Yanna's pov
"Sweet Haven Grand Opening!"masayang sabi ni Jenna at inabot sa akin ang planner niya.
Tiningnan ko ito at napangiti sa mga plano niya. Hindi nga ako nagkamali ng kunin ko siya bilang assistant ko. Matalino si Jenna at madaldal.
"Oh di ba bumilib ka sa akin? Sana pati si Papa Shin Cross!"napangiti nalang ako at napailing.
"What's with my name"sabay kaming napalingon ni Jenna at halos matawa ako sa reaksyon ng mukha ni Janna.
"Kyaaah! e-este wala po Tooya ano lang mey ano kase-"
"Jejemon ka ba?"iritang tanong ni kuya Shin Cross at umirap pa bago umakyat sa taas.
"Luh! Ang gwapo nga sungit naman"sabi pa ni Jenna kaya napailing nalang ako.
"Ateng kanina ko pa napapansin ang mga ngiti mo inlove ka no?"nakangiti pa niya na sabi.
Matagal na akong inlove.
"Masaya lang"sabi ko at inayos ang mga libro ni Shinzhel.
Nagtaka naman ako ng may nakita akong nakaipit sa libro ni Shinzhel. Isa iyong papel na luma na at may nakasulat.
Shinzhel,
I love you baby. Kung dumating man ang araw na wala na ako sa tabi mo. Wag na wag mong kalimutan na mahal na mahal ko kayo ng Mama mo. Kayo ang buhay ko. Sa lahat ng desisyon ko kayo ang lagi kong iniisip. Love your Mama and obey her always. Hindi man kami ang tunay mong magulang minahal ka namin ng totoo.
Love,
Papa"Hala ateng! Bakit?"takang tanong ni Jenna.
"Mahal ako ni Ranz"bulong ko habang tinitiklop ang papel.
"Sino si Ranz ateng?"takang tanong ni Janna.
"Si Ranz.. Si Ranz ang asawa ko"sabi ko habang hindi ko mapigilan ang mga luha ko.
"Hala siya pala yung reason kaya ka napunta sa Paris?!"yumuko lang ako at isinuli ang sulat sa libro ni Shinzhel.
"Mag-aayos lang ako Jnna at pupunta tayo sa Sweet Haven"sabi ko at nagmadali sa pag-alis.
Pagdating ko sa kwarto ay hinanap ko ang iniligpit kong mga litrato. Nakatitig lang naman ako sa nakangiting imahe niya. Siguro nga may dahilan siya kaya nagawa yun. Kahit ano pa man amg rason na yun ay nasaktan na niya ako.
"Ma'am Yanna! Magandang umaga po"sabi ng mga taong nag-aayos sa loob ng Shop.
"Maganda ding umaga sa inyu. Kumain na po ba kayo?"tanong ko na tinanguan lang nila at nagsimula na ulit magtrabaho.
Napatingin naman ako kay Jenna na kanina pa nagpapacute sa isang lalaking may blonde na buhok. Sa pwesto ko ay hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya. Maputi siya at blonde ang buhok.
Lumapit ako at lumakas ang tibok ng puso ko ng tumingin sa akin ang lalaki. Green ang kulay ng mga mata niya pero kahit ganun nakikita ko sa kanya si..
Ranz..
"She must be the owner?"napatingin din sa akin si Jenna.
"Ay yes Sir Tisoy! Siya nga po! este yes she is the owner"
Inabot nung lalaki ang kamay niya at ngumiti sa akin. Napatingin ako sa kamay na inaabot niya.
"Oh, silly me I forgot to tell my name. Im Dracel Villa Luna from England Madame"sabi niya at yumukod pa sa harap ko.
Dracel? Kung ganun taga Englatera siya kaya pala Green ang mata niya. Foreigner siya kaya ganito ang itsura niya. Tama. Hindi siya si Ranz.
"Hoy ateng! laway nalang kulang sayo"nabigla naman ako at agad na inayos ang sarili ko. Bahagya akong ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Taking My Ex-Wife Back
RomanceBabala: kung hindi mo pa nabasa ang first part ng storya na'to.. pinaalalahanan kita please lang basahin mo muna at baka hindi mo maintindihan ang part two! ^_^ Part 1 Ang asawa kong multimillionaire