Yanna's pov
"Kinakabahan ka?"tanong ni Liadette sa akin habang nasa isa kaming exclusive resort para sa bridal shower kuno dahil kasal ko na bukas.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Hindi naman siya nagsalita at umupo nalang sa tabi ko dito sa may dalampasigan.
Isang taon ang mabilis na lumipas. At sa loob ng isang taon ay naging maayos ang takbo ng mga buhay namin. Nakulong si Cristoval Montemayor sa ginawa niya sa pamilya Lee. Kasama na niya na sa kulungan ang babae niyang si Emerald Garcia. Tinulungan namin si Ranz sa pagpapatayo ulit ng business nila. Naging magbusiness partner si Ranz at Kuya Shin Cross para makapagtayo ng isang ospital.
Mabilis lumipas ang panahon parang kahapon lang ay hinahangad ko pang makasama si Ranz ngayon ay ikakasal na kami ulit. Natatakot ako. Natatakot na maulit ang lahat pero laging sinisigurado sa akin ni Ranz na walang mangyayari.
Lagi niyang sinisuguro na hindi na siya aalis sa tabi ko. Gumaling na din si Tita Reisha at unting-unti ng bumabalik ang sigla niya. Si Kz ay bumalik na din sa pag-aaral kasama si Angel. Magkasama sila sa E.S.U dahil sarado pa din ngayon ang Alpha University.
Si Carlz naman ay tumulong din para maibalik sa dati ang lahat ng negosyo ng pamilya Lee. Siya ang umaalis sa ibang bansa para asikasuhin ang iba nilang negosyo doon. Sa ngayon pauwi palang siya para sa kasal namin ni Ranz bukas.
Hindi na kami nag-usap ulit ng tungkol sa nangyari. Nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko kung gaano ko nasaktan ang isang Carlz. Ang isang Carlz na walang ibang ginawa kung hindi ay mahalin ako. Ngunit hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya dahil si Ranz lang ang gusto ko.
Hinanap din ni Ranz si Evalyn pero nawala ito na walang nakakaalam kung saan nagpunta. Pinapunta ni Ranz si Carlz sa Paris at baka umuwi ito pero ganun pa din walang nakakaalam. Walang makasagot kung nasaan siya.
"Bakit nandyan lang kayo?"napatingin ako kay Mhiane na may hawak na baso at naka-two piece lang.
"Okay lang ako dito. May iniisip lang"sabi ko at ngumiti.
"Hindi natin nagawa to nung ikakasalsi Chaina"sabi ni Liadette at ngumiti.
Ang alam ko nagbalikan si Liadette at Pritz at ikakasal na din sila. Ganun din si Mhiane at Jevz na nagpaplano na ding magpakasal.
"Masaya kami na kahit anong mangyari kayo pa din ni Ranz ang magkakatuluyan. You deserve each other"sabi naman ni Chaina kaya napangiti ako.
Karapatan siguro namin ni Ranz ang sumaya at tama sila dun. Sana nga ito na talaga ang simula ng panibagong buhay namin.
Tumayo naman silang tatlo at nagsayawan na sa may bar nitong resort. Nandun na din yung ibang inimbinta nila at kabilang si Jenna.
Nagulat naman ako ng nagring ang celphone ko kaya agad ko yung sinagot.
"I love you"bungad niya kaagad pagkasagot ko.
Kahit kailan hindi nawawala ang saya sa tuwing maririnig ko ang boses niya. Mahal na mahal ko ang lalaking ito. Kahit siya pa ang pinakabakulaw nantap sa buong mundo.
"Kanina lang tayo hindi nagkita pero miss na kita"sabi pa niya kaya napatawa ako.
"Ang harot mo"sabi ko.
Narinig ko naman ang kaluskos sa kabilang linya at may buntong hininga. Siguro nasa opisina na naman siya ngayon.
"I can wait to get married to you"sabi niya kaya napatango din ako.
"Ako rin. Bukas na Ranz wag mo kong iwan ulit"sabi ko.
"I will never let that happen again"sabi niya.
BINABASA MO ANG
Taking My Ex-Wife Back
RomanceBabala: kung hindi mo pa nabasa ang first part ng storya na'to.. pinaalalahanan kita please lang basahin mo muna at baka hindi mo maintindihan ang part two! ^_^ Part 1 Ang asawa kong multimillionaire