40

4K 97 48
                                    

Yanna's pov

"Magpapaalam na po kami"sabi ko at yumuko sa harap ng lahat ng mga tao dito sa Isla.

Nakatayo sa gilid ko si Ranz habang nasa kabila ko naman si Carlz. Tahimik lang ang mga tao pero agad kong napansin si Bahaghari na humihikbi sa tabi ng mapapangasawa niya.

"Mag-iingat kayo"sabi ni Tandang Magyawen.

"Akala ko aabot ka pa sa kasal ko"lumapit naman ako kay Bahaghari at yinakap siya.

"Pangako babalik ako rito"sabi ko.

"Puti wag ka nalang umalis"rinig kong pahabol na sabi ng haliparot na si Malyari.

Nilingon ko si Ranz at sakto namang nakatingin siya sa akin na agad ding umiwas ng makitang masama ang tingin ko sa kanya.

Magsisisi ka talaga kapag sinakyan mo ang babaeng yan!

"Kailangan kong umalis"sabi ni Ranz at napalunok.

"Iiwan mo na ba kami? Paano ako?"tanong ni Malyari dahilan para mag-init ang bunbunan ko.

"Pwede naman siyang maiwan dito kung gusto niyo ipagpatuloy ang naudlot niyong pagmamahalan"sabi ko at sinamaan ng tingin si Ranz.

"Magpaiwan ka nalang Puti. Aalagaan naman kita-"

" May asawa na ako Malyari"sabi ni Ranz at ngumiti sa akin.

Inirapan ko siya at tumingin ako kay Bahaghari na ngayon ay mapang-asar ang ngiti sa akin.

"Hindi naman kayo nakasal. Nakalimutan mo bang di ka sumipot?"pambabara naman ni Carlz.

Magakakasundo pa ba sila? Dinaig pa nila mga bata kagabi pa silang ganyan. Magkasamang natulog sa barko si Carlz at Ranz kasi hindi pumayag si Carlz na magsama kami sa iisang kubo ni Ranz. Pinagtalunan pa nila yun hanggang sa silang dalawa ang pinagtabi ko.

"I can marry her again"sabi ni Ranz at kinindatan ako.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at tumingin kay Malyari.

"Hindi mo naman siya asawa di ba? Hindi siya sumipot dahil hindi ka na niya mahal"sabi niya na pabulong sa akin.

Gusto kong mangalbo ng tao ngayon. Gusto ko siyang ingudngud sa buhangin at pagulongin papuntang dagat. Namumuro na sa akin ang babae na ito.

Sapakin ko kaya to!

"Sinubukan mo naman siyang akitin di ba? Ang tanong bumigay ba?"tanong ko dahilan para mawala ang ngisi sa mukha niya.

Ano ka ngayon?

"Umalis na kayo at baka sumama ang panahon. Maganda at Puti hiling ko ang kapayapaan sa inyong mga buhay"sabi ni Pinuno kaya yumuko kami ni Ranz sa harap niya bilang pagpapakita ng respeto.

"Puti wag ka nalang umalis"pakiusap na naman nung babaeng pinaglihi sa tuko.

Kumapit na siya sa braso ni Ranz. Ito namang si Ranz ay halatang ayaw dahil mukha siyang napaso ng hawakan siya nito.

"Magseselos ang asawa ko"sabi ni Ranz dahilan para umangat ang kilay ko.

"Wala ka namang asawa kaya walang magseselos. Paiwan ka nalang halata namang masaya ka dito"sabi ko at tinalikuran sila.

"Wait! Wife!"sigaw niya binalewala ko lang.

Paakyat nako sa barko ng makita ko ang kamay ni Carlz na nakalahad para alalayan akong umakyat. Nagdalawang isip akong kunin yun. Ayoko ng saktan si Carlz.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon