16

3.4K 90 22
                                    

Yanna's pov

Takbo lang ako ng takbo papasok sa ospital at nakita ko sila kuya na nasa labas ng ICU.

Nabuhay ang kaba sa puso ko at gusto ko tumakbo palayo. Ayokong makarinig ng hindi magandang balita. Bakit nandito sila? Anong nangyari kay Lolo?

"Princess!"sigaw ni Kuya Jershin at nilapitan ako.

Nakita siguro ni kuya ang takot na nakikita sa mukha ko kaya niyakap niya ako ng mahigpit.

"He's fine. He's okay. Calm down"napatango ako kay Kuya at unti-unting nawawala ang panginginig ng kamay ko.

"K-kamusta siya kuya? Bakit nasa loob siya?"tumingin muna si kuya kay Lolo na nasa loob ng I.C.U bago ako tingnan ng may pag-aalala.

"Lolo is fine he's just under observation dahil sa lason na pumasok sa katawan niya"sabi ni kuya.

Napabuntong hininga naman ako at hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Takot na takot ako. Natatakot akong baka hindi ko maabutan si Lolo.

"Ano pong nangyari?"tanong ko.

"He's poisoned. Hinahanap na ng mga pulis ang gumawa nito sa kanya. Masyadong matapang ang lason mabuti nalang at kaunti lang ang nainom niya"

Sino naman ang hayop na gumawa nito sa lolo ko?! Oo naging masama si lolo noon. Nagkamali siya at humingi siya ng tawad para sa mga nagawa niya. Simula non nagbago na si Lolo at mahal na niya ang mga empleyado niya.

"Nasaan po sila Mama?"

"Nasa bahay si Mama dahil walang kasama si Shinzhel ngayon"napapikit nalang ako dahil sa sakit ng ulo ko.

Sa sobrang dami ng iniisip ko hindi ko na alam ano pang uunahin ko. Gusto kong umiyak pero kailangan ko magpakatatag. Mas kailangan kong maging matibay ngayon.

Nabigla naman ako ng may yumakap sa akin habang nakaupo ako sa upuan sa labas ng kwarto ni Lolo.

"D-dracel?"tawag ko sa kanya kaya pinakawalan niya ako.

"I was so scared"sabi niya at hinawakan ang pisngi ko.

Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo. Mali to di ba? Sobrang mali nito. Ano nalang ang iisipin ng mga taong makakakita sa amin?

May Fiancè na siya at magpapakasal na sila pero bakit pinararamdam niya sa akin na may nararamdaman siya para sa akin?

"Mag-usap tayo"sabi ko at hinila na siya palayo doon.

Dinala ko siya sa pinakataas ng ospital. Tanaw na tanaw namin ang ibaba mula dito. Humahangin ng malakas kaya hinawakan ko ang buhok kong nililipad ng hangin.

"Stop doing this to me Dracel. May karelasyon kang tao pero bakit ganyan ka makaasta sa akin?"iritado kong tanong sa kanya.

Hindi naman siya nagsalita pero kitang kita ko ang lungkot sa mata niya. Why? Bakit Dracel?

"I don't know"sabi niya at ngumiti.

"Tigilan muna ako dahil hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo"sabi ko at tinalikuran na siya.

Akala ko ganun lang kadaling talikuran siya pero nung dadaanan ko na siya ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako paharap sa kanya.

Hinalikan niya ako ng sobrang diin. Ramdam na ramdam ko ang biglang paglakas ng tibok ng puso ko sa ginawa niya.

Bakit? Bakit niya ba ginagawa ito?!


Carlz pov

"Eva?"takang tanong ko ng makita ko siyang nakatayo sa harapan ng opisina ko sa Lee Corp.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon