Yanna's pov
Simula nung lumabas si Amethyst sa kwartong ito ay walang anomang ingay na maririnig. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Paano?"rinig kong tanong ni Eva. Basag sa katahimikan.
Yun din ang tanong sa utak ko. Paano? Paano niya nasikmurang gawin lahat ng iyon? Paano niya nagawang pumatay ng tao? Paano niya nagagawang guluhin ang buhay namin ng ganito? Bakit anong kasalanan ko sa kanya?
Napatingala ako ng bumukas ulit ang ilaw at nakatayo sa harap ko si Jacob. May kung ano sa mga mata niya. May nagsasabi na hindi ko na siya dapat pagkatiwalaan pa. Ganun ba kalaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya para makagawa siya ng bagay na ito? Hindi ko maintindihan.
"Eniki. Alam ko hindi mo ko mapapatawad pa pero ginagawa ko ito para maprotektahan kita"napa-irap ako sa sinabi niya.
Hindi ko kayang tingnan ang pagmumukha niya. Pakiramdam ko na traydor ako.
"She was always trying to kill you. Lagi kong nahahadlangan ang mga plano niya. Do you remember the day na muntik ka ng mahulogan ng paso sa ulo?"napatingin ako sa kanya at naalala ko ang panahong iyon.
Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa kanya. Bumuntong hininga lang siya.
"She did that. Siya ang gustong pumatay sayo noon pa kahit hindi pa niya alam ang kaugnayan mo sa Seliva. Lumala ang galit niya sa'yo ng malaman nila ang katotohanan sa tunay mong pagkatao"
"Bakit? Bakit matindi ang galit niya sa pamilya ko? Anong kasalanan ng pamilya ko sa kanya?"hindi siya sumagot at umiling sa tanong ko.
"Hindi kita masasagot dahil hindi ko din alam"sabi niya.
"Bakit mo ginagawa ito Jacob? Bakit ka sumama sa kanya? Bakit mo ginagawa ito?!"tanong ko sa kanya.
"I don't have a choice! Nangako siyang hindi ka niya sasaktan hangga't nasa tabi niya ako. I was trying to protect you Eniki. Sabay kaming lumaki ni Amethyst. She was my bestfriend. Bigla siyang nawala at nung pagbalik niya nagpakilala na siya bilang Trishalyn Montemayor. She killed Trishalyn para makipaghiganti-"
"You're lying!"putol naman ni Evalyn sa sinasabi ni Jacob. Pilit tumayo ni Evalyn pero masyado na siyang mahina.
"Yun ang totoo. Magkamukha sila ni Trisha because they are related in blood! Trisha and Amethyst are sisters! Anak ni Emerald at Cristoval si Amethyst"sabi ni Jacob.
Sa sobrang daming rebelasyon sumasakit ang ulo ko at gusto ko nalang umiyak hanggang sa makatulog nalang ako. Ayoko na makinig!
"Then how about me? How about me?! Ako ang kapatid ni Trisha! Anak ako ni Cristoval at Evangeline Montemayor! Siya lang ang asawa ni Daddy. How come may kapatid kami sa labas?"pahina ng pahina ang boses ni Eva habang nagtatanong kay Jacob.
Umiling lang si Jacob at tumingin kay Eva. Bakit parang ibang tao na si Jacob sa paningin ko? Madami pa ba akong hindi alam tungkol sa kanya?
"Sinabi ko na sa iyo Eva. You are not my sister! Dahil anak ka lang naman ng nanay mo sa iba! Nagpakasal ang Daddy ko at Mommy mo para sa kapangyarihan. Pinakasalan lang naman ng Daddy ko ang mommy mo para makuha ang loob ng pamilya ng nanay mo! She doesn't know na may anak na si Daddy sa Mommy ko at ako yun! Ako ang bunga ng relasyon nila. Nung malaman ng mommy mo ang lahat nagpakasasa siya sa ibang lalaki at ikaw ang naging bunga non!"biglang pasok na naman ng bruha na si Amethyst.
Biglang kumulo ang dugo ko sa pagmumukha niya. Mamamatay tao na nga siya ang kapal pa ng pagmumukha niya. Anak pala siya ng babaeng naging dahilan din ng paghihirap ko. Kampon sila ng mga demonyo!
BINABASA MO ANG
Taking My Ex-Wife Back
RomansBabala: kung hindi mo pa nabasa ang first part ng storya na'to.. pinaalalahanan kita please lang basahin mo muna at baka hindi mo maintindihan ang part two! ^_^ Part 1 Ang asawa kong multimillionaire