"Yanna please"sabi niya.

Nakikiusap siyang magpatuloy ako sa paglalakad. Naikuyom ko ang mga kamay ko at nagpatuloy ako sa paglalakad papalapit sa kanya. Habang naglalakad ako ay para akong kinakain ng konsensya ko. Bakit? Bakit ko nakakayang saktan ang taong to? Bakit? Bakit ako Carlz? Hindi ako ang babaeng para sa iyo.

"Why are you crying? Takot ka sa dilim?"may halong biro niyang tanong ng makalapit na ako sa kanya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nayakap ko siya ng mahigpit. Natatakot ako. Natatakot akong masaktan si Carlz.  Natatakot ako sa magiging dulot nun sa kanya. Ayoko pero kailangan ko ng gawin to.

Naramdaman ko ang paghigpit  ng yakap niya sa akin. Nararamdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya. Umiiyak na din siya. Ako na naman ang dahilan ng mga luha niya.

"Why is it so hard to let you go?"rinig kong bulong niya sa akin.

"I'm sorry... I'm sorry Carlz wala akong ibang masabi kundi sorry. Hindi kita dapat sinasaktan pero-"napatigil ako sa pagsasalita ng hawakan niya ang balikat ko.

"Yanna. Stop it please. Tama na"sabi niya kaya napatigil ako at napatingin sa kanya.

"Carlz..."

"Alam kong siya pa din ang mahal mo. This is my last shot"sabi niya at ngumiti.

"Let's pretend that I'm the one you choose and we are getting married. After this.... After this I'm... I'm letting you go"sabi niya na para bang hirap na hirap siyang bigkasin ang mga salitang yun.

"Carlz I'm sorry"sabi ko at nag-unahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko.

Ang sakit makita ang mga luha ni Carlz. Para akong tinutusok at pinapatay ang puso ko. Hindi ko kayang tingnan ang kalungkutan ng mga mata niya.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon