Yanna's pov
"Ranz"tawag ko sa kanya.
Nang makita niya akong lumabas galing sa simbahan ay agad siyang tumakbo at yinakap ako ng mahigpit na mahigpit.
"Everything's gonna be fine"sabi niya at hinaplos ng marahan ang buhok ko. Napatango ako sa sinabi niya.
Alam kong nasaktan namin si Carlz ngunit nakahinga ako ng maluwag ngayong nagawa niya akong pakawalan. Mabuting tao si Carlz at nakokonsensya ako na dahil sa akin kaya siya nasasaktan ngayon.
"Nasaktan ko siya"mahinang bulong ko.
Marahan na hinawakan ni Ranz ang baba ko at hinarap sa kanya. Ngumiti siya at kinantian ng halik ang noo ko.
"Kailangan na niyang tanggapin ang totoo at kailangan na din gawin ang dapat matagal na nating ginawa"nagtataka naman akong napatingin sa kanya.
"Marry me Again Eniki. No as Yanna para wala ka ng kawala"sabi niya at ngumiti ng mapang-asar.
"Matagal na kong hindi makawala sa'yo"sabi ko na nginitian niya lang.
"Let's make this official then. Let's met your parents"sabi niya na para bang excited siya sa mangyayari.
"Baka magsuntukan na naman kayo ni Kuya"nag-aalala kong tanong.
Nung huli silang nagkita nauwi lang naman sa sapakan yun. Kaya natatakot akong mag-abot sila. Lalo na si Kuya Xam.
"Bubuntisin nalang kita para wala silang magagawa"seryoso nyang sabi kaya binatukan ko siya.
Tawa lang naman siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ang galing naman kasi ng plano niya.
"Let's go"sabi niya at hinila ako papasok sa kotse niya.
Hindi kami umiimik habang nasa byahe. Hindi ako mapakali dahil iniisip ko si Carlz. Ayos lang kaya siya? Alam kong wala akong karapatang tanungin yun pero mahalaga din siya sa akin. Si Carlz ang laging nandyan nung walang wala ako.
Napalingon ako kay Ranz dahil kumakanta siya at sinasabayan ang tugtug sa radyo. Halatang masaya siya sobrang saya niya kaya napangiti nalang din ako.
"Don't think too much"sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at napangiti na rin.
Hindi ko alam pero ang kaninang dinadamdam ko ay napalitan ng saya. Saya kasi sa tagal na hindi ko nakasama si Ranz heto na siya sa tabi ko at nakangiti.
"Nag-aalala ako eh paano kung hindi sila pumayag? Si Lolo paano kung magalit siya sayo?"tanong ko.
Tumigil naman ang kotse sa hi-way dahil nakastop light. Lumingon siya sa akin at hinwakan ang kamay kong naroon ang singsing.
"Lumaban nako dati at lalaban pa din ako ngayon. No one can break us apart now. Luluhod ako sa harapan nila matanggap lang nila ako ulit"sabi niya at hinalikan ang kamay ko.
Hindi ako nakapagsalita at yinakap ko nalang siya. Nagitla siya sa ginawa ko pero naramdaman ko ang pagtapik niya sa likod ko. Pinapahiwatig nun na wag ako mag-aalala at maayos ang lahat.
Sana nga. Sana nga at matanggap nila ang lahat at sana pakinggan ka din nila kagaya ng pakikinig mo sa akin.
Hindi ko namalayan na malapit na pala kaming makarating sa mansyon. Napalunok ako ng bumukas ang malaking gate at bumungad sa akin ang bahay na pinapaligiran ng mga tauhan ni Lolo.
Lumingon ako kay Ranz at hindi ko man lang mabakas sa mukha niya kahit kunti ang takot. Nakikita kong desidido siyang harapin ang pamilya ko. Desidido siyang magpakilala muli sa kanila bilang mapapangasawa ko pero sana nga ay matanggap nila iyon. Kagaya ng pagtanggap ko sa kanya sa kabila ng mga nangyari.
BINABASA MO ANG
Taking My Ex-Wife Back
RomanceBabala: kung hindi mo pa nabasa ang first part ng storya na'to.. pinaalalahanan kita please lang basahin mo muna at baka hindi mo maintindihan ang part two! ^_^ Part 1 Ang asawa kong multimillionaire