Yanna's pov
"Anong problema?" nabigla nalang ako ng yakapin ako ni Carlz at umiyak siya ng umiyak habang nakayap sa akin. Ngayon ko lang nakitang ganito si Carlz.
Bakit? Anong nangyari?
"Wala na si Dad."bulong niya dahilan para mag-unahan din sa pagtulo ang luha ko.
Hindi..
"Hindi yan totoo"mahinang sabi ko pero humigpit lang ang yakap ni Carlz sa akin.
Galit ako kay Ranz pero hindi ko kayang magalit kina Tita at Tito.
Wala silang ginawang mali sa akin puro kabutihan lamang ang pinakita nila.Paanong..
Paanong may nakagawa ng ganun kay Tito? at nasaan si Tita? Anong nangyari kay Kz? T-totoo ba talaga yung sulat niya kaya siya hindi dumating?
"C-carlz sabihin mong hindi totoo yan!"sabi ko at iniyugyog siya pero hindi siya nagsalita at puro hikbi lamang siya.
"Please Carlz"pakiusap ko at napaupo na sa harap niya.
"Y-yanna?! Anong nangyari?"tanong ni Kuya Xam at inakay ako patayo.
Nauubos ang lakas ko. Nauubos ang lakas kong magsalita at magpaliwanag. Akala ko masayang bagay ang mangyayari sa pagbalik ko pero bakit? Bakit si Tito?
"It's about Mr. Kei Lee"sabi naman ni Kuya Jershin na kalalabas lang sa opisina niya.
"What's the matter?"tanong naman ng kararating lang na si Papi kasama si Lolo at Mama.
"He's dead" walang nakapagsalita sa kanila sa nakakalungkot na balita.
Tumayong ama ko si Tito Kie nung mga panahong nasa kanila ako. Kahit minsan lang kami nagkakausap ay puro ngiti lang ang natatandaan ko sa kanya. Kahit nakatiting ay wala akong nakitang masama kay Tito. Sino ang gagawa nito sa kanya.
"I.. I don't know what to say"basag sa katahimikan ni Kuya Xam. Yinakap naman ako ni Mama at narinig ko ang mahihina niyang hikbi.
"Masaya sanang pagbabalik mo ito anak pero bakit ganito ang balitang nadatnan mo"sabi niya at hinigpitan ang yakap sa akin.
"My Daddylo is not dead!"nagulat kami at nagkatinginan ni Mama ng may sumigaw.
"Shinzhel! Baby-"naputol ang sasabihin ni Kuya Jershin ng nagwala na si Shinzhel.
"Una! sinabi niyo masama si Papa dahil iniwan niya si Mama! Then now you will tell me that daddylolo is dead! You are all liers!!!!"sigaw niya at tumakbo palabas ng bahay.
Nagkatinginan kami pero ako na ang sumunod kay Shinzhel sa may Garden na may basketball court. Napapikit nalang ako ng may naalala akong isang taong naglalaro ng basketball habang tinitilian ng lahat.
Ayoko siyang maalala. Ayokong mabuhay sa mga ala-ala naming dalawa. Masyadong masakit.
"Shinzhel"tawag ko pero hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakaupo sa gitna ng court.
"They keep on lying to me. They keep on saying that everything is fine. I know that's not gonna happen again!"sabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad papunta sa kanya.
Dalawang taon lang naman akong nawala pero bakit pakiramdam ko ang laki na nang agwat namin ni Shinzhel sa isa't-isa.
"Makinig ka muna-"
"Makinig? Im always doing that! I keep my mouth shut whenever I heard them talking about how Papa ruined you!"
Hindi ko napigilan ang isang butil ng luha na kumawala sa mata ko. Sobrang sakit makita ang hinanakit sa mata ni Shinzhel. Yung mga matang nagsasabi na 'I had enough'
BINABASA MO ANG
Taking My Ex-Wife Back
RomansaBabala: kung hindi mo pa nabasa ang first part ng storya na'to.. pinaalalahanan kita please lang basahin mo muna at baka hindi mo maintindihan ang part two! ^_^ Part 1 Ang asawa kong multimillionaire