Yanna's pov
Sobrang sakit ng ulo ko na para bang pinukpok ng martilyo. Napadami ata ang inom ko kagabi dahil ang huling naalala ko dumating si Ranz.
"Ateng inomin mo to"napatingin ako kay Jenna ng inabot niya sa akin ang gamot at tubig.
Napatingin ako sa paligid at nasa baay namin ni Ranz ako ulit.
"Paano tayo nakauwi?"tanong ko kay Jenna.
"K-kinuha tayo ni Shin Cross"sabi niya dahilan para mapakagat labi ako.
"Galit ba si kuya?"nag-aalala kong tanong na tinanguan niya.
"Pasensya na talaga Jenna"sabi ko.
Nahihiya akong harapin si Jenna dahil sa kabaliwan ko kagabi. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya yung nararamdaman ko.
"T-tayo lang ba kagabi? W-wala na tayong kasama?"tanong ko.
Naniniguro lang ako na bunga lang ng kalasingan ko ang mga senaryong pumasok sa utak ko.
"W-wala ka pong maalala?"umiling ako sa kanya.
"Wala naman po tayong kasama kagabi tayo lang dalawa ateng"sabi niya at kinuha na ang baso.
"Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka pa"sabi niya at umalis na.
Napatingin naman ako sa palasingsingan ko. Nagtataka ako kung bakit sout ko na ulit ang singsing nung kasal namin ni Ranz. Sinuot ko ba ito habang lasing ako?
Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na at humarap sa salamin
Kailangan ko ng harapin ang buhay kahit napakahirap at napakasakit. Nakakapagod ng magmukmok at paulit-ulit na masaktan. Nakakasawa na din.
Pumasok ako sa opisina ko sa Sweet Haven at gulat na gulat si Jenna ng makita ako. Napapansin ko na may tinatago si Jenna may nangyari ba kagabi?
"Jenna naayos na ba ang mga kakailanganin sa sweet opening sa susunod na araw?"
"Yes ateng approaval nalang sa budget ang kailangan ko galing sa iyo"sabi niya.
"Good"sabi ko at iniayos na ang mag recipe para sa gaganaping sweet opening nang Sweet Haven.
"Ah, Jenna? Sino nagsout ng singsing sa akin kagabi?"
Nagtataka na tingnan ko naman siya ng mahulog ang mga papeles na bitbit niya kanina.
"May tinatago ka ba sa akin?"napakagat-labi naman siya pero agad umiling.
May mali talaga sa kinikilos niya. Ano bang meron at ayaw niyang sabihin sa akin?
Jenna's pov
Napabuntong hininga ako ng makalabas ako sa opisina ni Ateng.
Ito talaga ang pinaka ayokong gawin. Ang magtago ng lihim pero kailanan ko 'tong gawin. Ayoko naman pangunahan si Sir na sabihin ang lahat.
Nakita niya kung paano nasaktan si Ateng kaya alam niyang hindi ganun kadali na basta nalang siya papasok ulit sa buhay nito na para bang walang nangyari sa kanila.
Sa pag-iisip ko hindi ko namalayan na nakatayo na sa harapan ko ang pinakapoging nilalang para sa mga mata ko.
"Are you deaf? Kanina pa kita kinakausap but you're just staring at me"sabi ni Shin Cross at masama na ang tingin sa akin.
"Kasalanan mo ang gwapo mo kasi"sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
Sungit talaga!
"Where is my sister?"tanong niya.
"Nasa opisina niya"walang emosyon kong sagot at hindi na siya pinagbalinan ng tingin.
BINABASA MO ANG
Taking My Ex-Wife Back
RomanceBabala: kung hindi mo pa nabasa ang first part ng storya na'to.. pinaalalahanan kita please lang basahin mo muna at baka hindi mo maintindihan ang part two! ^_^ Part 1 Ang asawa kong multimillionaire