28

3.2K 86 7
                                    

Yanna's pov

Pagdating namin sa labas ng bahay ay agad akong lumingon sa backseat kung nasaan si Shinzhel pero tulog na siya. Napagod ata siya ngayong araw.

"I'll carry him"sabi ni Dracel pero hindi na siya nakababa ng may kumatok sa pintuan ko.

Binuksan ko iyon at nakita ko si Carlz.

"Hi"sabi niya.

Tumingin ako kay Dracel pero nakatingin lang siya sa harap. Hindi man lang niya binalingan ng tingin si Carlz.

Hindi ko alam kung kanina pa naghihintay si Carlz sa amin dito pero nakahinga ako ng maluwag na nandito siya.

"Ako na bubuhat sa kanya"sabi ni Carlz at binuhat na ang tulog na tulog na si Shinzhel.

"Thank you for this day Dracel"sabi ko.

Isasara ko na sana ang pinto ng bigla siyang nagsalita.

"It's my responsibility to you and Shinzhel. You don't have to thank me"sabi niya.

Kahit naguguluhan ay hindi na ako nagtanong pa at hinayaan ko nalang siyang umalis.

"Umalis na siya?"tanong ni Carlz kaya agad akong tumango.

Nagtataka pa din ako sa sinabi ni Dracel pero hindi ko nalang yun inisip pa. Nakasunod pa din ako kay Carlz hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay. Nakita naman kami agad ni Kuya Jershin na nakaupo sa sofa. Nakita niyang buhat ni Carlz si Shinzhel kaya agad niya itong kinuha.

Napangiti pa ako ng makita kong hinalikan ni kuya sa noo si Shinzhel. Mahal na mahal ni Kuya si Shinzhel at pinaparamdam niya iyon palagi. Kapag day-off ni Kuya lagi silang nagpupunta sa puntod ni Ate Zhelina at doon sila kumakain na dalawa. Umuuwi sila kapag padilim na.

Alam kong nahihirapan si Shinzhel na tanggapin na posibleng hindi na namin makakasama pa si Ranz kaya niya siguro gustong makasama si Dracel.

"Ang lalim ng iniisip mo"nagulat naman ako ng magsalita si Carlz.

"Sorry. May sinasabi ka ba?"bgumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko.

"Let's have a date"sabi niya at hinila ako papunta sa labas kung nasaan ang kotse niya.

Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Bakit ganun? Wala akong maramdaman. Hindi kagaya nung hawak ako ni Dracel kanina.

"I wanna show you something"sabi ni Carlz kaya napatingin ako sa kanya pero nakatalikod pa din siya sa akin.

Halatang maganda ang mood ni Carlz parang may nangyaring maganda.

"Ano naman yun?"nilingon niya ako pero ngumiti lang siya.

Kung tutuusin gwapo din naman si Carlz may hawig din sila kunti ni Ranz pero magkaiba sila ng ugali. Mabuti ang puso ni Carlz at magaan siyang kasama. Madali siyang kausap kaya ayoko siyang masaktan.

Ayokong makitang umiiyak siya ng dahil sa akin. Dahil hindi ko kayang suklian yung wagas niyang pagmamahal. Sirang-sira na nga ang puso ko pati ba kanya idadamay ko pa?

"Hey"napaangat ako ng tingin ng tawagin niya ako.

Hindi ko man lang namalayan na nasa harap na ako ng kotse niya.

"Sorry may iniisip lang ako"sabi ko.

"It's okay, tara na?"ngumiti ako at tinanguan siya.

Gusto kitang mahalin Carlz pero hindi ko alam kung paano gagawin yun ng hindi kita masasaktan.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon